Chapter 16

154 6 0
                                    

Chapter 16

Homeless

Isang linggo ang lumipas at hindi pa rin kami nagkakaayos ni Hazel. Ginagawa ko ang lahat para magpaliwanag pero hindi sya nakikinig. Kahit hindi pa kami ikakasal, gusto kong malaman nya na papakasalan ko sya dahil mahal ko sya. Kaya kong talikuran ang Shiratori Kingdom para sa kanya.

Isang linggo na din ang lumipas na hindi umuuwi si Hazel sa penthouse namin. Nandito pa naman yung gamit nya pero hindi sya nauwi.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sya. Pero katulad nung dati, puro ring lang, hindi nya sinasagot. Mababaliw na ako dito! Sa isang linggong hindi sya nagparamdam, palagi syang ganito. Hindi nya sinasagot. Ilang beses ko syang pinupuntahan sa bahay na tinirhan nya, pero palaging walang Hazel na nalabas.

Hindi pwedeng matapos kami ng ganito lang.

Ayoko.

Ayokong matapos kami.

Papakasalan ko pa sya.

Magkakaanak pa kami.

Hindi pwede.

Kunin na ni Jiro ang lahat, wag si Hazel.

Naparinggan ko ang pagbukas ng elevator at nakita si Hazel na naglalakad papasok. Tumakbo ako sa kanya at niyapos sya nang sobrang higpit.

"Hazel... damn, namiss kita." Inamoy ko ang pabango nyang matagal kong hindi naamoy. Damn it, I missed her.

Hindi nya ako niyapos, nanatili lamang ang kanyang kamay sa gilid ng kanyang katawan. She's stiff, nung tinanggal ko yung pagkakayapos ko sa kanya, nanlamig ako sa pagtingin nya.

"Ha-Hazel,"

"Kukunin ko ang gamit ko," she walked pass through me to pack up her things.

Parang may sumaksak sa puso ko nung sinabi nya iyon. Ilang beses ko pang inisip yung sinabi nya, nakatigil lang ako dun, pinaparinggan ang pagbagsak ng aking puso. Nang mapagtanto ko ang sinabi nya, tumakbo ako sa kanyang kwarto at niyapos sya habang sya'y nagaayos ng gamit.

"Wag mo akong iwan, please." Pagmamakaawa ko.

Hindi sya sumagot.

"Hazel please. Mamamatay ako kapag wala ka sa tabi ko," iyak ko.

"Gael, bitawan mo ako." Pilit nyang tinatanggal yung pagkakayapos ko sa kanya pero hindi ko ito tinatanggal.

"Hazel, mahal na mahal kita. Maniwala ka. Ikaw ang buhay ko, para sayo lahat ang bawat buhay ko. Hazel please."

Wala syang inimik.

"Mahal mo ako di ba? Bakit mo ako iiwan? Bakit mo mas papaniwalaan si Jiro? Hazel, makinig ka," I released the hug then held her shoulders, "mali ang pagkakaintindi mo dahil hindi mo ako hinayaang magpaliwanag kaya makinig ka sa paliwanag ko, hindi ko hahayaang umalis ka nang ganito."

Nakatingin lang sya sakin.

"Sinabi na yun sakin ni dad, matagal na panahon na. Sakin nya ibibigay ang Shiratori Kingdom, pero kailangan kong magpakasal muna. Hazel, kung pera lang yung habol ko, bakit hindi ako agad nagpakasal? Bakit nagtagal pa bago ako makahanap ng isang katulad mo? Kung pera lang ang habol ko, matagal na akong nagpakasal, kung pera lang ang habol ko, balewala ka lang sa buhay ko, kung pera lang ang habol ko, hindi na dapat ako nagbago para sayo, hindi na dapat ako grumaduate tutal makukuha ko din naman ang Kingdom, basta magpakasal, lang ako, di ba?"

Wala syang inimik.

"Pero Hazel, kita mo naman ako ngayon, nasa harap mo. Kung pera lang ang habol ko, hindi kita pipigilang umalis dahil makakahanap pa ako ng pwedeng pakasalan. Pero hindi eh. Kasi kaya kong bitawan ang Shiratori Kingdom, kaya kong ipaubaya kay Jiro ang Kingdom, wag ka lang mawala. Kaya kong mamuhay ng isang kahig, isang tuka, basta ikaw ang kasama. Kaya kong talikuran ang lahat, para lang hindi ka mawala sa piling ko. Naiintindihan mo ba yun?" Tumulo ang luha ko.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon