Chapter 20

106 6 2
                                    

JOAO POV

It's been a month since we started the shoot for our movie. Halos trending araw araw yung movie namin kaya sobrang saya naming lahat and overwhelmed para dito.

According kay Direk baka two to three months lang daw e tapos nadin tong movie namin kasi nga parang finale part lang naman ito nang book 2 to close the movie and have a good ending.

Nasa part na nga ang character namin ni Criza na nagiging okay na kami after she came back from States at for confession na. Nakakatuwa nga kasi parang in real life ang kwento ng love team namin, maliban nalang sa confession part kasi until now never pa namin napag uusapan kung ano ba ang mangyayari samin.

Hindi ko din naman alam kung meron pa syang nararamdaman sakin or baka hanggang friendship nalang. Napapansin ko din kasing naiwas sya sakin, hindi ko alam if assuming lang ako or what pero everytime I'm with Vi lagi nalang sya naiwas.

"Okay Criza and Joao, it's your turn" sigaw ni Direk kaya napapitlag ako sa pag-iisip saka pumunta sa set to start.

"1, 2, 3 action" sigaw ni Direk as go signal to start the shoot.

Unang scene parang confrontation lang ng character ko and ni Criza until heavy scene part came.

"Bakit ang dali dali sayong iwan ako as if ikaw lang ang laging nasasaktan?" Bato ko ng line sakanya na parang galit ang tono.

"Do you really think madali sakin ang iwan ka? Hindi mo alam kung ilang beses kong pinag isipan yung bagay na yon at tiniis lahat ng sakit para sayo." She answered while crying.

Seeing her like that makes my heart in pain, parang wala kami sa eksena para kaming nasa totoong confrontation

"Alam kong masakit pero bakit hindi mo ko hinayaan man lang na samahan ka sa sakit na yon dahil kahit ako din naman nasasaktan din" sagot ko ulit sa linya nya

"Kasi hindi yon ang naramdaman ko at nakita ko sayo kaya pinili ko nalang sarilinin lahat" halos hagulgol nya.

Di ko na alam kung magaling lang talaga sya umakting or totoo na ba ang mga linya na binabato nya.

I don't know kung ano pumasok sa isip ko pero seeing her crying, mas nasasaktan ako kaya niyakap ko sya ng mahigpit sabay sabi "Mahal kita, mahal padin kita. mahal na mahal kita. Sobra akong nasaktan ng umalis ka. Kaya kahit nasasaktan padin ako ngayon, mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sayo" i said to her habang nakayakap at umiiyak nadin. Umiiyak padin sya base sa balikat nyang gumagalaw dahil sa pag iyak.

Sobrang intense ng scene na to for us kasi halos climax nadin for our love team story.

Maya maya kumalas sya sa pagkakayakap sakin saka tumingin ng diretso sa mga mata ko habang may luha padin sa mata nya.

Nagulat ako dito kasi honestly gaya noon, hindi talaga kami nag rerehearsal dalawa kaya minsan nagkakagulatan nalang kami sa mismong shoot but good thing never pa naman naging pangit ang kinakalabasan ng mga moves and batuhan naming linya. Minsan kasi scripted pero madalas impromptu. Like now, impromptu yung sakin kaya kinakabahan ako dahil baka di ko masundan ang script nya or maguluhan sya dahil sa mga binabato kong line.

"Mahal din kita, mahal na mahal padin kita. Sorry kung naging makasarili ako na nagdecide akong umalis ng di man lang nagsasabi sayo. Akala ko kasi yun yung mas makakabuti sating dalawa" nagulat ako sa sagot nya.

Halos di ako makakilos. Hindi ko alam anong isasagot. At the back of my mind hoping sana totoo nalang to kasi sa totoo lang ang sarap pala marinig mula sakanya yung salitang matagal ko ng hinihintay.

Nagulat nalang din ako nang yakapin nya ako ulit after she said that. Sabay sigaw ni Direk ng "cut"

Kumalas kami sa pagkakayakap after that saka sya nagpunas ng luha. Hindi ko makita ng buo ang mukha nya to check if what emotion she has right now to identify kung acting lang ba yon or what, kasi nakatagilid sya nang magpunas ng luha plus naka focus naman ako kay Direk habang nagsasalita ito.

"Perfect guys. Ang galing galing nyo!Kayo talagang dalawa ang pinaka magaling sa mga impromptu script, natural na natural. Kahit bigyan ko lang kayo ng flow ng scene then bahala na kayo sa batuhan ng line, ang ganda padin ng kinakalabasan non partida both of you are not aware na parehas kayong impromptu script. Sobrang ganda ng scene nyo today. Very good Joao and Criza" Direk said sabay tapik saming dalawa.

Parehas kaming nagkatinginan sa isat-isa at parehas din gulat ang ekspresyon sa mga mukha namin. Hindi namin alam na parehas pala kaming impromptu script ngayon, akala ko ako lang at tingin ko akala nya din ay sya lang based on her reaction right now. So meaning lahat ng binato nyang line sakin kanina is sakanya mismo nanggaling.

Pakiramdam ko nagkaroon ng konting pag-asa ang puso ko base sa mga narinig kong line nya kanina, hindi ko man alam kung totoo ba yon or hindi.. okay nadin sakin and naging sign to for me to pursue her and to confess my true feelings towards her.

Nagsimula na syang maglakad papunta sa pwesto nya to prepare her things for pack up since sabi ni Direk pack up nadaw kami today. So I walk towards her para makausap sya.

"Thank you Criz for today" sabi ko ng nakangiti bilang panimula.

Kunwari inaayos din ang gamit ko para makausap lang sya kasi for sure iiwas na naman sya sakin at mag iisip ng excuse.

"Thank you din Joao" sagot naman nya habang inaayos ang mga gamit nya pabalik sa bag

"Ahmm. Impromptu kadin pala kanina?" Tanong ko sakanya. This time nakaupo nalang ako at diretsong nakatingin sakanya.

"A-ah oo. Ikaw din pala" ngiti nyang sagot sakin saka sumulyap saglit sabay balik sa ginagawa.

"Oo kaya nagulat din ako. Pero ang ganda naman ng batuhan natin e" sagot ko.

"Kaya nga." Sagot nya saka kuha ng gamit nya sabay paalam "mauna na ko Joao huh. Mukhang matatagalan pa si Vi e. Ingat kayo sa paguwi" at dire diretso syang naglakad. Kumaway naman sya sa iba bilang pagpapaalam.

Maybe this is the right time to talk to her and confess my feelings. Wala naman mangyayari kung panay ko nalang iiwasan and panay ko nalang huhulaan kung ano ba talaga ang nararamdaman nya sakin. I need to take the risk para naman matapos na lahat ng katanungan ko.

Hinabol ko sya palabas. Nakita ko sya sa parking lot. Bago pa nya tuluyang mabuksan ng buo ang pinto ng sasakyan nya hinawakan ko na ang kamay nya para pigilan sya sa pagsakay dito.

"Joao?" Kita ang gulat sa mukha nya. "Why?" She added and looks confused sabay sara muna sa pintuan ng sasakyan nya para harapin ako.

"Ahmm . Ca-Can we talk? Criz" i asked her with trembling voice at medyo kinakabahan pa

"About what?" She asked again and still looks confused. Magkasalubong pa ang kilay nya so di ko matancha kung ok lang ba ang ginawa ko o nainis sya.

I hold her hands and answer "About us"

Nakita ko ang gulat sa mga mata nya. Kinakabahan man ako pero wala ng atrasan to at isa pa wala naman mangyayari kung iiwasan ko padin tong usapan na to. Mahal ko sya, mahal na mahal ko sya kaya i need to say this now

Hanggang Kailan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon