8: Mama!

63.7K 1K 149
                                    

"Ayoko ng damit na 'to Yanna, masyadong kita cleavage ko!" magka vc kami ngayon ni Yanna at sya ang namimili ng damit ko para sa opening ng bar ni Kyle mamaya. Pupunta ang lahat ng girls, invited din pala si Max at Yanna kaya ininvite na namin sila Selena, Kamille at Aa. 

"Tanga! Bar naman 'yon" Sabi nya "'Yan na ang suotin mo, 'di ba pupunta do'n bebe Rage mo? kaya mag pa impress ka" dagdag nya pa

"Eh, bakit naman ako mag papaimpress do'n?" Nagtatakang tanong ko.

"Bahala ka maraming girls dun, ikaw din" 

Oo nga no! Maraming girls dun! pero ano naman? Pero kasi mga naka ma-sexy ang pupunta do'n feeling ko baka lapitan nila si Rage. Ay no way.

"Wala bang medyo maayos dito?" tinaas ko ang tube dress na bigay ni Yanna sa 'kin at tinapat sa cam.

"Teka... yun yung top na 'yon, 'yung animal print" tinuturo ni Yanna ang closet ko. Napatingin ako sa tinuturo n'ya, kinuha ko ang leopard print na tank top 'yon na bigay sa 'kin dati ni Max. 

"Eh" napangiwi ako ng makita 

"Partnered it with your skinny jeans and high heels tutal e maliit ka naman" sabi ni Yanna

Eh, 'di ko gusto, parang 'di ko bet mag croptop.

"Sure na ba talaga, Yanna?" nakanguso kong tanong

"Oo dalian mona at gumayak kana, madiwara ka pa man din" sabi nya "bye na see you mamaya, may date ako ipapakilala ko sa 'yo" kinikilig nyang sabi bago patayin ang tawag. Napabagsak ako sa kama nang marealize ang susuotin ko, tank top? High heels? Okay pa' yung jeans e pero 'yung top? Ay hindi! Hindi ko isusuot 'yan!

Nagsimula na kong mag lagay ng skin tint sa mukha para naman hindi puro tinted sunscreen yung gamit ko. Naglagay din akong kaunting blush tsaka red tint sa lips ko para naman magkaroon ako ng kulay. I also curled my hair tas I bun it in half at naglagay ako ng ribbon doon.

Nang matapos ako sa mukha at buhok nag bihis na 'ko. I'm wearing a clack Sleeveless below the knee dress at pinalooban ko ng white tshirt sa loob saka ko sinuot ang Chanel flats ko na gift sa 'kin ng tita ko, ayoko mag heels mamaya madapa pa 'ko do'n e'di napahiya ako kay Rage. Sinuot ko na rin ang Tiffany and co chain necklace ko na may pendant na heart.

Binasa ko ang message ni Rage na papunta na raw s'ya sa Makati kung nasaan ang bar ni Kyle, sabi ko kasi ay 'wag n'ya na 'ko sunduin dahil alam kong may malalasing sa mga friend ko kaya kailangan nila ng mag hahatid. Nag chat din sila Selena na papunta na sila, si Yanna naman ay malapit na raw sa bar. si Max naman ay paalis na rin at ako eto paalis na rin.

Medyo ma traffic pero 20 minutes lang naman ako late, nag park na 'ko sa may parking area tsaka ako lumabas. Nahiya ang vios ko sa mga sportscar na nandito, nakita ko rin ang black na mustang ni Rage kaya alam kong nandito na s'ya.

"You're here" sabi ni Max ng makalapit ako sa table namin. "Have you seen the guy that Yanna has been dating for the past week?" Tanong ni Max na may ibang ngiti. Umiling naman ako

"Rage's Cousin" napalaki ang mata ko sa sinabi ni sam "Xander Rivero" dagdag nya

Hindi ko naman kilala ang Xander na 'yon pero pinsan nga siya ni Rage kung Rivero siya. Pero kahit sino pa siya ay hindi ko siya kilala.

"So mayaman din yun Max?" singit na tanong ni Selena, himala di kasama si Knox

"Yep but not as rich as the Galvez" she answered. "Rivero owns an Aircraft Company while Galvez owns Hotels, Restaurants, and Most especially Ang mga real estate property nila not just in the Philippines but all over Asia"

A Minute of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon