CRIZA POV
"tss" make face nya tila suko na sa usapan namin.
I was about to say good bye na sakanya nang biglang kumulog at kumidlat ulit.
"Shiiiiiiiiiit" sigaw ko sa sobrang gulat at takot.
After a couple of seconds...
"Hmmm.. ehem" nagulat naman ako ng magsalita sya. Saka ko lang narealized na napayakap pala ako sakanya sa sobrang gulat kanina.
Umayos naman ako ng upo sabay sabi "sorry nagulat lang"
"Tss" he smirked at kita ko na naman yung labi nyang may piercing.
"Sige na papasok na ko, tatakbo nalang ako" paalam ko sakanya. Wala pa kasing bubong tong garahe namin.
Ambang bubuksan ko na ang pinto ng kotse nya nang bigla nyang hawakan ang kamay ko at napatingin ako pabalik sakanya.
"Tigilan mo yan, magkakasakit ka. May payong ako dito, ihahatid na kita sa pinto" sabi nya sabay kuha ng payong sa likod.
Binuksan nya ang pinto sa side nya saka lumabas at umikot para payungan ako. Halos zero visibility nadin pala sa labas dahil sa lakas ng ulan.
Nang makarating kami sa pinto, basa na kaming dalawa dahil sa sobrang lakas ng hangin at ulan.
"Ingat ka huh. Pumasok kana sa loob para makaalis na ko at medyo inaantok nadin ako" utos nya sakin.
Nakonsensya naman ako at aminin ko man sa hindi e nag aalala din ako sakanya dahil nakainom sya at masungit ang panahon tapos magdadrive pa sya pauwi.
I was hesitant at first sa idea na naiisip ko pero ayoko naman magmaneho sya then baka mapano pa sya sa daan dahil sakin ...
"Ahm Joao, bukas ka nalang kaya magbyahe or mamaya pag wala ng ulan? You can stay here tutal tatlo naman yung room namin dito. Baka mapano kapa sa daan e." Tanong ko na medyo alinlangan pa.
Nakita kong nagulat sya and hindi makapag salita, so i felt embarassed for that. Baka isipin nya nagpapa-pansin lang ako or baka magselos si Vi. Hays wrong move criza joy
"Concern lang naman ako. Pero sige if ayaw mo ing-" naputol ang sasabihin ko ng ilahad nya ang kamay nya sakin dahilan para kumunot ang noo ko.
"Where's your key. Let's go" sabi nya. Para naman akong lutang na hinagilap sa pouch ko ang susi tsaka inabot sakanya.
Pagpasok namin, I open all the lights tsaka dumiretso sa kusina. Lumabas naman sya saglit para mapatay ang makina ng sasakyan nya at mapark ng maayos to.
Pagpasok nya, nakita kong basa na talaga sya dahil padin sa lakas ng ulan. To lessen the awkward aura between us, naisipan kong iopen muna yung TV.
"Magcheck ka nalang muna dyan sa netflix ng movie na gusto mo, aakyat lang ako saglit para makapagpalit and to get some spare clothes para makapagpalit ka." I said to him na ngayon ay nakaupo na sa sofa. Leather naman yon so no worries kahit medyo basa sya. Tumango naman sya saka ako umakyat ng kwarto.
Dumiretso ako sa kwarto ni Tito Boyet to check kung may damit don na pwede nya magamit. Good thing na napalaundry ko na lahat ng damit niya dahil uuwi na sya next month. Kumuha ako ng white tshirt tsaka sweatpants tutal malamig naman at mukhang komportable sa katawan.
"Siguro naman hindi basa ang brief nya" sabi ko sa sarili na medyo namula pa sa hiya ng maisip yon.
Pagbaba ko, naabutan ko syang nagchecheck ng phone at patay na ang TV.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan (Completed)
Fanfiction𝓐 𝓯𝓪𝓷𝓯𝓲𝓬 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓯𝓸𝓻 𝓙𝓸𝓪𝓸 𝓒𝓸𝓷𝓼𝓽𝓪𝓷𝓬𝓲𝓪 𝓪𝓷𝓭 𝓒𝓻𝓲𝔃𝓪 𝓣𝓪𝓪. 𝓗𝓸𝓹𝓮 𝔂𝓸𝓾 𝓵𝓲𝓴𝓮 𝓲𝓽 #𝓒𝓻𝓲𝓼𝓙𝓸 𝓼𝓾𝓹𝓹𝓸𝓻𝓽𝓮𝓻. Since this is just a fan-fic based story for Joao & Criza and they are the lead characters, so...
