It's been a week ng mangyari sa amin ni Lisa. Hindi na rin ako umuuwi sa bahay niya dahil sa nangyari.
Sa bahay ni Ate Irene din kami nakatira ni Ella I mean sa bahay namin. Dahil wala na si Lolo Jiyong, umuwi na nong last week sa New Zealand.
Nakapag decide na rin ako na uuwi sa New Zealand kapag nasabi ko na kay ate ang lahat. What I mean sinabi ni Lolo don na manirahan for goods.
Mas maganda na ganon kaysa masaktan lang ako ng paulit-ulit. Deserve ko naman siguro sumaya kahit sa sandaling panahon?
Ayaw ko rin na para akong uhaw sa pag-ibig.
Pinasama ko na rin Ella sa school namin, at saka hindi naman sila nagtatanong kung kaninong anak ang tyanak na 'to.
Thankful pa rin ako dahil behave siya everytime na may teacher ay nakipag cooperate naman siya na huwag maingay.
"Papa."
Tawag sa akin ni Ella na kasalukuyan siyang nag kukulay sa coloring book niya.
Yes! Marunong na siya sa mga ganito kahit 2 years old palang siya. Dahil may sarili siyang nanny na hindi lang nanny kundi parang tutor kumbaga.
Tinetrain na kasi ni Lolo kahit bata pa, dahil gusto niya paglaki niya kasing tulad ng Daddy niya na matalino.
It's already lunch pero hinihintay pa namin si Ate dahil sasabay daw siya kakain sa amin.
"What's wrong baby?"
Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at ngumiti ng matamis. Sus naglalambing lang siguro 'tong anak ko.
"M-momo."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya, hinahanap na naman niya si Lisa dahil panay siya tawag ng Momo.
Nong una hindi ko maintindihan ang sinasabi niyang Momo kasi mommy tawag niya kay Lisa, pero kalaonan na gets ko na rin ano ang ibig niyang sabihin.
"Momo she's not here, bubba okay."
Mahina kong sabi dahil may napupuong luha sa mga mata niya. Kumibot na rin ang maganda niyang labi sa sinabi ko.
"Papa, wawant momo."
Pilit niyang sinasabi na umiiyak na 'to. May iilan ring studyante na nakatingin sa amin na parang amuse na amuse sa nakikita.
"Bubba, hindi ba you want Ice cream?"
Amo ko sa kanya dahil umiiyak na ito, buti na lang wala na kaming teacher dahil lunch break na namin.
Hindi ko pa kasi nakikita si Lisa simula nong nangyari sa birthday party niya.
Dahil rin ayaw ko na rin siya nahihirapan sa amin dalawa ni Jungkook. Mas gugustuhin ko pang ako yung nahihirapan sa aming dalawa.
"Ani, papa wawant momo."
Pilit niyang sinasabi na umiiyak pa rin siya. Ewan ko ba bakit si Lisa ang madalas niyang hinahanap. Nandito naman ako lagi sa tabi ko.
Pero malamang hindi niya ako hahanapin dahil nakikita naman niya ako. Sabat ng bahagi ng utak ko.
Hindi naman ako selosa, pero parang ganon na nga. Na attached ata kay Lisa si Ella parang carbon copy nga niya ang attitude ni Lisa.
Sakit sa ulo minsan ang pagka demonita nilang dalawa.
"Elle, saan mo gusto pumunta?"
Lumapit si Seul sa amin dahil na rin siguro nakikita niyang umiiyak si Ella. Ang hirap naman kasi patahanin, parang di kadugo.
YOU ARE READING
MY WIFE's SECRET [Completed]
Fanfiction"Are you happy with him?" I asked. "Yes." "Do you know what I want?" "No." "I want to see you happy and I want to see you smile again. So, 'to na nakikita na kitang masaya siguro nagawa ko na 'yong gusto kong mangyari." Highest Ranked #1 jentop ...