37: Mine

59.6K 1K 215
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw at sa mga tapik din ni Monica, halos mag 1 am na pala kaming nakauwi ni Rage. Ang dami pa naming nilibutan kagabi after that ride. Wala talaga siyang kapaguran, ang sakit na nga ng paa ko kakalakad at takbo, eh. Para kaming bata na nakawala.

"Wala bang kwento diyan, girl?" Tanong ni Monica nang makalabas ako sa cr. Nakabihis na ako ngayon para sa aming day trip. I'm now wearing a ruffled bow white crop top. Black mini skirt and my white Nike Air Jordan. My accessories are from Van Cleef and my bag is from Prada. I curled my hair again and put on a little warm make-up to match my outfit. 

"Nag libot lang kami," Sagot ko dahil alam kong hindi ako tatantanan ni Monica. "Nothing less, nothing more."

"Walang comeback?" Tanong ni Monica habang isinusuot ang red boots niya. Ang ganda rin mag ayos ni Monica, ang style niya ay very fearless woman. Parehas sila ni Yanna ng style.

"We're friends."

Alam ko na ang isasagot ko sa mga malisyosong tanong nila. Naihanda na namin ni Rage ang isasagot namin sa kanila. And besides, wala naman talagang kami. We barely talk about our past but we're fine. Hindi na awkward.

"Okay, power couple. Buksan mo na ang cellphone mo at trending kayo." 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Monica at dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa pagkakacharge. Expected ko na ito kagabi, dapat hindi na ako magugulat pero hindi ko maiwasang kabahan. When I opened my phone, puro notifs iyon at mga missed calls sa akin ng pamilya ko.

13 missed calls: Kuya Tristan

20 missed calls: Kuya Theo

8 missed calls: Papa

36 missed calls: Mama




Tinignan ko ang mga article na nakikita ko sa feed ko




NEWS FLASH

The daughter of our President is now dating a billionaire, the owner of one of the biggest companies in Asia, Rage Leandro Galvez. They are currently spending their vacation in Las Vegas with friends. Although it's not confirmed yet, many people are happy with the news!




Marami pang article online. Malalaking news company at showbiz magazin na nagpublish ng article about me and Rage. God, napaghandaan ko na ito pero hindi ko alam na ganito siya ka-stressful.


"Number one trending on Twitter, #powercouple" sabi ni Kyle. Nag breakfast na kami ngayon at pati sila ay hindi ako tinatantanan. Naiinis ako at the same time nahihiya na. 


"Tita is calling me a while ago asking if you and Rage are in a relationship and she wanted to say that make sure daw that it's a girl" Napangiwi ako sa sinabi ni knox, nagtwanan silang lahat maging si Rage ay nakangisi pa. Nakakainis! Malamang ay presscon ang sasalubong saakin pag uwi ko.


"I'm so happy talaga" Natatawang sabi ni Yanna

"Another Martinez in the house!" Masayang sigaw ni Selena.

"Welcome to the family!" Tumatawang sabi ni Xander sa akin.

"Tumigil nga kayo!" Inis na sabi ko. Hindi na maipinta ang mukha ko. Tapos si Rage ay patawa-tawa lang akala mo hindi sangkot.


"May Live si Mr. President," Napatingin kami kay Tiano. Nilapag niya ang cell phone niya sa gitna ng lamesa. Naka live si Papa habang nakaupo sa Presidential chair. God! Bakit naka live si Papa?! Biglang nanlamig ang buong katawan ko sa kaba. Ito ang hindi ko napaghandaan.


"Honestly, I don't know anything about what's happening with my daughter. She's old enough and smart enough to make decisions for herself, however, I was surprised. I always told her to marry someone who's politically related but let's see..." Papa's voice turned serious. I saw the deep gulp from Rage in front of me. "Celine and to your lover... I don't know, please, go home safely. The whole palace is waiting for you, my only daughter. Your brothers are waiting for you. We love you." And the live stream ended. 




A Minute of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon