“Pwedeng pakihinaan ng mga bunganga niyo?” Hindi na napigilan ni Jungwon na mag taray sa kapatid niya at mga kaibigan nito.
Paano ba naman kasi? Mga lasing na ito at ang iingay na! Hindi tuloy makapag-concentrate ng maayos si Jungwon sa ginagawang backlogs sa kwarto niya sa ingay ng mga ito. Lalo na ang kaibigan ng kuya niya ni si Sunghoon. Rinding rindi na siya sa malakas na tawa nito.
“Uy, Won, sorry! Mga lasing na eh!” paumanhin ni Jake sa kaniya, ang medyo matinong kaibigan ng Kuya Heeseung niya.
They are all gathered in their small living room. At dahil kanina pa sila umiinom, ang kalat kalat na nila. Punong-puno ng kung ano-anong pulutan ang coffee table at mga alak. Sa sahig naman ay mga basyo ng bote. Sa sahig ay naka-upo si Heeseung at Sunghoon habang sa sofa naman ay si Jake at si… Jay.
Nag tama ang mga mata nila nito na agad namang iniwasan ni Jungwon.
“Sorry, lods! Sorry!” At parang monk pa na nag-bow si Sunghoon sa kaniya kaya nag tawanan sila. Halos gumulong pa sa sahig ang lasing na kapatid niya.
“Marinig ko pa bunganga mo, sinasabi ko sa’yo… Sasalpak ko ‘tong vase sa bunganga mo,” banta ni Jungwon at tinuro ang flower base sa tabi ng hagdan kung saan siya naka-tayo.
“Tapang,” rinig niyang asar ni Jay na hindi niya pinansin.
“Kuya, mag linis kayo ha! Susumbong kita kay mama pag may naabutan talaga akong kalat bukas!” baling naman niya sa kapatid niya.
“Opo, bunso~” bangag na sagot nito tapos ay nag tawanan sila ni Sunghoon.
“Ako na bahala, Won,” sabi ni Jake sa kaniya.
Tumango lang siya at muling pumahik sa taas kung nasaan ang kwarto niya. Narinig niya pa ang malakas na bulong ni Sunghoon. “Sungit talaga ng kapatid mo, pre!”
Padabog na binagsak ni Jungwon ang pinto ng kwarto niya at mabigat ang pag-hingang umupo sa kaniyang study table. Napatitig siya sa screen ng laptop niya at tuluyang lumipad ang isip sa lalaking may mala-agilang tingin.
Si Park Jongseong o mas kilala bilang Jay ay kapitbahay nila. Ito ang unang naging kaibigan ng kapatid niya simula nang lumipat sila dito 10 years ago. Naging madalas ito sa bahay nila mula noon hanggang ngayon, at dati pa lang, hindi na ito gusto ni Jungwon.
Mayabang kasi ito at parang hari kung umasta. Jungwon remembered kung paano siya utos-utusan nitong bumili sa sari-sari store tuwing nakatambay siya sa bahay nila. Wala naman siyang magawa noon dahil mas nakakatanda ito sa kaniya.
Nang mag-highschool siya, nasimulan ang pagsusungit niya dito. Nilalabanan na ang bawat pang aasar nito sa kaniya. At mukhang natutuwa pa ang binata dahil mas lalo nitong bini-bwisit si Jungwon.
And so since then, it was already established that Park Jongseong and Yang Jungwon are mortal enemies.
But then… something happened between them that changed everything…
YOU ARE READING
-"¡callarse la boca!" -"Hazme."
FanfictionThis book isn't for minors. The book contains sex And a lot of cursing. The book contains "boy to boy." If you're homophobic, get out of the book. DO NOT REPORT the book unless you want to be in jail for the rest of your life. Language: English, Fil...
