Chapter 1

248 2 0
                                        

"okay ! Cut !" sigaw ni Direk.

Finally natapos din ang shooting namin. I considered this movie as my biggest break as a newbie and i thank God for giving me this blessing and also the management for the trust. Imagine I've been working as an artist pero more on extra lang, though on this movie e second lead lang naman ako pero sobrang happy ko na .. lalo na sa mga co-star ko. 

 "Nice one, Criza! Ang ganda ng scene nyo na yon ni Joao." Ngiting bati sakin ni Ate Kaori pagkaupo ko.

"Ay nako! stop me ate Kao! Mas nakakakilig yung scene nyo mamaya ni Kuya Turs". Sagot ko sakanya. 

Sobrang nakaka kilig naman kasi talaga ng scene namin ngayon ni Joao, nasa part na kami ng scene na mafa-fall na sya sakin. Hays! Stop me! Sana in real life din hahaha.

"Ahm Criza, thanks" gulat akong napatingin ng may tumapik sa balikat ko. Hmmm sya lang pala, as always. Ganyan sya after scene namin

"Ano kaba wala yon. Thank you din sa cooperation" ngiting sagot ko kay Joao. Nakita ko naman si Ate Kao na ngingiti- ngiti.

"Oh Kaori pack-up kanadin ba?" Baling nito kay Ate Kaori na nasa tabi ko lang.

"Hindi pa nga e, may last scene pa ko. Ikaw ba?" Sagot naman nito kay Joao. Nagkunwari naman akong nagsscroll lang ng phone pero ang totoo nakikinig ako sa usapan nila. Hay naku! Kahit kailan talaga tong si Joao masyadong caring sa mga kasama akala mo jowa lahat hehehe

"Oo uuwi nadin ako. Last scene na namin ni Criza yon. How about you Criza, pack up kana?" Gulat naman akong napatingin sakanya.

"aa-aah oo pack-up nadin ako. Nagpahinga lang ako saglit." Sagot ko na medyo nauutal pa.

"aa I see. Gusto mo ba sumabay or tita wilma will gonna fetch you?" tanong nito sakin.

"Hindi na, okay lang. Nandyan nadin siguro sila Tito Boyet tsaka si mama para sunduin ako." Sagot ko dito. Sa totoo lang gusto ko sumabay kaso baka naghihintay na sakin sila mama sa baba.

"aa ganon ba. Sige pala ingat ka. Ingat din Kao sa paguwi." Tapik nito sakin at ngiti naman kay Ate Kaori saka naglakad bitbit ang gamit nya at umalis na.

Saka ko naman inayos ang mga gamit ko para makauwi nadin. 

"Ay nako Criza, hulog na hulog huh. Ingat lang baka sahig ang sumalo" ngiting sabi ni Ate Kao. Hindi man nya sabihin ng diretso, alam ko ang ibig nyang sabihin.

"Ano kaba ate, hindi no! Tsaka asa naman no, magka love team lang kami sa project na to pero in reality mukha lang kaming magkapatid. Imagine ate 7 years gap." Paliwanag ko dito habang nililigpit mga gamit ko sa bag.

"Malay mo naman. Age doesn't matter. Anyway, mag iingat ka. Regards kay Tita. I have to go at ng makauwi nadin" ngiti nyang sagot sakin tsaka tumayo at lumapit na kina direk. Mabilis ko naman tinapos ang pagliligpit tsaka bumaba para makauwi na.

Honestly yes, mukha kaming sweet ni Joao sa scene namin sa movie pero kapag personal na, sakto lang ang bonding namin. Work lang baga. Mas madalas nyang kasama yung ibang mga cast since mahilig sila magparty kung saan saan. Ako naman kasi need ko minsan umuwi para magpahinga and gumawa ng mga school work since pinagsasabay ko ang schooling at showbiz para makatulong nadin kina mama. Hindi naman ako kasing yaman gaya nilang lahat e, sakto lang naman para sa nagsisimulang artista. Si mama and tito boyet nalang ang kasama ko sa buhay. Si Mama is my lola, she's my mom's mother na ngayon ay nasa ibang bansa na nakatira with her new family after my dad passed away since I was a little due to heart attacked. And si Tito Boyet naman is my mom's younger brother. Tatlo nalang kaming magkakasama. Wala naman akong panahon sa ibang bagay ngayon kundi ipursue ang career ko at makagraduate. Kasi i do believe that this showbiz career won't last forever so you need to be wise and invest for your future. 

Hanggang Kailan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon