"Hi guys. Good Morning" bati ni Belle pagdating sa set. Kasabay nito si Donny. At kahit di naman nila aminin, alam naman namin na di lang pang screen ang actingan nila.
Hayyy naku nakaka kilig sila, mapapa sana all kanalang. Kaso since ako ang pinaka bunso dito, so hanggang kilig lang ako sa lovelife ng iba.
"Good Morning din" - Direk
"Good Morning Love birds" - Rhys
"Agang sweet huh" - Limer
"Daming langgam" - Ate Kaori
"Nice one bro. Bakod na bakod huh" - Joao
"Good Morning TagSen or DonBelle?" Dagdag na pang aasar ko. Tumawa lang ang dalawa samin. Saka kami nagprepare para sa shoot.
"Oh be ready Criza and Joao, next na kayo sa scene nila Rhys and Kaori." - sigaw ni Direk habang chinicheck ang mga nakasalang sa scene tsaka lumapit samin ni Joao.
Magkatabi kasi kaming nakaupo at nagbabasa ng script para sa scene namin.
"Direk bakit wala akong script sa part na to, yung part ng confession ?" Takhang tanong ni Joao kay Direk kaya sinilip ko ang hawak na papel nya. Wala ngang nakalagay doon. Saka ko tiningnan din ang akin to compare.
"Akin din po Direk wala din pong nakalagay." Singit ko din ng makitang walang nakalagay don. Bigla naman ako nailang ng tumingin din sakin si Joao to check it at halos magkalapit na ang mga mukha namin.
"aa ayan ba. Hindi pa ata nalalagyan ng script writer, nag-iisip pa ata kung anong magandang linyahan. Pero hmmm.." he paused "why don't we try an impromptu script? Like kayo na ang bahala sa batuhan ng line. Impromptu nalang siguro no? Para damang dama diba. Tama impromptu nalang." ngiting sabi ni Direk na tila akala mo nagka bombilya sa ulo nya ng maisip yon.
"Anyway, kaya nyo na yan guys." Dagdag pa ni Direk tsaka umalis nang biglang may tumawag ditong camera man.
"Luh paano kaya to?" - bulong ko sabay kamot ng ulo at tingin sa papel
"Sakyan mo nalang sasabihin ko mamaya. Wala pa din ako maisip paano ko gagawan ng script e" - sabi ni Joao, narinig nya ata yung bulong ko.
Tumango nalang ako tsaka ngumiti. Ngumiti din ito. Ewan ko ba, mas nakakagwapo sakanya yung hikaw nya sa labi. Astig pero di pangit tingnan.
After a couple of minutes......
"Okay 1,2,3 action" sigaw ni Direk tsaka nagsimula ang scene namin ni Joao.
Lumapit sakin si Joao at lumuhod saka mamula mula ang matang nakatitig sakin saka nagsalita "The first time i saw you, i felt it already. Natatakot lang akong aminin. But I don't wanna waste this chance to say that I love you... Mahal kita. Mahal na kita".
Nagulat ako, hindi ko alam bakit ako naiiyak. Alam kong scene lang to pero di ako ready sa binato nyang linya, knowing na impromptu lines to. Naisip ko, minsan na kaya sya umamin sa babae? Bakit feeling ko ang sarap pakiramdam, nakakaiyak.
"Mahal din kita" - maiyak iyak kong sagot. Hindi ko din alam bakit ayon lang lumabas na linya sa bibig ko na para bang totoong nangyayari tong scene na to at walang camera.
At mas kinagulat ko ng bigla nya kong yakapin ng mahigpit. Tsaka bumulong ng "I'm so happy right now".
Bago ko pa sya matulak para matanong kung anong ibig nyang sabihin, kung part paba ng linya nya yon or what, bigla sumigaw si Direk "okay! Cutttt. Perfect!"
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan (Completed)
Fanfic𝓐 𝓯𝓪𝓷𝓯𝓲𝓬 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓯𝓸𝓻 𝓙𝓸𝓪𝓸 𝓒𝓸𝓷𝓼𝓽𝓪𝓷𝓬𝓲𝓪 𝓪𝓷𝓭 𝓒𝓻𝓲𝔃𝓪 𝓣𝓪𝓪. 𝓗𝓸𝓹𝓮 𝔂𝓸𝓾 𝓵𝓲𝓴𝓮 𝓲𝓽 #𝓒𝓻𝓲𝓼𝓙𝓸 𝓼𝓾𝓹𝓹𝓸𝓻𝓽𝓮𝓻. Since this is just a fan-fic based story for Joao & Criza and they are the lead characters, so...