Nakarating na 'ko dito sa school, nag park lang ako sa may parking at dumiretso na sa room bitbit ang chicken na binili ko. kitang kita ko pa ang mga tinginan ng ibang student no'ng bumaba ako. Ngayon nalang uli kasi ako nag car, madalas tricycle lang o 'di kaya nag lalakad ako. Sayang kasi sa gas e, pero para kay Rage.
Nakatulala ako habang nag di-discuss 'yung teacher namin. Iniisip ko kasi magiging reaction ni Rage 'pag nalaman n'ya ang pupuntahan namin. Magagalit kaya 'yon? o ineexpect na n'ya na sa mumurahin lang kami pupunta kasi mukhang 'di ko naman afford ang mga fine dining eme na 'yan?
4 hours before dismissal
3 hours...
1 hour...
Isang oras nalang pero parang sobrang tagal pa ng oras. Ganto bako ka excite para bumagal ang oras?
"Nathalia" halos mapatalon ako nang tawagin ako ng teacher. "Recite the 2 parts of cervix"
Mabilis akong tumango at tumayo
"The cervix is divided into two parts, the endocervix is the inner part of the cervix lining the canal leading into the uterus. The ectocervix is the outer part of the cervix. It is rounded and lip-like and sticks out into the vagina."
Buti nalang talaga kahit paano nag basa-basa ako kahapon sa cafe bago gambalain ni rage ang buhay ko. Tumango ang professor ko sign na uupo na 'ko.
Si Rage naman kasi, e! S'ya nlang ang laman ng isip ko lagi
"Bakit ba ang lutang mo girl" bulong ni Monica na nakaharap sa 'kin. Nginitian ko s'ya bago umiling
"Wala hehe"
Andito ako sa may comfort room. Nag lalagay ako ngayon ng tinted sunscreen sa mukha kahit palubog na ang araw. Wala akong foundation kaya okay na 'to. Manipis lang ang nilagay ko para mag mukha pa ring natural. I also put tint on my cheeks kaunti lang para hindi mag mukhang maputla ako maputi pa naman ako kaya nag mumukha akong may sakit 'pag walang ayos.
Nag spray ako ng pabango hanggang sa tuhod ko. Inayos ko ang uniform ko at chineck kung may mantsa ba ang puting-puti kong uniform pero wala naman. Sinuklay ko ang hanggang bewang kong buhok. straight na straight 'yon tas inayos ko rin ang headband ko. May dala rin pala kong mouth wash kaya ginamit ko na baka kasi may part two yung kiss namin ni Rage. Emi!
nathaliaceline: otw na po me.
Lumabas nako pag ka type ko no'n. Nauna na palang umuwi si Monica at may gagawin pa raw. Buti naman baka makita pako no'n na may kasama, e.
Nag drive na 'ko nang ma recieve ko ang chat ni Rage na palabas na s'ya ng gate. Malapit lang naman ang school namin ni Rage, e, pero bakit kalapit lang ng La Salle pero nito ko lang sya nakita ever.
Dito ako sa south gate nag park kasi sabi ni Rage nandoon daw s'ya. Nagpalinga-linga ako pero wala akong Rage na nakikita. Bababa na nga ako, 'di n'ya pala alam 'yung car ko. Nang makababa ako ay nagpalinga-linga uli ako. Trying to find him again.
"Ms. U.P!" Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang pamilyar na boses. Si Rage kasama n'ya 'yung kasama n'ya nung nasa MOA.
Nginitian ko sila. Rage is wearing a balck polo shirt na medyo fitted sa kaniya tas black pants, may hawak s'ya sa kabilang kamay n'ya na laptop bag. Mukhang inis na inis ang mukha, 'yung mga kasama naman nya ay nakangiti sakin. 'Yung isa naka suot ng P.E., uniform ng La Salle at 'yung isa naman ay uniform ata 'yon ng FEU.
"Rage!" masayang bati ko at nginitian ko si Rage na walang emosyon. Napatingin ako sa dalawa n'yang kasama, parang pamilyar talaga 'tong naka FEU na uniform? Lumapit ako para mas lalong makita ang mukha ng lalaki.
BINABASA MO ANG
A Minute of Forever
Romance(Completed) Nathalia Celine Martinez is a Biology student at the University of the Philippines Manila. She was on the dean's list from her first year until her senior year. Despite the storms she faced, she remained a happy-go-lucky girl who was lov...