"Tang ina!"
Nandito ako ngayon sa condo ni Max, kasama ko si Yanna at kinwento ko na sakanila ang lahat. I told them about my pregnancy. I told them everything. Lahat ng pinaplano ko.
"MY GOD BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?" sigaw ni Max.
Umiiyak ako ngayon habang nakaupo sa sofa, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko, na stress na ako nang sobra. Alam kong makakasama ito sa baby pero hindi ko mapigilang isipin ang nangyari last week. Rage is finally home, magaling na siya and he wants to meet me pero ayoko kaya ako nandito sa condo ni Max para magtago.
"Ano'ng plano mo?" nakahawak sa ulo niya si Yanna "May balak ka bang sabihin kay Rage?"
"Ayoko," umiling ako "hindi niya puwedeng malaman" umupo sa tabi ko si Max na niyakap ako.
"Bakit? He's the Father, Celine!" sigaw ni Max.
"Narinig ko kayong nag uusap ni Xander, Yanna," Nanginginig na bosesa na sabi ko. Napatingin si Yanna sa akin "At alam ko rin yung gagawin ni Rage, ayokong masira yung pangarap niya para sa'kin, hindi ko kaya. Mas gusto kong buhayin mag isa ang bata kaysa naman makasira ako ng pangarap"
"Whatever makes you happy, Celine, pero pinapaalala ko lang sa'yo, mahirap magpalaki ng anak mag-isa" sabi ni Max.
"Alam ko naman 'yon Max. Sa totoo lang ayoko ngang matulad saakin ang anak ko na lumaking walang ama pero kung 'yon ang pinaka tamang gawin kahit masakit o mahirap, titiisin ko"
"Susuportahan kita sa kahit anong gusto mo, Celine" sabi ni Yanna at niyakap din ako "tutulungan kita, namin"
Naglalakad ako ngayon papuntang PGH para sa check up ko, kailngan ko 'to para sa baby ko. First trimester kona pero hindi pa naman ganon ka obvious 'yung baby bump ko. Pero bago pa ako makarating sa hospital ay may pumaradang itim na MUSTANG! Shock! Si Rage 'to, dali dali akong lumiko at babalik nalang ako sa room, lakad takbo ang ginawa ko
"Nathalia!" narinig kong sigaw ni Rage kaya mas lalo kong binilisan ang pag lalakad, ayoko siyang makita o maka usap baka bigla akong bumigay. Hindi pa man ako nakakarating sa school ay may humila na sa braso ko, si Rage, iniharap nya ko sakanya, mapupungay ang mata niya at parang galit.
"R-Rage?" nanginginig ako ng tignan ko ang muka nya. shet namiss ko to, gusto kong kahawan ang muka nya pero pinipigilan ko, hindi ito ang oras para maging marupok ako.
"Fuck, Nathalia, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko? Are you fucking avoiding me?" Galit niyang tanong.
"N-No" umiwas ako ng tingin dahil nagbabadya na ang luha sa mata ko, God! I miss his angry voice.
"Then what the fuck are you doing? Why are doing this to me?" Rage said frustratedly "Tell me, ano'ng nangyari sa'yo habang wala ako? Did someone hurt you?"
Mabilis akong umiling sa sinabi nya "W-wala Rage, umalis kana" tinulak ko sya para mabitawan nya ang kamay ko
"Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari sa'yo! Tangina, mababaliw ako! Sabihin mo sa'kin!" Napapikit ako dahil unti-unti nang lumalabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Ayoko na, Rage!" Hindi ko na napigilang umiyak. Hindi ko kayang mawala ka pero kung itong pagmamahal na ito ang magiging dahilan nang pagkasira mo mas pipiliin kong lumayo nalang, mas pipiliin kong masaktan kaysa makita kang hindi natutupad ang pangarap na gusto mo.
"Anong sinasabi mo, Nathalia?" akmang lalapit siya sa'kin pero lumayo ako.
"Ayoko na, nag sasawa na ako! Hindi na kita mahal!" Sigaw ko habang patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata ko. Napangisi si Rage at nag iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
A Minute of Forever
Romance(Completed) Nathalia Celine Martinez is a Biology student at the University of the Philippines Manila. She was on the dean's list from her first year until her senior year. Despite the storms she faced, she remained a happy-go-lucky girl who was lov...