4: CheeseCake

73.1K 1.3K 190
                                    

Nakalabas ang ipad ko at nag tatakedown notes ako ng mga important lesson. Sobrang haba ng discussion, umabot kami ng 4 hours kasi nagkaron pa ng recitation at short quiz. Tapos maghapong laboratory. So tired.

Pasado naman sa lahat, kaso gutom na gutom na 'ko, 3pm na kasi. Nakauwi naman na 'ko sa condo ko pero wala akong nakitang makakain do'n. Ano ba'ng kinecrave ko ngayon? Parang gusto ko ng—

Nagulat pa ako nang mag pop ang phone ko, naputol tuloy ang pag iisip ko ng kakainin.

[Mag online ka] basa ko sa text ni Selena

Ano na naman kayang mga ganap na'to, nag rereview ako para sa long quiz namin, e. Nag online ako at nag labasan ang mga notif. Nag backread ako sa gc namin

maxinelianne: *sent a picture*

Binuksan ko ang picture at nakitang screen shot 'yon ng mga following list ni Rage at nandoon ako? Ha?

selena.v: asan ang baby?

maxinelianne: omg talaga!!!

alyanna_: hoy! ano ang hindi natin alam??

avinnaa: @nathaliaceline mag seen ka o kakalbuhin kita

selena.v: omg, nag sesecret na sa'tin si baby girl

kamillepindea: @nathaliaceline sasagot kaba o pupuntahan ka pa namin dyan sa condo mong gaga ka

alyanna_:  Sasagot ka o pupuntahan ko doon si Rage!

'Di ko na kinakaya ang mga nababasa ko, e kaya lang naman ako finollow no'n kasi dahil kay Yanna.

nathaliaceline: Hindi ko nga alam bakit ako finollow e wala talaga akong alam, promise

Totoo naman wala naman sa pagkakatanda ko ay i-unfollow ko s'ya kagabi bago ako matulog

maxinelianne: Hayaan n'yo na para follow lang, e

avinnaa: kunsintihin mo, manang mana sayo, e

Sabado ngayon at kakatapos ko lang mag klase sa isang subject. Naiiyak na'ko dito sa loob ng kwarto ko habang tinatapos ang mga term paper ni Sebastian! Hayop talaga 'yon.

Tumawag kasi sa'kin kanina si Seb-Seb at nagtambak daw ang gagawin n'ya dahil sa sunod-sunod nilang practice para sa UAAP. Stress na stress na si tanga kaya ako na ang gumawa ng mga essays niya. Sobrang dami na'to, may mga argumentative speech pa, at gagawa pa ng tula gamit ang ibang language! Hayop na Sebastian na'to kun'di lang ako naawa talaga sakanya, e.

Sunday today at papunta ko sa MOA para ibigay kay Seb-Seb 'yung mga papers n'ya. Siguro ay may practice sila ngayon kaya roon na'ko pumunta. Nakakawa nga ang boses ni Seb no'ng tumawag kanina at tinatanong kung tapos ko na. Tinapos ko talaga 'yon para naman makapag practice na s'ya kasi sabi n'ya na depressed na raw s'ya kahit bad si Seb love ko pa rin 'yon as my very best friend.

Pinapasok agad ako ng guard ng sabihin ko na may ibibigay lang ako kay Ortiz.

Pumasok ako sa loob ng court dito sa arena, nagpalinga linga ako at doon ko natanaw si Seb. Bwiset na'to!

Akala ko ba depressed ang hayop! Tawang tawa s'ya ngayon at kausap ang mga player at ibang mga lalaki! Hayop na'to! Akala ko naman hindi maka laro ang bwiset, napakasaya pa talaga nyang umiinom ng iced coffee n'ya! Humanda 'to sa'kin.

A Minute of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon