2

231 6 7
                                    

ISABELLA

Habang nagtratrabaho ako dito ay biglang may kumatok sa pinto ko.

"Come in"

May pumasok at kaya natuon ang pansin ko doon. It was isaak with dark aura.

"Hello Mr. Mendoza,what can i help for you?"

"Stay away from my brother, Isabella"

Ay hala sya? Anong nakain nyo? Pati ikaw?

"Bakit ako kinakausap mo? Lumalayo nga ako pero itong kapatid mo gusto akong asawahin"

"Come on gusto mo ba ng pera? Me and Alicia give you that but please let Cluster lived alone"

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nandidilim ang paningin ko kaya sinampal ko sya.

"Ganyan ba talaga tingin mo saakin? Ganyan ba na pagkatapos mo yung kapatid mo naman?"

"Diba tinanong mo ko noon kung kating kati ba ang semilya ko sa egg cell ng kapatid mo and now baliktarin natin. Kating kati ba yang egg cell mo na makuha ang isang sperm ng mendoza ha?!"

Huminga muna ako ng malalim at napaiyak ako sa sinabi nya.

"Talaga? Ako pa? Eh ikaw? Bakit mo binuntis ang kapatid ko? Dahil ba nagkulang ako sa oras? Dahil ba na nabusy ako sa trabaho ko?"

"May hinahanap ako na walang sayo Isabella"

Huh,wow halos nga ibigay ko na ang lahat sayo tas ayan pa.

"Tangina mo rin no? So sa kapatid ko yung nahanap mong wala saakin?"

"We both know matagal nang hindi nagwowork ang relasyon natin noon dahil nga busy ka sa pagdodoctor mo,one time we have date hindi ka sumipot, one time na sabi ko magstay ka sabi mo may ipapanganak kang pasyente. Kay Alicia ko napunan yun. Kay Alicia na kapatid mo. Alam kong mali ang ginawa namin pero sinadya ko yun. Sinadya kong makipag sex sa kanya. Sinadya ko lahat."

You admitted all of your shits! Wow amazing honest ka nga pala

"Sinadya mo? Huh thank you huh ako pa may mali. Ako pa nagkasala. Thank you ah. Ako pala nagkulang sa relasyon natin. Thank you. Salamat ah"

"Sorry,pero kailangan mong hiwalayan ang kapatid ko. Gusto mo bang maghiganti sakin? Then Punished me, revenge with me"

Maghiganti? Ako? Hindi ko ugaling maghiganti sa Cheater at hindi ako maghihiganti sa asawa ng kapatid ko. Magsasalita na sana ako nang may pumasok sa office ko. Saktong nandito si Cluster.

"Hindi ko sya hihiawalayan kuya"

Lumingon si Isaak sa kapatid nya at tumawa ito.

"Saktong nandito ka,tell her, tell her that you never getting married to my ex"

"No kuya,itakwil nyo na lang ako kung pipilitin nyo kong makipaghiwalay sa mahal ko"

Masakit sakin na umamin si Isaak sa kagaguhan nya.

"Kaya mong magtiis sa taong walang oras sayo? Kaya mo? Si Isabella maraming ginagawa nya. Madaming inaasikaso. Ako nga sumuko na at nagloko ikaw pa kayang doctor na katrabaho nya."

"Wala din naman akong oras sa inyo ah?Bumitaw ba ako? Ok then tanggalan nyo ko ng shares sa kumpanya. Tanggalan nyo din ako ng lisensya bilang doctor. Gawin nyo kong mahirap pa sa daga pero hindi ko hihiwalayan si Isabella dahil nalaman ko na ang totoo mong kulay. You cheated. You get woman and made her pregnant. You're not a right man for her. Buti nga matino pa ako sayo. Hindi ako kasing katulad mo na walang tyaga at pumapatol sa kapatid ng gf ko"

Tumawa naman si Isaak..

"Settle! Tatanggalan ka namin ng shares sa kumpanya,ng ATM, ng Ari arian,Lisensya at gagawin naming hindi maayos ang pamumuhay mo hanggang sa sukuan mo ang gf mo"

"No! Wag mong gawin sa kanya yan. Ako na lang. Uuwi na lang ako sa probinsya namin para walang problema."

Lumingon si Isaak sakin at ngumiti.

"Ganyan mo sya kamahal no? Pati sarili mong trabaho iaalay mo"

"Alisin nyo na ako sa hospital na ito. Please Cluster for all of us hayaan mo muna ako"

Hindi na ako napigilan ni Cluster at tinanggal ko na ang suot kong doctor sleeves and id ko. Kinuha ko ang bag ko at Umalis na.

....

Nang makauwi na ako ay hinanda ko na ang mga gamit ko. Uuwi na lang muna ako sa probinsya namin. Magulo ang syudad. Kailangan ko din magsakripisyo para sa kaligayahan nila. Ayokong maghirap si Cluster ng dahil saakin. Mawalan na ako ng ari arian wag lang sya.

Nang matapos na ako maghanda ay agad kong nilock ang condo ko at sumakay sa kotse ko. Ilang oras din ako makakarating sa Pampanga. Mabuti nang lumayo ako dahil nasasaktan na ako dito. Hindi na lang ako magpapaalam kay Alicia. She needs to be fine. Actually she lived like a queen now. Ayun na lang mahalaga saakin. Masaya na sya.

.....

Madaling araw na ako nakarating sa bahay namin. Kumatok ako at narinig ko naman ang pag yapak ng isang tao. Binuksan yun ni inay at umiyak ako. Niyakap ko sya at umiiyak sa braso nya.

"Anak,bakit ngayon ka lang?"

"Inay,sorry po ah. Hindi na po ako maghihiwalay sa inyo ni itay."

Pumasok na ako sa bahay namin. Naalala ko dito kami naghaharutan noon ni Alicia sa sala. Umupo muna kami sa sala at pinainom naman ako ng tubig ni inay.

"Kumain ka na ba anak?"

Tumango ako pero ang totoo hindi pa. Ayoko din kasing kumain wala akong gana

"Nay, kamusta kayo ni itay dito? Sorry po sa nangyaring gulo noon. Mali din po ako nay dahil nagmahal ako ng taong hindi karapat dapat saakin."

"Anak,sa pagibig kailangan natin masaktan. Kailangan nating magsakripisyo. Sinakripisyo mo ang kaligayahan mo para lang sa kapatid mo. Pero wag mong kakalimutan na magmahal dahil doon mo makikita kung sino ang karapat dapat sayo. Anak,May kasalanan din ang kapatid mo. Noong una galit kami sa kanya dahil sa ginawa nya. Nalaman pa naming boyfriend mo ang nakabuntis sa kanya. Sinakripisyo mo si Isaak para sa kapatid mo. Walang mali sa pagmamahal anak kung nasa tama ito."

Niyakap ko si inay at umiyak ulit sa kanya. Niyakap nya din ako pabalik. Masakit man magmahal sa umpisa pero kung hindi ka masasaktan sa pagibig hindi mo malalaman ang tunay na kasiyahan nito.

Social media accounts

Facebook page: Zyrinnestories WP
Official Facebook account: Clarissa Dionaldo
TikTok account: Zyrinnestories

In Another Life [Wrong Time With A Right Person] (Isabella & Cluster)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon