Chapter 24

89 5 2
                                    

ALJON POV

"Himala at napadpad ka dito?" salubong sakin ni Seth pagpasok ko sa VIP room ng bar nya.

Tinawagan ko kasi sya kanina na pupunta ako sa bar nya. It's been a long time since the last time i went here. Hindi naman kasi ako masyadong palainom unless magyaya lang sya with our PBB friends.

"Ayaw mo ba?" Sagot ko dito sabay upo sa tabi nya.

"Bakit may sakit ka sa puso no?" Tanong naman nya sabay abot ng beer in can sakin.

"Tss" i smirked and drink my beer

"Okay lang maging weak tol. Hindi sa lahat ng oras malakas tayo, may kahinaan din tayo.. gaya ng mga bebe natin." Paliwanag naman ni Seth. Hindi nalang ako umimik saka inom ulit sa beer.

Honestly kilala talaga ako ni Seth because he's my closest friend. Kaya alam nyang may pinagdadaanan ako once magyaya ako sa bar nya. Good thing he's always available anytime na tawagan ko sya at samahan ako.

"Si Criza yan no?" Usisa nya. Nanatili padin akong tahimik.

"Sabi na nga ba e." Sagot nya kahit wala namang akong sinabi sabay kampay sa beer can ko. "Actually nakita ko silang magkasama ni Joao nakaraan sa mall. Hindi ko lang nakwento sayo" dagdag nya pa.

"Wala tol, talo. Siya padin ang mahal e. Kaibigan lang daw talaga ako" sagot ko sa sabay pekeng tawa.

Ang sakit lang talaga pero hindi ko sya masisi kasi ako naman ang sumugal.

"Okay lang yan tol. Ang importante sumugal ka" tapik ni seth sakin

"Ang sakit palang makitang masaya sya sa piling ng iba. Akala ko sa sampung taong nagkahiwalay sila at ako ang nakasama nya, magagawa nyang makalimot at matutunan akong mahalin pero mali ako .. hindi pala sukatan ang taon. Pag mahal mo, mahal mo talaga kahit gaano pa kayo kalayo at katagal pinaghiwalay ng tadhana." I paused sabay inom sa beer can ko.

"Akala ko handa ako, pero hindi pala. Mas masakit lalo na pag sakanya mismo nanggaling. Hindi ko alam anong meron sakanya, pero hindi ko din sya kayang mawala kahit bilang kaibigan lang nya" I continued sabay tingala ng ulo ko sa sandalan ng sofa at takip sa mata ko. Pero sadyang hirap lokohin ng sarili kasi pati luha ko di nakikisama ngayon at tumutulo din.

"Okay lang tol. Iyak mo lang. Ganyan talaga sa pagibig sugal lang, ako nga niloko diba pero tingnan mo the best naman ang dumating. Darating din yang para sayo tol" tinapik nya ulit ang balikat ko.

Minsan kailangan mo talaga ng kaibigan na handa makinig o samahan kalang para mapagaan ang nararamdaman mo.

"Handa akong gawin at talikuran ang lahat para sakanya. Noong mga panahong lugmok sya, nandon ako para itayo sya dahan dahan. Nandon ako para maging lakas nya. Pero ang tanga ko para hindi makitang hindi pala ako ang totoong kailangan nya. Sana kaya ko syang kalimutan, sana kaya ko syang iwasan kasi taena tol masakit pala talagang marinig sakanya na hindi ako ang mahal nya at kaibigan lang ako" sagot ko at garalgal na ang boses.

Hindi naman ako nahihiyang umiyak kay seth kasi minsan ko nadin syang nasaksihan sa gantong estado at gaya nya nakinig lang ako sa mga sinasabi nya para maramdaman nyang may karamay sya.

"Ano bang sabi nya sayo?" Tanong nya.

Umayos ako ng upo saka yumuko para di din makita ang mga luha ko.

"Wala e, sinubukan naman daw nya e kaso wala talaga.. hanggang kaibigan lang daw talaga" sagot ko saka lagok sa beer can ko.

"Atleast naging honest sya diba kesa pinaasa ka nya" sagot naman nito sakin. Nagkibit balikat lang ako sakanya.

After a couple of hours..

"Gusto mo tol sa condo kanalang muna matulog, lasing kana kasi e" tanong sakin ni Seth

"Di tol, kaya ko pa magdrive. Makaistorbo pa ko sainyo ni Chin hahahaha" Sagot kong natatawa pa sakanya saka paalam na sakanya at nagdrive pauwi.

I was about to go to Isay's house pero nagbago ang isip ko. Instead, nagpark nalang ako sa park ng subdivision nila.

Ayokong makita nya kong nagkakaganito, kasi alam kong sisisihin nya ang sarili nya pag nalaman nyang sobra akong nasaktan. Ayoko naman na ako pa maging dahilan para iwasan nya si Joao kahit alam ko at ramdam kong mahal nya talaga yon at doon sya sasaya.

I dialled her phone number. I just wanna hear her voice. Kasi kahit sya ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko, sya din ang nagiging kasiyahan ko. Ang labo no?! Ayyss sana gising pa sya..

** PHONE CONVERSATION **

CRIZA : Hey Jon napatawag ka?

Natuwa naman ako ng marinig ang boses nya. Yung totoong boses nya na maligaya, na matagal ko ng di naririnig sa loob ng isang dekada. Alam ko at ramdam ko na nagbago lahat sakanya simula ng umalis sya ng pinas. Ngayon ko nalang narinig ulit ang totoong pagiging jolly nya.

"aa wala lang. Di pa ko inaantok e" sagot ko at pilit pinipigilang mapahikbi.

Nakakabakla man pero nasasaktan talaga ako ngayon pero pakiramdam ko sya din ang makakapag pagaan ng nararamdaman ko

"Nasa labas kapa? Gabi na huh" she asked.

"ahm oo pauwi nadin. Nagkita lang kami ni Seth, kwentuhan alam mo na" paliwanag ko

"Nag inom ka?" Seryosong tanong nya base sa boses nya

"Konti lang naman. Unwind lang" sagot ko.

"Dahil ba to sakin?" Malungkot na tanong nya. Ayoko syang naririnig o nakikitang nalulungkot.

"Assuming ka. Hindi no, nagkasiyahan lang. Kwentuhan nga lang" pabirong sabi ko pero kasabay non ay ang pagtawa ko habang nagmamalabis ang mga luha ko.

"Sorry naman feelingera lang hahahaha" natatawa nyang sagot.

Hearing her laugh.. sobrang nakakagaan ng puso kasi matagal na panahon nadin simula ng huli ko syang nakitang naging totoong masaya. Ngayon ko nare-realized na hindi talaga ako ang makakagawa ng bagay na yon sakanya kundi yung tao na sya ding naging dahilan bat nawala yon sakanya.

"Matulog kana gabi na." Sagot ko sakanya. Hindi ko na kasi kayang pigilan pang itago ang pag iyak ko.

"Oh sya sige. Ikaw din mag iingat ka sa paguwi huh. Itext mo ko pag bahay kana. Magkita tayo soon after ng shoot namin. Ingat ka Jon. Muuua" she answered na syang lalong nagpaiyak sakin. Halos di ko na mapigilan ang hikbi ko. Tila isang salita nalang sakin, hahagulgol na ko sakanya.

"Goodnight. Lagi mong tatandaan mahalaga ka sakin at di kita iiwan" sagot ko. I was about to end our call ng magsalita sya

"Ikaw din. Kahit anong mangyari, hinding hindi ka iiwan ni Isay. Kaw kaya best friend nya. Hindi ka nya kayang mawala" sagot nya.

** END OF CONVO **

Bago pa ko makaiyak ng malakas buti napindot ko na ang end call. Hindi ko alam kung dapat ba ko maging masaya kasi mahalaga ako sakanya bilang kaibigan or dapat akong masaktan kasi hanggang doon lang talaga.

Now watching her with Joao outside her house and hugging each other makes me cry more. Ang sakit sakit makitang masaya sya sa feeling ng iba. Those laugh, those happy eyes na alam kong si Joao lang makakapagbigay non sakanya.

I maneuver my car and ready to drive home, buti nalang di masyadong kita dito sa park kasi mapuno though malapit lang to sa bahay nila mismo.

Bago pa ako maka-alis ... muli ko silang tiningnan sa side mirror and what i saw makes me cry more and totally broke my heart..

They hugging each other then Joao kissed her forehead before he went inside his car and she waved her hands for goodbye.

I saw her genuine smile na never ko pang nakita kapag ako ang kasama nya.

Hanggang Kailan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon