10

160 3 0
                                    

ISABELLA

Napagdisisyunan na lang namin na umalis sa bahay na yun. Para wala na ding gulo. Medjo malaki din ang bahay na binili nya. Tumingin ako kay Cluster at niyakap sya.

"Thank you,i love you"

Hinalikan nya ang ulo ko at niyakap din ako. "Mahal na mahal din kita. I can't wait to have a family to you"

5 taon ang nakakaraan.

"Anak,Zavier bilisan nyo" dali dali naman bumaba ang anak ko. Kasama pa kasi ang ama nito. Sabay silang bumaba at pinauna ko na ang anak ko sa kotse at nilapitan ko ang ama nya at inayos ko ang damit ni Cluster.

"Ano ba yan! Laki laki mo na hindi ka pa din marunong magnecktie?" Inis kong tanong sa kanya habang inaayos ang necktie nya. Tumingin naman ako sa kanya at hinalikan nya ang noo ko.

"I love you,Mrs. Mendoza" ngumiti ako sa kanya. He knows that I'm pregnant. Yes I'm pregnant to our second child. How it comes right? Naging maayos kami ni Jaiden. Ngayon may Girlfriend na sya.

Si Alicia naman tinitiis ang asawa nya. Ewan ko ba doon inexplain ko na sa kanya pero ayun. Tangina pa din hindi nagbago.

Habang naglilinis ako ng bahay namin ay may kumatok sa pinto namin. Binuksan ko yun at sinunggaban agad ako ng isang halik. Tinulak ko sya at nakita ko si Isaak.

"What the hell?! Isaak ano ba?" Umalis ako sa ibaba nya at tumayo. Inis akong humarap sa kanya.

"Balikan mo na ako, Isabella" wow lakas naman ng apog mong magsabi ng ganyan.

Tumawa ako sa sinabi nya "gago ka ba? Babalik ako sayo? Seryoso ka? Huh diba you cheated on me? Tas ako babalik sayo? In your dreams."

"Yeah in my dreams binalikan mo ko. In my dreams may anak tayo. Tatanggapin ko yang dinadala mo basta ako na lang.isabella ako na lang" wow pagsawa na sa kapatid ko ako naman?

"Sawa ka na ba sa kanya? Kaya gusto mo sakin? Sorry ka hindi ko ibibigay kaluluwa ko sa taong manloloko." Pinaalis ko sya doon at sinabi ko sa guard na wag papasukin si Isaak.

Wala na akong naging balita sa kapatid ko. Ngayon sila mama at papa na lang ang karamay nun. Bumalik din ako sa pagiging obygyne. I'm so happy to see parents that happy to there childs. Nang maipanganak ko si Zaiver masayang masaya ako. Worth it yung sakit nung nailabas ko sya. Pero nagtatampo pa din ako. Kasing ugali nya tatay nya. Hindi mataas pride ng anak ko. Yung gustong gusto nyang babae lagi nyang nilalapitan.

To 5 years of marriage. Naging masaya ako. Kumpleto ako. Kumpleto na nandito sila sa tabi ko.

.....

Pagtapos ko sa Hospital ay dumiretso ako sa school ng anak ko. Nasa business trip ang asawa ko kami lang ni Zaiver ang naiwan. Nang makalabas na ang anak ko ay sumigaw sya at lumapit sakin..

"MOMMY!"

ngumiti ako at kinarga ang baby boy ko "ano kamusta baby boy ko?"

Pinakita nya sakin ang 6 stars nya. "Wow galing! What do you want Tonight?"

"Fried chicken and ham mommy. Pwede din ice cream?" Tumango ako at sinakay ko na sya sa kotse. Pinagseatbelt ko sya at nag seatbelt na din ako. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ko. Tatlong araw nang hindi naguupdate sakin si Cluster. I'm worried to him hindi ko alam kung ok ba sya.

"Mom, what's wrong?" Inosenteng tanong ng anak ko at tumingin ako sa anak ko at ngumiti.

"Nothing" inabot ko sa kanya ang phone ko " you can play what you want there" tumango lang ang anak ko at ngumiti ako. I'm happy for him.

....

Matutulog na sana ako nang biglang may message na nag up sakin. Tinignan ko at nakita ko ang video na nakapatong ang lalaki. Hubad ang katawan. Kinakabahan akong binuksan ang video at nakita ko.....si..... cluster? May katalik na iba?

Naiyak na lang ako at tinapon ko ang cellphone ko sa pader. Iyak lang ako ng iyak at biglang kumirot ang tyan ko. Napahiyaw ako at agad naman akong dinaluhan ng anak ko.

....

"I'm sorry,Mrs. Mendoza. Ginawa po namin ang best namin pero hindi na kinaya ng kapit ng baby. Masyado na syang nastress. I'm sorry"

Pagkarinig ko namuo ang galit ko kay Cluster. Magkapatid nga sila. Parehas manloloko. Parehas silang sinungaling.

.....

"I'm home" sigaw ni Cluster at lumapit sya saakin. Hahalikan nya sana ako sa labi pero umiwas ako. Tumayo ako at umalis sa sala. Pumunta ako ng kusina at kumuha ng tubig.

Nagpapakasarap ka samantalang ako,nakunan dahil sa stress na binigay nyo sakin. Thank you ah thank you.

Nakaramdam ako ng kamay sa tyan ko at halik sa leeg ko.

"Hon, what's wrong? Tell me"

"Tell me? Can you asked your self why I'm so disgusted to you"

Napakunot naman ang noo nya sa sinabi ko.

"Disgusted? Why? Anong ginawa ko?"

"Another lie? Anong ginawa mo? You better asked yourself. Kelan mo pa ako niloloko?"

Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko. Well ano to? Walang maangmaangan?

"I didn't cheat on you, I'm faithful to you"

"Faithful was for only the good husband. Hindi nya hahayaang masaktan ang asawa nya. Tell me ok ba sayong magpakasasa sa katawan ng ibang babae? Hindi ba nangako ka saakin na magiging mabuti kang asawa?"

Niyakap nya ako at tinulak ko sya.

"TAMA NA! Cluster pati ba naman ikaw lolokohin ako? Pano ka nakakatulog ng mahimbing pag katabi mo ko? Pero ang iniisip mo ibang babae"

"Wala akong ibang babae. Wala. Kayo lang nila Zaiver ang meron ako at nang nasa tyan mong bata. Hindi ko magagawang magloko sa inyo. Kahit ilang ulit mo pa ako pagalitan hindi ako nagloko. Hindi ko magagawa ang bagay na yun, Isabella. Sinabi ko naman sayo diba? Mahal na mahal kita"

Wow. Mahal? Mahal nya ako pagkatapos nya magsawa sa babae nya. How pathetic nga naman.

"Mahal? Mukha kang gago! Mahal ba ang matuturing mong nakipagsex sa iba? Ha? Tell me? Kapag ba may business trip ka kasama mo babae mo?"

"Ano ba?! Wala nga sabi eh. And sex? I didn't have any sexual intercourse to someone else. I did it only you. Sayo lang. Sayo lang ako makikipagtalik. Ano bang nangyayari sayo?"

Wow ako pa ah? So ako pa ang may mali "kitang kita na sa video! Pwede bang wag ka na magsinungaling wag mo nang pahirapan ang sarili ko"

Humagugol na ako. Ang sakit na pwede ba? Pwede bang mawala na lang din ako?

"Hindi ko kayang magloko sayo. Hindi ko magagawa sayo ang bagay na iyon."

In Another Life [Wrong Time With A Right Person] (Isabella & Cluster)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon