CHAPTER 7

2.1K 95 8
                                    

JENNIE's POV

UMAGA nagising na lang ako sa lakas ng katok sa pintuan.'

"Ija, bumangon ka na kay may pasok ka pa." Tawag ng tao sa pintuan.

Marahan kong binuka ang aking mga mata kahit antok pa ako.

Hindi ko alam anong oras ako naka tulog ka gabi. Diko mawari para bang ang bigat ng talukap ng aking mata para pumikit.

Isa pa para bang 'yong kapiraso ng utak ko kagabi ay di niya'y gusto matulog.

Kahit anong gawin kong posisyon para lang maka maka idlip ay di pa rin. Ang hirap matulog ng may sama ng loob.

"Opo nay." Balik kong sabi rito at narinig ko na lang ang yabag niya paalis.

Hindi rin ako naka pag palit ng suot ko kahapon dahil na rin sa kapaguran. Pagod ako physically, mentally, at emotionally, yong heart ko sumasakit.

Bumangon na ako at para gawin ang morning routine maligo at mag ayos ng sarili.

Kinuha ko mona ang Cellphone ko nagba baka sakali na mag text si Seul.

Di nga ako nagka mali may mensahe itong may emoji pang umiiyak kaya natawa na lang ako sa isipan.

'Seulgi Bear'

"Punyeta ka talaga, Rain bat mo ako iniwan sa Ate mo humanda ka talaga."

"Rain, help ginugulpi ako ng maldita mong Ate."

"Mahal na mahal kita hanggang sa muli."

Natawa na lang ako panigurado bugbug sa ate ko. Ikaw ba naman mambabae, edi tapos ka ngayon sa ate ko.

Hindi ko na tinapos basahin ang messages nito ang dami nakaka stress lang. Dumagdag pa yung puso sa sakit.

Nag madali na akong pumasok sa bathroom baka magalit pa si Lisa kaya ginawa ko na ang dapat gawin.

Maliban sa pagpapa labas ng gatas sa umaga para lang tumangkad.

Mga ilang minuto lang ay natapos na ako maligo siguro 10 minutes lang ako sa bathroom.

Lumabas na ako at nakapag pa tuyo na rin ako ng buhok.

"Jero, my ghad kin na nga 'yan dika talaga marunong mag patuyo ng buhok, ganito oh, kita mo 'to? isaksak mo lang tas ion mo tas itapat mo dyan sa buhok mo para ma tuyo, Arasseo?"

Paalala nito at napangiti naman ako sa turon nito.

"Andyan ka naman eh para pa tuyoin buhok ko mahal."

Naka ngiti kong sabi habang bino blower niya ang buhok ko.

"Kahit na, saka di sa lahat ng oras ay kasama mo ako kaya nga kita tinuturuan eh para matutu ka."

Irap nitong sabi kaya napanguso naman ako.

"Anong hindi, asawa kita kaya dapat lang kasama kita lagi."

Saad ko sabay kindat sa kaniya kaya kita ko mukha nito sa repleksyon ng salamin na namumula.

"Anong asawa ka dyan, bata pa tayo tsk."

Maldita nitong sabi pero alam ko kinikilig 'to pag sinasabi kong asawa ko siya.

"Oyyy! Kinikilig Asawa ko."

Paanunukso kong sabi rito kaya nakatanggap naman ako ng kurot sa tagiliran kaya natawa na ako ng lubusan.

MY WIFE's SECRET [Completed]Where stories live. Discover now