"Ano ba plano mo?" Jisoo said.
Hindi ko rin alam kung anong plano ko sa birthday ni Lisa, bukas na. Pero ako? Ito nakaupo lang at tinatanaw lang siya.
Kasama niya kasi si Jungkook na kumakain. Lunchtime na kasi at ako 'to tinitignan lang siya sa malayo.
"I dunno. Wala ako alam ano gagawin, ano ba kasi dapat?" I said.
Napataas kilay nilang tatlo sa sinabi ko, kasama ko kasi sila tatlo.
Dahil parehas din kami kinuhang course at kasamang palad pareho rin classroom na pinapasukan.
"Alamo mo, Ulan? Tumalon ka na lang kung ganon." Wika pa ni Seulgi.
Tumingin ulit ako sa gawi nila Lisa at Jungkook na masayang kumakain.
Nakahawak si Jungkook sa isang kamay ni Lisa at hinihimas 'yun gamit ang isa niyang kamay.
"What's the problem? Anong gumugulo sa isip mo. Bakit ganyan ka everytime na nakatingin ka kay Lisa at Jungkook?" Jeongyeon asked.
Hindi ko alam, pero kapag nakikita kong masaya si Lisa. Parang napapanatag ang puso ko.
Na kahit ikakasakit pa 'yun ng damdamin ko dahil napapasaya siya ni Jungkook.
"Masama bang umagaw ng kasintahan?"
Mahina kong tanong, dahil in the first place. Ako 'yung nauna, pero dahil sa putanginang sakit 'to nawala ang taong mahal ko.
"Ano bang klaseng tanong 'yan, Rain. Syempre masama."
Mabilis na sagot ni Jisoo na nakatingin din kila Lisa at Jungkook.
Hindi ko mapigilan ngumiti dahil nakikita ko ang mga matatamis na ngiti ng mahal ko.
Napa isip ako bigla sa sinabi ni doctor kahapon. Oo possible 'yun mangyari, pero please hindi mona ngayon.
"I know your thinking. Please h'wag mo ituloy."
Napasinghap ako at tinignan si Jisoo ng may ngiti sa labi. Ano ba sinasabi ng baliw na 'to?
"Wala naman ako gagawin ah. Iniisip ko lang kung anong pwedi kong suotin sa birthday party ni Lisa."
Saad ko habang nakangiti ng malapad, ayaw kong makita nila akong mahina at nasasaktan.
Ayaw ko rin na kaawaan nila ako, dahil ganito ako. Matapang ako! Yes tama, I'm brave.
"If you say so."
Tumingin ulit ako sa may gawi nila Lisa at Jungkook hindi ko namamalayan na wala na pala sila roon.
"Hindi pa ba tayo kakain?"
Napatingin kami kay Yeon na nakakunot ang kilay. Nga naman kanina pa 'to nagugutom.
"Teka lang!"
Sigaw na sabi ko, iniwan ba naman ako. Eh sinong gago na iiwan ako rito na nakaupo sa taas ng puno?
"Sino ba ang tanga na umakyat d'yan para lang makita ang asawa?"
Sagot ni Yeon na mukhang gutom na gutom. Napa pout na lang ako dahil sa sinabi niya.
"Sino ba may gusto?" Sambit ko.
"Hindi ako a si Seul 'yun."Anya ni Jisoo na denidepensahan nito ang sarili.
"Buti nga sinabi ko, tsk! Pasalamat ka kung hindi iiyak ka na naman." Seulgi said.
Proud pa na sabi nito at ngumingiti pa. Kung may power lang ako tinadyakan ko na pagmumukha niya.
Bumaba na ako dahil kung makipag debate pa ako rito na kung sino ang pasimuno. Baka aabutin kami ng siyam siyam.
"Saan tayo kakain ngayon?"
YOU ARE READING
MY WIFE's SECRET [Completed]
Fanfic"Are you happy with him?" I asked. "Yes." "Do you know what I want?" "No." "I want to see you happy and I want to see you smile again. So, 'to na nakikita na kitang masaya siguro nagawa ko na 'yong gusto kong mangyari." Highest Ranked #1 jentop ...