20: Delivery

51.6K 857 118
                                    

Gabi na at kakauwi lang ng mga friends ko. Dito muna ako nag stay kay Max, bukas na talaga ako uuwi, sunday naman bukas at walang pasok pa rin. Umuwi na si Yanna, si Lena, si Kam at Knox kaya kami nalang ni Max ang naiwan dito. Gusto pa nga ni max na tabi kami matulog pero ako na ang humindi, ayoko nang pag alalahanin sila ng sobra, magiging okay din naman ako need ko lang ng peace of mind.

Hindi ko maiwasang magalit kay Rage, dahil sa lahat ng nakita ko dapat mag explain 'yon agad o 'di kaya ay uuwi 'yon dahil sa china lang naman siya pero hindi niya ginawa. Nag enjoy ata nang sobra doon o baka naman sila na? Tapos kapag nag kita kami makikipag hiwalay na siya? Kaya ko ba? Kaya ko bang i-let go si Rage? Eh, ano namang laban ko sa Jill na 'yon?

Sabi ni Maxine, anak daw ng millionaire si Jillian. Isa ang Daddy at Mommy ni Jillian sa mga Crazy Rich Asian kung tawagin nila. Lalo lang akong nanlumo sa mga nalaman ko.

Bakit ba kasi hindi ako nag tataka na mag seseryoso sa'kin si Rage? Dati pa ako pinapaalalahanan ni Max na Rage can't commit! pero 'yung mga sinabi sa'kin ni Rage dati? Naguguluhan na 'ko. Bakit ba kasi sa lahat nang puwede akong maging tanga sa pag ibig ako pa?



***

"Wala siya dito Rage, pwede ba!"

"Ano ba trespassing ka!"

"NATHALIA!"

Mabilis akong nagising at napatayo sa higaan nang marinig ang boses ni Rage. Mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako sure sa narinig ko. Pero shit, nandito ba si Rage? Tumayo ako at kinusot-kusot ang mata ko. Nananaginip ba ako?

"RAGE, TATAWAG NA AKO NG SECURITY!"

"Then call a fucking security! Hell I care, Maxine!"

Agad-agad kong binuksan ang pinto ng room ko at nakitang nakatayo si Rage sa sala habang inis na inis si Max. Nag-aaway sila at nagsisisgawan nang maabutan ko. Bahagya pang naka-pikit ang mata ko.

"R-Rage?" Naguguluhan ako. Bat sya nandito? Anong ginagawa nya dito? hindi ba dapat asa China pa sya? bakit ba sya andito at nang gugulo sa condo ni Max. Gabing gabi na ahh.

Mabilis niya akong niyakap. Walang nagawa si Maxine. Gulong gulo ako habang yakap ni Rage, gustong sumabog ng puso ko sa sakit. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Para kasing may hindi tama. Para kasing hindi na ito totoo.

"We need to talk" Malambing na sabi ni Rage sa akin. Hindi ako sumagot kaya naman agad na pumagitna sa amin ni Max.

"No, Rage!" Sigaw ni Max at nilagay ako sa likod niya

"What the fuck Maxine—"

"What the fuck, Rage! You're fucking stupid!" Sigaw pabalik sakanya ni Max. "Ano? Pagkatapos mo sa isang babae mo tapos ngayon sa bestfrien ko ikaw hahabol? Damn you! You're such a dick! Dapat hindi ko na talaga pinakilala sa'yo si Celine, you're such an asshole, Rage! Hindi ka pa rin nagbabago." Galit na galit na sabi ni Max.

"What the fuck are you saying? I didn't—"

"Rage, enough!" Napahinto sila sa pag tatalo nang sumigaw ako "I don't want to talk to you. I don't want to see you ever again. Hindi ko na gusto pang marinig ang paliwanag mo." Madiin na sabi ko habang may butil na luhang tumutulo sa mata ko.

Nag iwas ako ng tingin para pigilan ang luha na gustong kumawala sa mata ko. Maybe I'm not yet ready, hindi pa ako ready sa sasabihin ni Rage, hindi ko pa kayang marinig sakanya ang 'its not you it's me' line pag gustong makipag break ng guy. Lalong lalo na hindi ko kayang marinig na hindi naman nya talaga ko minahal at makikipag balikan na siya doon sa babae na 'yon.

Kasi ganitong ganito 'yon, eh. Mag eexplain siya tapos after akala mo okay na pero bigla niyang sasabihin na mas mahal pa pala niya 'yung isa. Ayoko. Ayoko nang ganoon.

A Minute of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon