38: Rivero-Galvez

62.5K 1K 237
                                    

Hanggang sa makabalik kami sa hotel ay wala akong ibang inisip kung hindi ang mga sinabi ni Rage. Hindi nga ako nakapagsalita, eh. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nah confessed ba naman na mahal niya pa ako and he wants me back?! God! Paano ako makakatulog nito?

Hindi ko alam kung saan ko ipapaling ang ulo ko. Hindi talaga ako makatulog sa kaka-isip. Mabuti nalang at tulog na si Monica.

Umupo ako sa kama at napahilamos ako sa stress. Jusko naman! Akala ko closure lang ang pag-uusapan, I wasn't informed na pati pala ang feelings niya.

Ang dami ko pang tanong na gustong masagot, eh. Kaya pakiramdam ko hindi pa buo ang puso ko.

"Ah, I'm tired!" Humiga uli ako sa kama at tinakpan ng unan ang mukha ko.

Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko. Parang kakatulog ko palang, ah. Hindi pa ako ready na bumangon. Hindi ko alam kung paano ako uli haharap sakanila. Tumingin ako sa gilid ko at wala na doon si Monica, uuwi na kami bukas. Pero parang hindi pa handa ang kaluluwa ko sa mga sasalubong sa akin.

"Girl, mabuti at gising kana," bungad ni Monica nang makapasok sa room ko.

"Ano'ng oras na ba?" Tanong ko, kinukusot ko pa ang mata ko nang makaupo ako sa kama. Ang taas na ng araw.

"12 pm na, inday!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nic. "Hindi ko alam kung ano'ng ginawa niyo kagabi ni Rage pero may dapat kang malaman," Tumabi siya sa'kin.

"Ano, Monica?"

"Umuwi na ng Philippines si Rage kanina. His Grandpa died."

What?!

My eyes widened in shock.

"Really? Is he okay?" Tanong ko kay Nic. I'm worried. Family oriented pa naman si Rage. I know this is hard for him.

"He looked okay. Bukas na raw tayo umuwi sabi ni Xander, ayaw din ni Rage na umuwi tayo agad," sabi ni Monica. Napaligon kaming dalawa nang bumukas ang pinto at pumasok doon ang girls.

"Hi, our baby girl!" bati ni Yanna at niyakap ako. "How's your sleep?"

"Si Rage, Yanna" Nag-aalala ko

"Rage is fine don't worry, Doctora" Sabi ni Zea

"Hindi ba siya nagpaalam sa'yo?" Tanong ni Aa. Umiling ako, hindi nga rin siya nag chat na nakaalis na siya, e.

"Ayaw niya siguro na magworry ka but he's fine nakaalis na siya kaning 8 am," Sabi Max

"Puwede ka na sigurong magkwento sa'min" Sabi ni Selena

"Selena nga!" I rolled my eyes at her. Tinignan din siya ng masama ng mga kaibigan nami

"What? Curious lang naman, ah. Parang hindi naman kayo atat na atat kagabi na umuwi tong si bebe girl," depensa ni Selena.

I took a deep breath and calmed myself.

"He confessed," I told them. I saw how a smile formed on their lips.

"I fucking knew it!" sigaw ni Kam

"Anong sinabi sa'yo?" inalog alog pa ni Yanna ang braso ko.

"He still has feelings for me?" Gulong gulo ako habang nakatingin sakanila. Mga nagtilian sila at nag tatalon, maging sa kama namin ni Monica ay mga nag pagulong gulong.

"Tangina power couple talaga!" sabi ni Monica at pumalakpak pa.

"Kung makapag saya kayo parang hindi namatayan si Rage, ah," Sabi ni Aa. Tama! Namatayan si Rage, bakit sila nagtatalon?!

"Ay oo nga pala" Umayos sila ng tayo "Sorry"

"Last day today, tomorrow at exactly 12 pm ang flight natin" sabi Max.

A Minute of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon