21: Sperm

70.2K 1K 146
                                    

To: bobong Engineering 

Bestfriend nasaan ka?

Chat ko kay Seb-Seb dahil malaki ang pangangailangan ko sakaniya. Ngayong hirap na hirap ako at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sperm. Wala akong choice kung hindi ang utuin ko ang engot na 'to.



From: bobong Engineering 

ulol! Ano na namang kailangan mo?



Mukhang nakakatunog ata ang engot na 'to.

To: bobong Engineering 

Asan ka nga, may ibibigay ako sa'yo



From: bobong Engineering 

Puntahan mo 'ko sa steak house malapit sa dampa, alam mo na 'yon, kinakainan natin nila Yanna



To: bobong Engineering 

Okie otw luv u Best friend kong gwapo at mabait



Pinatay ko na cell phone at nagpunta na ako sa steak house. Mabuti nalang nagpadala na uli ng allowance si Mama, ilibre ko ngayon si Seb para naman may chance akong mapapayag siya. After 20 minutes nandito na 'ko sa harap ng steak house na sinasabi ni Seb. Feeling ko nandito na 'yon at kasi dito lang din ang dampa.

Dala-dala ko na ang clear container para kay Seb. Itatago ko 'to sa loob ng bag ko kasi alam na agad no'n kung ano kailangan ko pag nakita niya 'yung container. Kailangan hindi ko mabuwiset si Seb ngayong gabi, dapat hindi ko siya mapikon, dapat susunod lang ako sa sinasabi niya. Tama-tama. Pinag masdan ko muna ang itsura ko sa salamin ng window ko pagbaba ko sa car.

 I'm wearing long green floral skirt na may mataas na slit hanggang hita ko, white sleeveless crop top ang pantaas. Naka lugay ang curly long hair ko at white sneakers naman sa baba.

"Sebastian!" Nakangiti kong Sigaw pagpasok sa loob ng Restaurant, wala namang tao kundi ang mga kasama lang ni Seb na sila—shet! Agad nawala ang ngiti ko nang makita si Rage! Akala ko ba?!

"Ms. UP!"

Nanghihina ang tuhod ko at nanginginig ang labi ko nang magtama ang mata namin, gustong gusto kong mag mura pero pinipigilan ko. Gusto ko nang umalis dito pero hindi ko maigalaw yung paa ko.

"Welcome to Rio's Steak house, Ma'am, table for how many po?" Bati sa akin ng waiter. Nag iwas ako ng tingin at bahagyang tumalikod.

"Kasama namin siya" 

Liliko na sana ako paalis nang magsalita si Yanna. Hindi ko kaya na makasama si Rage tiyaka may iba akong agenda dito. Hindi nila puwedeng malaman!

"This way po, Ma'am" Wala na akong nagawa at wala sa sarili akong sumunod sa waiter, nakatulala at hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong batang paiyak na.

Naupo ako sa tapat ni Rage. Hindi ko siya tinitignan. Nakatingin ako sa lamesa ko habang si Yanna ay may binubulong pero 'di ko maintindihan. Gusto ko ng umuwi. Sana pala ay hinihintay ko nalang na makauwi si Seb.

"Umayos ka ng upo mo" rinig kong bulong ni Yanna na nakapag pabalik sa'kin sa realidad. Agad akong umayos ng upo.

Napatingin ako sa harapan ko at pinag sisihan ko 'yon dahil nakatingin din si Rage sa'kin. Agad akong umiwas ng tingin at kunwaring pinagmamasdan ang interior ng restaurant. Mukha akong tanga, alam ko, pero ayoko talaga siyang kausapin.

"Ms. UP, long time no see! Namiss ka namin lalong-lalo na 'yung isa dIyan" sabi ni Tiano, hindi ko sIya pinansin at yumuko lang. Ayokong mamansin, pakiramdam ko ay nakain ko ata ang dila ko.

A Minute of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon