Chapter 7

109 4 1
                                    

CRIZA POV

I woke up early, since maaga ang taping namin today tsaka halos patapos nadin naman yung movie namin. Kahit papano humupa na ang maga ng mata ko kakaiyak kagabi. Pero kahit gaano ko ata iiyak lahat, hindi padin nababawasan yung sakit. Hindi ko din alam bakit ganto kasakit samantalang wala namang "kami". Sabagay yun nga ang masakit e, yung pinaramdam nyang parang kami at importante ako pero hindi ko naisip magkaiba pala ang special at importante, mas lalo ang gusto sa mahal.

"Good morning ma" bati ko kay mama sabay halik sa pisngi nya. Ngumiti naman to sakin bilang tugon

"Good morning mom" lapit ko kay mommy tsaka humalik din.

"Good morning too anak. Pinaghanda kita ng tuna sandwich for your breakfast pati nadin foods mo para baon mo for taping" sagot naman nito sakin.

"Thanks mom" sagot ko saka kinuha ang lunch bag

"Good morning tito" bati ko naman kay tito na nagkakape habang nagcecellphone. Tumingin naman to sakin sabay abot ng phone nya.

"Ayaw ko ng dagdagan pa pagiging broken mo CJ simula pa kagabi pero for sure makikita mo din naman yan mamaya kaya unahan ko na" sabi nya

I checked his phone and pain runs thru my heart again. Pero di gaya kahapon, tila ubos na ata ang luha ko kaya di na ko makaiyak kahit nasasaktan padin ako.

It was an online trending news about Joao and Jan yesterday. Trending to ngayon sa facebook and even twitter. Leaked picture yon ni Joao sa hospital yesterday and it has a caption na "Come back is real for real life first lover : Actor Joao Constancia and super model Janille Ruellos".

Based sa balita nakita daw si Joao sa hospital kung saan sinugod si Jan at tila alalang-ala sa dalaga at napag alaman din daw nila na first lover ang dalawa ayon sa isang reliable source. They still waiting daw sa confirmation ng dalawa kung totoo nga ba ito at kung nagkabalikan na nga ba ang mga ito.  May mga comment pa na halata naman daw nagcomeback na daw sila dahil sa pagpunta ni Joao sa hospital. Ang iba naman tinatanong kung break nadaw ba kami.

"Hmm.. good for them" yun lamang ang sinagot ko tsaka umupo para makapag almusal na.

"What it is nak?" Mom asked me

"Nothing mom. Maagang chika lang po, to kasi si tito chikadora ng taon e." Paklang tawa ko para di makitang apektado ako. Hindi naman na kumibo si mommy kaya nagpatuloy na kami sa agahan.

** AT TAPING **

Sakto lang pagdating ko sa set, hindi maaga hindi din naman late. Maaga ako umalis sa bahay para hindi ako maabutan ni Joao since nagtext syang susunduin nya ko. Hindi pa ko handa makausap sya, lalo na ngayon halo halo ang nararamdaman ko. Tumambay muna ako sa coffee shop para magpalipas ng oras dahil ayoko ding maabutan nya ko sa set ng maaga at magkaroon ng chance na makausap ako. Sa totoo lang para din makapag-isip kung tama ba tong nararamdaman ko. Masyado akong nasasaktan sa taong hindi naman committed sakin at isa pa, ang bata bata ko pa para masabing true love na to. Masyado lang siguro akong nag assume na may kami at nakalimutan kong normal na sakanya ang sweet kahit kanino.

Kailan ko ibalik yung Criza na jolly hindi yung broken na ganto na panay iyak nalang.

"Good morningggg!" Masiglang bati ko pagpasok ko. Nandito na pala halos lahat including him.

"Wow energetic ang bebe parang hindi crayola kagabi" pang aasar ni Limer

"Shhh" siko sakanya ni Gello.

"That was a tears of joy. bakit masama?" Kunwaring irap ko kay Limer.

"At san naman yang tears of joy mo huh Criza Joy?" Singit naman ni Ate Kaori. Yung ibang mga kasama namin nakikinig lang samin

Hanggang Kailan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon