CRIZA POV
"Oh ayan huh wala ng kong utang na treat sayo Ms. World" pang aasar pa ni Aljon pagkahinto nya ng sasakyan nya sa tapat ng bahay namin para ihatid ako from our early dinner treat.
"Oo na. Thank you sa treat my ever dearest supportive boy bestfriend. Anyway, Ingat sa flight mo huh." I answered saka nagtanggal ng seatbelt. Nauna namang lumabas si Aljon para pagbuksan ako ng pinto.
Nang makalabas kami, niyakap naman nya ko ulit para magpaalam kasi aalis sya bukas para sa concert nya sa Canada. Maybe one month din syang mawawala to spend more time for vacation.
"Nice one bro. Girl friend ko ata yan" napahiwalay kaming dalawa ng marinig ko ang boses na yon.
It's been a couple of months since the last time we saw each other. Ilang linggo nadin nakakalipas simula ng matapos ang pageant pero di padin sya nagpapakita or should I say hindi padin nagtutugma schedule namin.
Though nakita ko sa IG post nya na pumunta nga sya sa coronation night pero di man lang nag aksaya ng panahon na lapitan ako, maybe because baka masira na naman sa issue ang career nya dahil sakin.
"Joao, anong ginagawa mo dito?" Iyon na lamang ang natanong ko dahil sa gulat na makita sya dito.
"Isay, i have to go. Maybe both of you needs to talk. Ingat ka huh" paalam naman ni Aljon at akmang aalis na ng magsalita muli si Joao
"Oh tama yan. You better stay away from my GIRLFRIEND and please stop acting like a knight and shining armor to her cause you are not" Joao said halatang galit sya at pinag diinan pa ang salitang "girlfriend"
"You know what bro... I may not be her knight and shining armor, but i can assure you that she will never get hurt with me. Better ask yourself bro if she deserves you kasi kung akong tatanungin sa dami ng beses mo syang pinaiyak at sinaktan, i doubt it." Aljon answered na halatang nag pipigil din ng galit.
"E gago ka pala e. Stop acting you know everything about us" sugod ni Joao kay Aljon sabay suntok dito.
"Joao ano baaaaaa" sigaw ko kay Joao.
Napaupo naman si Aljon kaya tinulungan ko tong tumayo. Nakita kong may dugo ang labi nito dahil sa pagtama ng kamao ni Joao.
"Jon i'm sorry, i'm so sorry" hingi ko ng tawad kay Aljon and pilit pinupunasan ang labi nyang dumudugo.
"It's okay Isay. Better talk to your boyfriend first. Mauna na ko mag ingat ka" he answered
"Lay your hands to Isay and plan to hurt her. I'll assure you, i'm going kill you Constancia" Aljon said to Joao and walk away.
Pagkaalis ng sasakyan ni Aljon dire-diretso akong pumasok sa gate at di pinansin si Joao. Alam ko din namang papasok sya kaya di ko to sinarado hanggang makapasok kami sa loob ng bahay.
"Love please talk to me. I've been sending you a message this past few weeks para kausapin ka pero hindi ka sumasagot. Tapos eto pa makikita ko, kasama mo yung lalaking yon" habol nya sakin at mas kalmado na.
"Why did you do that to him?" Hinarap ko sya at galit kong sabi. For pete sake, that was my bestfriend na walang ginawa kundi saluhin nalang ako sa bawat panahon na kailangan ko sya pero wala sya.
"He started first. He provoked me. Tsaka nakakabastos naman ata na magkayakap kayo sa harap ko. The last time i checked Criza Joy, ako padin ang boyfriend mo at may gusto sayo ang lalaking yon" he said and nagsisimula na naman tumaas ang tensyon saming dalawa.
"Oh really Joao Michael? The last time i also checked he's the one who's being always there for me since then at ikaw yung taong pinabayaan na naman lahat ng pangako sakin" i said and this time tuluyan ng dumaloy ang luha na kanina ko pa pinipigilan dahil sa sama ng loob.
"Bakit pinabayaan ko ba talaga huh? Hindi ba sinuportahan naman din kita sa lahat ng plan mo sa career mo. Oo aaminin ko nagkulang ako this past few months sayo dahil sa hectic schedule pero i tried my best naman na makabawi diba. See i already decided to stop that f*cking show na hiwalay na tayo just to proved to you na you are more than enough kesa sa career ko or anything that i have right now, pero ano? hindi mo nakikita yon kasi you always look for my past mistakes. Then ilang months palang tayong ganto na magulo at wala ako sa tabi mo, magkasama na naman kayo ni mendoza?" Sagot nya na puno din ng hinanakit.
