Prologue

271K 2.2K 1K
                                    

This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are products of the author's imagination or are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

This story contains Bad words or Scenes so this is R18+ 

Until Forever series #1: A Minute of Forever (Completed)

Until Forever series #2: Aftermath (COMPLETED)

Ig & Twitter: @beautymutewp





R-18

READ AT YOUR OWN RISK

 



"Maria Lenilie"

"Present" I raised my hand. Last year ko na ngayon sa college life ko. I'm a nursing student here at Makati Medical Center College. Sa totoo lang ayokong maging nurse, I want to be a model or fashion designer kaso ayaw nila Mama. It's either medical or law field ako papasok, hindi ako kasing talino ni Kuya para maging doctor, o kasing talino ni Papa para maging abogado, kaya kinuha ko 'yung medyo madali ang nursing. Akala ko madali lang, mahirap din pala.

"Our guest speaker for our orientation tomorrow is Governor Valentina," sabi ng prof namin. Hindi naman ako uma-attend sa mga talk at orientation na ganiyan. Nakakatulog lang din ako kaya mas mabuti pang sa apartment nalang ako.


"A-attend ka?" tanong ni Ria, kaibigan ko. 

"Tinatanong pa ba 'yan?"

"Hoy required daw 'yon" tinapik niya ang aking braso

"Lagi namang required. May nadadagdag ba sa grades kong dos kapag umaattend ako? 'di ba, wala?" Napairap nalang ako.

"A-attend ako, attendance daw 'yon."

"Mag aattendance muna ako, bago ako umalis," sagot ko para naman may attendance ako kahit papaano.

"Bahala ka nga."

It's 3 pm at pumipirma na 'ko sa attendance saka ako lalabas. Wala namang bantay sa labas, e, magpapaalam nalang ako na bibili akong napkin. After kong pumirma ay nagmadali na 'kong umalis.

"Hey!" napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa gilid. Patay! "Where are you going?" tanong ng lalaki. Pumikit ako saka ko siya nilingon.


"Bibili lang po akong napkin—" nanlaki ang mata ko nang buksan ko aking mata. God! Isang Diyos ang nasa harap ko!

"Napkin?" He asked. Wala sa sarili akong tumango. Oh my god! Sobrang gwapo n'ya. He's wearing a white shirt andpants na black. He looks a bit older than me, baka mga 28-30 na siguro 'to. Not bad tho I'm 22 naman na rin. Narinig kong napangisi siya. "Napkin? O tatakas ka?" nabalik sa realidad ang utak ko sa kanyang sinabi

"Sir, hindi, bibili talaga ko, kahit sumama kapa." paghahamon ko. Sana ay hindi siya sumama kung 'di ay mapipilitan akong bumili talaga.

"Come with me." He said. My eyes widened.

"P-po? Sorry na, sir," Bahagya akong yumuko. "Sir, sorry na babalik na po ako sa loob." kinakabahan ako kasi baka ma Principal's office na naman ako neto lagot talaga ko kay Mama.

"Sabi mo ay bibili ka ng napkin? Sasamahan kita kung totoo man 'yun pero mukHang napa amin kana." natatawa nyang sabi at umiiling pa.

"Eh!" napakamot ako sa aking ulo "Nakakaantok naman kasi ang mga orientation na ganyan."

A Minute of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon