"Hoy! Saan n'yo ako dadalhin mga siraulo!"
Sigaw kong tanong sa mga siraulo kong mga kaibigan. Paktay talaga ako nito nagkataon kay Lalisa Manobal.
Hindi sila nagsalita at nagkibit balikat na lang silang tatlo habang ako napapa hawak sa mukha.
Pag talaga ako hindi makauwi sa amin at aatakihin ako sa puso, sila ang una kong mumultohin pag namatay ako.
"Mambabae tayo ngayon, kaya ikaw manahimik ka kung gusto mo pang mabuhay."
Napapikit ako nong nagsalita si Seul na para bang seryoso sa sinasabi niya.
Pag talaga ako matuto mambabae lagot talaga sila sa asawa ko, pero biro lang kasi sa gandang ko 'to hindi pwede mambabae.
Ngayon araw kasi isusuprise ko si Lisa at si Ella, dahil mag babagong taon na.
Kaya dapat bago matapos ang taon na 'to dapat may nagawa akong maganda sa kanila.
Hindi habambuhay na kasama ko sila at hindi ko rin alam kung kailan ako mawawala sa mundong 'to.
Malay mo bukas o bukas makawala ay mamatay na ako sa sakit. Kaya sinusulit na ang oras na kaya ko pang pasayahin sila.
Habang kaya pa ng katawan ko ay gagawa ako ng mga masasayang memories na kasama silang dalawa.
Ika nga ni Lolo hangga't may oras na kasya pa para gagawa ng mga masasayang oras ay hindi dapat sayangin.
Dahil hindi sa lahat ng oras makagagawa ka ng mga memories na kasama mo ang pamilya mo.
"Tarantado kayo! Kapag talaga magalit ang asawa ko sa akin, humanda lang kayo sa ate ko."
Pagbabanta ko sa kanila dahil si ate ang isa nilang kinatatakutan. Maliban sa asawa kong demonita na akala mo makakain ng buhay.
Well, hindi ko naman ipagkakaila na demonita asawa ko, pero cute niya magalit at mainis.
Ang sarap lang talaga ng may asawa ka selosa tipong mahihi ka sa pantalon mo kapag sinamaan ka na ng tingin.
"Hindi 'yon, kaya mag relax ka lang d'yan sa upuan mo at kumalma ka, kami na bahala sa lahat."
Saad pa ni Jisoo na siya ang driver ngayon. Ang ginamit namin kotse ay sa kanya.
Dahil sabi nga nila may pupuntahan kaming importante, sabi naman ng isa mambabae kami mga siraulo lang talaga sila.
"How to calm down? Kung wala pa akong nagawa sa supresa ko sa kanilang dalawa?!"
Frustrated kong sabi habang napapahagod sa buhok ko.
Hindi ko talaga alam anong magagawa ko sa kanila kapag sablay ang surprise ko.
"Wala ka bang tiwala sa amin tatlo?"
Tanong sa akin ni Jeong na seryoso ang mukha.
Hindi naman sa wala ako tiwala sa kanila, pero hindi ko lang talaga mawala ang kaba nararamdaman ko ngayon.
Kapag hindi talaga ako makapunta sa lugar na dapat d'on isuprise si Lisa at Ella.
"Of course mayron, pero ano hindi pa kasi---"
Naputol ang sasabihin ko nong nag ring ang cellphone ko at ang pangalan ng asawa ko ang nag pop.
Hindi ko mona sinagot ng mga ilang segundo dahil panigurado magagalit 'to at mag bunganga lang siya sa akin.
"Don't worry, Jenduek sattle na lahat."
Tumingin ako sa kay Seul na may Malawak na ngiti sa kanyang labi.
YOU ARE READING
MY WIFE's SECRET [Completed]
Fanfiction"Are you happy with him?" I asked. "Yes." "Do you know what I want?" "No." "I want to see you happy and I want to see you smile again. So, 'to na nakikita na kitang masaya siguro nagawa ko na 'yong gusto kong mangyari." Highest Ranked #1 jentop ...