"Ayos ka lang ba, Ulan?" Jisoo asked.
Hindi ko alam, pero parang kinakabahan ako sa hindi ko malaman.
Nandito kami ngayon sa birthday party ni Lisa dahil pinilit lang ako ni ate pumunta rito.
"Bakit hindi ka pa nakabihis d'yan?"
Tanong ni Ate sa akin habang nagsusuklay ng buhok.
Nilalaro ko lang ang kamay ni Ella habang nakatingin lang kay Ate.
Paano ko iiwan 'to kung ganito pinapakita kung gaano niya ako ka mahal?
Napapikit lang ako kapag nakikita ko siya kung gaano siya kasaya.
Masaya ako kahit ano pa ang katayuan ko sa buhay basta makasama ko lang siya'y kontento na ako.
"Ate, pwede po ba huwag na pumunta baka masira ko lang ang birthday party ng asawa ko."
Mahina kong sambit dahil ayaw kong masira ang especial day ni Lisa.
"Dahil ba sa sinabi niya?"
Hindi ako nakasagot agad dahil sa tanong ni ate. Tama siya dahil don.
Ang hirap pala kapag hindi talaga ikaw 'yung mahal. Mamahalin ka lang kapag magkaaway sila ng totoo niyang mahal.
Actually nagkausap na kami ni Lisa na huwag ako pumunta sa birthday party niya, pero ito ako ngayon iniisip kong tutuloy ba o hindi na.
Pero kailangan ko pumunta para rin sa mga benan ko, ayaw ko silang ma disappoint sa akin.
"Hindi po sa ganon."
Tipid kong sabi habang nakangiti ng malawak. Hinawakan ako ni Ella sa mukha para tignan at ngumiti 'to ng matamis.
"Phogi papapa."
Anya na kinangiti ko, hindi pa siya masyadong fluent magsalita pero ang cute niya sa tuwing magsasalita 'to.
"Talaga ba pogi si Papa?" Sakay ko sa sinabi niya.
"Phopho."
Tangu-tango niyang sagot habang hawak ang magkabila kong pisngi na kinukurot minsan.
"May tinatago ka ba sa akin, Jero?"
Napalunok ako sa tanong niya, mabilis naman akong tumingin sa ibang direksyon para hindi ko masalubong ang mga tingin niya.
"W-wala, anong tinatago ka dyan." Kinakabahan kong sagot.
"Bakit hindi ka makatingin sa akin ng diretso?"
"W-wala nga, ano magbibihis na kami ni Ella."
Mabilis akong pumunta sa kwarto ko at buhat si Ella para makapag bihis.
Si Lolo lang may alam ng sekreto ko. Hangga't kaya ko hindi ko pwede malaman ni ate at kahit kanino kung ano man 'yun.
"Hey, bakit nanginginig kamay mo?"
Napatingin ako kay Seul na nakatingin sa kamay kong nanginginig dahil sa hindi ko malaman ang dahilan.
"I'm okay. Hinahanap ko lang si Lisa, pero hindi ko mahagilap ng mga mata ko." Saad ko.
Pinapawisan ako kahit may aircon naman, pero feeling ko naiinitan ako.
"Ayos ka lang ba talaga? Bakit pinagpapawisan ka d'yan?"
Tanong pa ni Yeon na pinupunasan noo ko gamit panyo niya.
"Kinakabahan lang ako siguro. Don't worry I'm fine."
YOU ARE READING
MY WIFE's SECRET [Completed]
Fanfiction"Are you happy with him?" I asked. "Yes." "Do you know what I want?" "No." "I want to see you happy and I want to see you smile again. So, 'to na nakikita na kitang masaya siguro nagawa ko na 'yong gusto kong mangyari." Highest Ranked #1 jentop ...