JayKe: "Stressed ako, Seong"

2.4K 14 0
                                        

Gabi na nang matapos ako sa workloads ng opisina. Nagtatrabaho ako bilang isang legal secretary sa isang law firm sa Taguig. Mabuti na lang ay nagsabi ang beadle namin na hindi muna makakapasok ang propesor namin sa Civil Procedure I kaya pumayag na rin akong tapusin ang backlogs ng opisina.

Medyo stressful kasi ‘yung isa sa mga kliyente ngayon ng boss namin. Paano, gusto niyang mag file ng annulment sa kasal nila ng asawa nila kasi ayon sa kanya, hindi ito nakikipagtalik sa kanya. Sabi niya, kaya siguro hindi ito nakikipagtalik sa kanya kasi baog ito.

Iba talaga nagagawa ng pera ‘pag mayaman.

Hindi pa tapos ang hearing sa korte kaya mas lalo kaming naiistress sa opisina kasi gustong-gusto na ng kliyente namin ma-annul ang kasal nila.

Seong: Asan ka? Andito na ako sa baba ng building niyo
Ako: Pababa pa lang. Sorry na napatagal nakipagchismisan pa yung isa naming secretary eh.
*read*

Si Seong ay isa sa matalik kong kaibigan noong College. Nagkakilala kami kasi magkablock kami hanggang 4th year.

Oo, may benefits yung pagiging magkaibigan namin.

Parehas kaming nag-aaral sa law school. Ahead siya ng isang taon sa akin, 2nd year pa lang ako habang siya ay nasa 3rd year na.

Sa totoo niyan, si Seong ang nakauna sa’kin. Hindi pa naman ako nagkakajowa mula ng iluwal ako sa mundong ‘to kaya noong una naming ginawa, hindi ako nakalakad ng tatlong araw sa sobrang bugbog ng katawan ko.

Flashback (1 year ago)

Tinawagan ko si Seong para magpatulong sa isang subject kong pang first year. Pinapunta ko siya rito sa isang co-working space study hub sa Maynila kasi hindi ko amor mag-aral sa bahay. Tahimik kasi sa condo ko at mas nabibingi ako sa ganon, kaya napagdesisyunan kong sa labas na lang.

Maya maya pa, dumating na kaagad siya. Kakatapos lang ng klase niya kaya mas may laya na siyang pumunta kahit saan. Buti nga pinuntahan ako nito.

“Anong kaso ulit yan?” tanong nito saka ko binigay ang papel na may print ng nasabing kaso.

“Hindi ko nagets ‘yung buong kaso. Naiistress ako. Tangina, kung nabaliw ako noong legma student palang tayo, dito lalabasan na ako ng utak. Tangina,” sabi ko habang patuloy na hinihilot sintido ng noo ko.

“Gago, walang lalabas na utak sayo kasi bobo ka diba,” sabi nito habang hinahighlight ang ilang parte ng binabasa niya.

“Tangina. Naiistress ako. Kailangan ko ng stress reliever,” sabi ko bigla.

“E ‘di kumuha ka ng pagkain du’n sa pantry,” sabi naman nito.

May pantry kasi sa working space na pinuntahan namin, kasama na sa orasang bayad kada stay.

“Ayoko nu’n. Gusto ko kantot,” sabi ko.

Patuloy lang si Seong sa pagbabasa at sinabing “Manood ka ng bold kung gusto mo.”

Oo nga ‘no?

Nilabas ko ang earphones ko pati ang cellphone ko na nakatago lang sa ilalim ng mga librong binasa ko. Tamad akong sumandal sa table para manood habang si Seong naman ay patuloy pa rin sa pagbabasa. Buti na lang nakapaharap ang pwesto ko sa lahat at dingding ang nasa likod ko, at least walang makakakita sa pinapanood ko.

-"¡callarse la boca!" -"Hazme." Where stories live. Discover now