Chapter 5

109 0 0
                                    

CRIZA POV

I woke up and get my phone to check if what time is it now.

Gosh it's already quarter to 6PM. Halos buong araw na pala akong natutulog. Pero okay nadin to since sunod sunod ang taping namin, ngayon lang ako makakapagpahinga. Nakakagutom din pala kahit panay kalang tulog.

So I decide to go down para makakain nadin.

"Maaaaaaaa" i shouted calling her while papunta sa kitchen.

Bigla akong napahinto ng makita kong hindi lang sila mama ang nandito, may mga bwisita ako.

"Hi! Makikikaen lang" ngiti ngiti pang bati ni Belle sakin sabay subo ng pagkain.

"Me too." Taas kamay pang sabi naman ni Donny. "Ang sarap talaga magluto ni tita" dagdag nya pa.

"Hay naku kayo talaga, sige lang kain lang ng kain. Pasensya na kayo at ininit ko lang mga yan huh, ang dami kasing hindi nakain kagabi dahil sa biglaang cancel na dinner namin. E sayang naman kasi kung itatapon ko at magluluto ulit ng bago " paliwanag naman ni mama. Nalungkot naman ako don, kasi alam kong nag effort syang paglutuan kami kagabi ni Joao.

"I'm so sorry po ulit Tita for what happened last night. Babawi po ako" Joao's said to my mom. Halata namang guilty sya.

"Ay nako pamangkin, ayy este Joao ok na nga daw sabi ni Mama. Emergency naman e." Singit naman ni tito na naghuhugas ng plato.

Para naman akong tangang na-estatwa dito at nakatingin lang sakanila.

"Hi Criza." Alanganing ngiti na bati ni Joao sakin. "Kamusta na pakiramdam mo? Okay kanaba? I hope you're fine" dagdag nya pa.

"I'm good. Thanks sa pagdalaw nyo" sagot ko sabay hila sa upuan at umupo sa tapat nya.

"Ahmm. Eto nga pala dinalhan kita ng fruits and vitamins para mas ma-regain mo yung lakas mo" tulak nya sa basket ng fruits sa ibabaw ng mesa

"Thanks" sagot ko at di nag-abalang ngumiti sakanya.. tahimik naman kaming lahat.

"Ahmm.. belle and donny, diba gusto nyo makita yung garden ni mama? Tara dali try natin. Ikaw din ma, tour mo sila sa garden mo tsaka para fresh air" biglang sabi ni tito boyet sa dalawang magjowa at kay mama.

Nakita kong nagtitigan pa sila tila akala mo nag uusap mga mata nila saka sabay sabay na tumayo at lumabas ng kusina. Naiwan kaming dalawa ni joao dito sa kusina

Tatayo nadin sana ako para sumunod sakanila since nakakailang yung katahimikan naming dalawa ni Joao .. nang bigla nitong pigilan ang kamay ko.

"I'm so sorry about yesterday." Nanatili syang nakatingin sakin at hawak ang kamay ko  "I didn't know na darating sya kahapon. Kahit ako man nagulat din. We just talk about- .."

"E di maganda kayo na ulit. Congrats" putol ko sa sasabihin nya, sabay pilit na ngumiti para matakpan ang sakit.

"No. Hindi kami nagkabalikan. We just talked about our past and forgave each other. Okay na kami, pero bilang magkaibigan nalang" paliwanag naman nya.

"Bakit ayaw nyo itry ulit? Sayang naman ang tagal nyo din" sagot naman na mas bitter pa sa ampalaya.

"It doesn't matter kung gaano mo katagal nakasama. Ang mas importante is kung sino ang nagstay. Please wag kana magalit Criz. Sorry na talaga." He said habang hawak padin ang kamay ko.

"Okay. Atleast nakapag usap na kayo." Sagot ko. Ramdam ko namang sincere sya kaya ngumiti nalang ako sakanya.

"Di kana galit huh?" Paglalambing nya.

Umiling naman ako tsaka sya tumayo at niyakap ako sa likuran habang ako ay nakaupo sabay halik sa ulo ko. "i missed you. I'm so afraid na baka nagalit ka sakin" dagdag nya.

I was about to answer him ng biglang dumating sila Tito.

"Ayyy naku buti nalang nagbati na." Sabi ni Belle..

"So tuloy ang debut party natin?" Sabi naman ni Tito.

Oo nga pala, ilang linggo nalang 18th birthday ko na. Sabi ko kina mama simpleng celebration nalang with family and friends kaso ayaw nyang pumayag dahil minsan lang naman daw to.

Ang sabi nya pa, baka daw umuwi din ang mommy ko para maka attend sa debut ko. Even my friends, ayaw nilang pumayag ng simple, sila sila pa nagpaplano para dito.

"Basta no worries criza. Kami na bahala sa party mo." Sabi naman ni donny.

"Bahala kayo. Basta ako kahit anong klase ng celebration basta kasama kayo" ngiting sagot ko sabay subo ng pagkaen ko. Di na ko nakakain dahil sa kadaldalan nila.

"Basta I'll be your last dance huh. I'll make sure that's going to be your best and most memorable birthday ever" sabi naman ni Joao na kinanuot ng noo ko.

"Yowwwn" singit ni donny ulit.

"E paano ako?" Tanong naman ni tito sabay kamot pa sa ulo

"Syempre first dance ka tito then ako po ang last" sagot ni joao.

"Okay. Akala ko naichapwera na ko porke may jowa na e. Basta kasama sa dance, oks na ko kahit pang ilan pa yan" kibit balikat ni tito.

"Jowa ka dyan" sabi ko naman tas tawa nila.

"Ahmm Tita uwi na po kami, salamat po sa dinner" paalam ni Belle.

"Eto eat and run" pang aasar ko sakanya. Inirapan naman nya ko.

"Oh basta magpagaling ka para makapag taping kana bukas" sabi nya sabay tap sa ulo ko.

"Yes maam" i noded.

Hinatid ko naman sila sa labas. Pumasok na ang magjowa sa loob ng sasakyan at naiwan si joao para magpaalam sakin

"You should rest. See you tomorrow" he said sabay yakap at halik sa ulo ko. I hugged him back naman

"Ikaw din. Salamat sa mga dala mo" dagdag ko pa.

Saka ito naglakad papunta sa kotse ni donny at tuluyan ng umalis. Dumiretso naman ako sa kwarto para makapagpahinga ulit.

Knowing na nakapag usap na sila at hindi na nagkabalikan makes my heart at ease. Not because ayoko silang magkabilikan huh, ang gusto ko lang maging honest sila sa nararamdaman nila.

** TEXT MESSAGE **

FROM : ❤️my JO❤️

Take a rest Criz. Sorry again for hurting you. I know your confused but please hang on, everything will fall in the right place at the right time  😘

** END OF CONVERSATION **

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya, pero siguro nga totoong confuse ako kung ano bang meron saming dalawa. Gusto ko man tanungin kung ano nga ba kami pero natatakot ako na baka nag aasume lang ako. Maybe i should trust him and his action.

Hanggang Kailan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon