HeeSun: Playful Desire

1.7K 8 3
                                    


Marahas na kinatok ni Hendrix ang pintuan ng kwarto ng kanyang kapatid na si Rick.

"Bakit ba, Kuya?" Nakasimangot na tanong ng teenager sa nakakatandang kapatid.

"Di ba usapan natin hindi ka matutulog dito ngayong gabi?"

Rick rolled his eyes.

"Alas singko pa lang, Kuya. Mamaya na ako aalis after dinner." Balewalang sagot nito at akmang isasara ulit ang pintuan nang harangin iyon ni Hendrix.

"Hindi pwede. Parating na si Shiloh. Layas na!"

"Nasa labas pa si Stefano, may ka-date, alangan mauna ako sa kanya sa bahay nila eh makikisleep over lang ako." Naiiritang sagot ni Rick sa nakakatandang kapatid. Nagmura si Hendrix bago nilabas ang wallet nya at kumuha ng dalawang libo.

"Eto, pera. Lumayas ka na, utang na loob. I-date mo si Pauly kung gusto mo!"

Biglang nagliwanag ang mukha ng kapatid at agad na sinilid sa bulsa ang pera. Baka bawiin pa eh!

"Okay. Saglit lang ha, mag bibihis lang ako. "

Agad na sinarado ni Rick ang pinto ng kwarto nya at tinext ang kasintahang si Pauly upang ayain itong lumabas ulit kahit kakadate lang nila kaninang umaga. Tinext nya na rin ang bestfriend na si Stefano na di na sya makikitulog dito dahil may iba na syang plano.

"Rick bilisan mo ha!" Sigaw ng Kuya nya mula sa pintuan ng kwarto nya.

Makalipas ng ilang minuto lumabas na si Rick ng bihis na bihis at may dalang knapsack.

"Alis na ako, Kuya." Paalam nito sa nakakatandang kapatid na busy sa pag pupush up sa sala ng condo nila.

"Kuya anong gagawin nyo ni Kuya Shiloh?"

"Maglalaro nga kami ng Fifa." Sagot ni Hendrix na ngayon ay nagpupunas ng imaginary alikabok sa TV rack.

"Weh, maniwala? Mag-aano kayo no? " Makahulugang tanong ni Rick habang nagsusuot ng sapatos.

"Anong ano?"

"Ganito." Ngiting aso na sumenyas si Rick ng isang hand gesture kung saan ang isang kamay ay naka form ng "ok" habang pinapasukan ng hintuturo ng isang kamay. 👉 👌

Nakita nyang natigilan ang Kuya nya. Kaya bago pa sya tuluyan ng kapatid ay tumayo na si Rick at nagtungo sa pinto.

"Hoy, tang ina ka, san mo natutunan yan?" Binato ni Hendrix ang kapatid ng hawak na basahan. Natatawang iniwasan lang ito ni Rick at sinarado na lang ang pintuan.

Eh gago pala tong kuya nya eh. Anong akala nito sa kanya, bata? Eh naunahan nya pa nga itong magkajowa.

Nang makaalis si Rick ay agad na chineck ni Hendrix ang cellphone nya kung may text ba mula kay Shiloh.

Shiloh. Shiloh. Shiloh.

His cute Shiloh Kim.

Si Shiloh na kapag ngumingiti, his eyes disappear.

Si Shiloh na mahinhing tinatakpan ang mukha kapag natatawa sa mga jokes nya.

Si Shiloh na favorite hobby ay laruin ang buhok nya.

Si Shiloh who talks in pout.

Si Shiloh na nanlalaki ang mata at naghuhugis O ang bibig kapag nagugulat.

Si Shiloh na sweet at laging sinasagot ang mga good morning texts nya.

At siya si Hendrix Lee na every time nakikitang paparating si Shiloh ay automatic na nakakarinig ng kanta ng Carpenters.

-"¡callarse la boca!" -"Hazme." Where stories live. Discover now