"Wow thank you huh for doing that. Kaso palagay mo mabubura non lahat ng pain na naramdaman ko. Hindi lang ikaw ang nag effort para magwork tong relasyon na to, ako din. Yes we both agreed on the plan pero para atang nakalimutan mo ng it was just for a show. You disregard my feelings, masyado ka naman nakampante sa idea na okay lang sakin lahat. And Joao, si aljon yon. Si aljon na eversince na mawala ka e kasama ko na. Bakit ang big deal na naman na kasama ko sya? Alam mo naman at paulit ulit ko namang sinasabi na kaibigan ko lang sya gaya ng friendship nyo ni Vivoree" sagot ko dito na puno nadin ng hinanakit.
"Yun na nga e, eversince magkasama na kayo and everytime na kasama mo sya takot na takot ako dahil baka one day paggising ko, sya na ang mahal mo" sagot naman nya at naluluha nadin.
"Wow. Ganon ba kababaw ang tingin mo sa pagmamahal ko sayo huh Joao?" Tanong ko sakanya na puno ng sakit dahil sa sinabi nya.
"Hindi sa ganon Love.. pero sa dami ng pagkakamali at pagkukulang ko sayo, nawawalan na ko ng tiwala sa sarili ko na pipiliin mo padin ako despite of that. Natatakot ako na one day iwan mo nalang ulit ako at mafall ka sa iba kasi i know how lacked I am. Hindi ko kaya yon.. nakaplano na lahat sa buhay ko at kasama ka don" he said while hugging me behind and he was crying too.
"E di sayo din nanggaling. To best honest .. hindi ko na alam san papunta tong relationship natin ngayon. Hindi ko nadin alam if kaya paba natin lagpasan to? Bakit parang hindi talaga tayo pang endgame gaya ng ibang bearkada. Bakit parang binigyan lang tayo ng chance para maexperienced kung paano mahalin ang isat isa and para maitama lahat ng mistakes natin before. I don't know, one thing i know right now.. mahal na mahal kita Joao pero pagod na pagod nadin ako. Gusto ko na muna magpahinga" sagot ko sakanya sabay kalas sa yakap nya at lakad paakyat sa kwarto ko then sarado ng pinto.
"Love please open the door, please pag-usapan naman natin to. Ayusin natin to. Remember we promised to choose each other even worst come" He said while crying.
Rinig na rinig ko yon kahit nakasara ang pinto ng kwarto ko. Lalo ako naiyak sa huling sinabi nya. Ano na nga bang nangyari saming dalawa? Kinain naba kami ng eagerness naming mag excel sa mga career namin to the point na nagkakasakitan na nga kaming dalawa gaya ng sabi ni Ate Kaori. Hindi ko talaga alam...
As of now hindi ako ready na makausap sya kasi i know na wala ako sa normal state of mind ko and gulong gulo ako. All i can do is to cry out loud to release the pain. Ganto ba talaga magmahal, lagi ka nalang masasaktan.
After a couple of minutes of crying.. hindi ko na namalayang nakaidlip na pala ako kakaiyak. Maybe dahil sobrang exhausted ko na din this past few months dahil puro trainings and preparation sa pageant, diet and dinala ko talaga yung pain dahil sa mga nababasa kong comment sa relationship namin ni Joao.
Bakit ba ang hirap magmahal kapag nasa spotlight ka, oo artista ka pero tao kadin naman na nasasaktan at may karapatang magmahal at lumigaya. Baka hindi talaga kami para sa isat isa. Baka gaya ng movie namin, binigyan lang kami ng chance na iclose ang unang chapter namin to know what exactly the ending could be...
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan (Completed)
Fanfiction𝓐 𝓯𝓪𝓷𝓯𝓲𝓬 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓯𝓸𝓻 𝓙𝓸𝓪𝓸 𝓒𝓸𝓷𝓼𝓽𝓪𝓷𝓬𝓲𝓪 𝓪𝓷𝓭 𝓒𝓻𝓲𝔃𝓪 𝓣𝓪𝓪. 𝓗𝓸𝓹𝓮 𝔂𝓸𝓾 𝓵𝓲𝓴𝓮 𝓲𝓽 #𝓒𝓻𝓲𝓼𝓙𝓸 𝓼𝓾𝓹𝓹𝓸𝓻𝓽𝓮𝓻. Since this is just a fan-fic based story for Joao & Criza and they are the lead characters, so...