23: Lola

64.3K 939 121
                                    

It's Sunday today, andito kami sa BGC ni Rage, kumakain kami sa isang fine dining, mabuti nalang talaga naka black fitted bodycon dress ako na above the knee. Sabi kasi ni Yanna 'yon daw ang isuot ko dahil magkikita kami mamaya ng girls sa may Up town mall dito rin sa BGC, nakita kasi nya yon noon sa closet ko, si max pala ang nag bigay sa'kin.

Mag 2pm na nang matapos kami ni Rage. Sakto naman nag text si Lena na nandon na sila. Sasama daw si Rage sa gala namin tutal kasama ni Yanna si Xander at Knox rin. 

"You happy?" Napatingin ako kay Rage habang kinakabit ko ang seatbelt ko

"Oo naman sobra" I smiled at him. He kissed my cheeks

"You're so beautiful" Nakatingin sya sa daan at nakangiti. I blushed when he said that. I'm so kilig talaga whenever he compliments me.

Nakahawak siya sa binti ko at hinahaplos ito habang nagmamaneho siya. Rage is making the barest minimun yet my whole sensation is getting wild! Wala naman siyang ibang ginagawa pero kilig na kilig ang puso ko

"Ms. U.P!" masayang bati sa'kin ni Kyle nang makarating kami sa harap ng H&M Store. Tumingin ako sa loob ng store at nakita ko na nandoon na ang girls. Humarap ako kay Rage pero napansin ko ang seryoso niyang tingin kay Knox ganoon din si Knox sakanya.

"A-ah Rage, si Knox, pinsan ko" bati ko sakanya "Knox, si Rage, boyfriend ko" ramdam na ramdam ko ang tensyon. Hindi naman siguro sila mag sasapakan?

Nag-tanguan si Knox at Rage saka nag shake hands. Hayst!

"Uy,  parang umaayos ata mukha mo" bungad ni Seb sa'kin nang makalabas siya ng store.

"Talaga, ikaw lang naman ang pangit" Pambabalik ko. 

"Tae mo" sagot ni Seb, hindi ko na siya pinansin at pumasok na ako sa loob para puntahan ang girls.

"Girl, bagay sa'yo 'to," Tinignan ko si Max at inabot sa'kin yung croptop na one shoulder.

"Ang revealing, isusuot ba niyan 'yan?" Rinig kong comment ni Aa na nasa gilid ko

"Mas bagay ata kay Yanna 'yan, ganyan ang mga gusto niyan e yung nakikita ang suso" sabi ni Lena kaya natawa kami

"Excuse you!"  Yanna raised her brows. Kita ko ang pag-ngisi ni Xander sa narinig.

Wala akong napili kasi medyo pricey siya, nag iipon pa naman ako para sa trip to Batanes namin ni Rage. Papalapit na sana 'ko kay Rage nang mahagip ng mata ko ang isang manequin na nakasuot ng white shirt at may konting print. Naisip ko agad si Rage, ang sarap kasi nyang titigan pag naka white shirt, lalong humuhubog biceps nya.

Kinuha ko ang shirt na nakatupi sa harap ng manequin, large ang kinuha ko kasi yun ang size ng mga shirt ni Rage na pinapahiram sakin. 999 lang naman to.

"Hoy mens yang hawak mo" nagulat naman ako sa biglang pag sulpot ni Kamille sa tabi ko

"Ihh para kay Rage to, gift ko" sabi ko at papunta na kaming counter. May hawak syang isang t shirt at pants

"Aruy! Walang binili sa sarili pero sa jowa meron" Pang-aasarp ni Kamille. 

Nakangiti ako at masayang-masaya habang papalapit ako kay Rage na nasa exit sila ng shop. 

"R-Rage!" Inakap ko si Rage nang makalapit ako

"Luh, PDA ang puta" rinig kong sabi ni Seb kaya sinamaan ko sya ng tingin

"Edi sana all, 'di ba?"

"Here" inabot ko kay Rage yung paper bag. Ngayon lang ako may naibigay kay Rage, puro kasi sama ng loob ang naibibigay ko sakanya lately, eh.

A Minute of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon