Chapter 32

92 9 1
                                    

Chapter 32



Revenge



Tinahak ko ang aking daan papasok sa mansion ng Marasigan. Sa aking paglalakad ay nakita ko naman si Sophia na naglalakad din palapit sa akin.



"Gael," bati nya at bahagya akong niyapos.



"Sophia," 



When she released the hug, tila nabasa nya sa aking mga mata ang aking paghahanap kay Hazel. "Nasa gazebo sya." sagot nya sa aking nagtatanong na mga mata. "Magkausap kaming dalawa bago ka dumating."



Akmang pupuntahan ko sya nang pigilan ako ni Sophia, "She's now talking to Paul," 



Naalala ko ulit yung balitang nalalapit na ang kasal na, na malapit na syang tuluyang mawala sa akin. Bumalik yung sakit. Yung dating sakit, lalong sumakit ngayon. 



"Magpahinga ka muna, Gael." sabi nya at dumeretso naman ako sa guest room upang magpahinga.



Nang maiwan ako ni Sophia sa loob ng silid, tila ba hindi magawa ng aking katawan na magpahinga. Yung tipong alam kong pagod na ang utak ko, parang sinasabi na ng utak ko na magpahinga naman ako, pero hindi ko magawa. Parang hindi nasang-ayon ang puso ko. Dumungaw ako sa bintana, mula dito'y kita ko sina Hazel at Paul na naguusap sa gazebo, yun nga lang, nakatalikod sila sa akin. Ngunit kitang kita ko ang ngiti ni Paul habang nakaharap sya kay Hazel, pati na rin ang paghaplos nya sa buhok nito.



Masakit, pero kailangan kong tiisin. Kailangan kong tiisin dahil mahal na mahal ko sya. Pero bakit kaya naging ganoon si Hazel? Na parang nabalik yung alaala nya? Nabasa nya kaya ang sulat ko? Alam kong kailangan kong tiisin pa ang napakaraming sakit pero kakayanin ko. Alam kong malapit na... alam kong malapit ko na syang mabawi, hindi na ako susuko. 



---



Kinagabihan ay nakausap ko si Paul dahil naabutan nya akong nakatitig sa madilim na gabi ng Polilio. Inalok nya ako ng alak na nasa goblet at nakitayo na rin sa aking tabi.



"Kailan ka bumalik?" tanong nya.



"Kanina lang," tipid na sagot ko, ni-hindi ko man lang ginagalaw ang alak na inalok nya sakin.



"Akala ko hindi ka na babalik. Well, tamang tama. Iimbitahan sana kita sa before party para sa kasal namin ni Hazel. Ilang weeks na lang din kasi at ikakasal na kami."



"Hindi ako mawawala," sagot ko habang direktang nakatingin sa kadiliman. 



"Tell me, Gael. Ganyan ka ba... katanga para kay Hazel?"



"Mahal ko sya, at kaya kong gawin ang lahat para sa kanya." 



"Romantic. Pwede ka bang maging best man? Wala kasi akong masyadong kaibigan, tsaka wala din naman akong kapatid na lalaki. Tanging kami lang ni ate Rose ang magkapatid. Kaya sana, paunlakan mo ang alok ko."



Huminga ako nang malalim saka sumagot ng, "wala akong rason para tumanggi."



"Perfect. Tama nga si Mark, isa kang mabuting kaibigan,"



Napantig ang tainga ko nang mabanggit nya ang pangalang Mark, "Bakit mo kilala si Mark?"



Napatigil sya sa paglagok ng kanyang alak, tila ba naghahanap sya ng mga salita na maaari nyang isagot sa akin.



"Sagutin mo ako, bakit mo kilala si Mark?" tila nagbabanta na ang boses ko at naipatong nya ang goblet sa table. 



"Maraming Mark sa mundo-" I cut him off.



"Hindi lahat ng Mark alam ang tunay kong ugali, iisa lang yung Mark na kilalang kilala ako mula pagkabata hanggang sa ganitong edad," napatigil sya sa inuntag ko. 



He scoffed.



Nilapitan ko sya, "kasabwat ka ba, ha? Sagutin mo ako. Ikaw ba ang pumatay kay Mark?" tinitigan ko sya na parang pinatay ko sya ng isang daang beses. 



"Wag kang praning, Gael. Wag mong ikonekta lahat sa miserable mong karanasan."



"Miserable? Sinong mas miserable satin? Ako o ikaw na pilit na isiksik ang sarili kay Hazel?"



"Napaparinggan mo ba ang sarili mo? Sino ba sa atin ang pilit na inisiksik ang sarili kay Hazel? Ha? Sige nga." paghahamon nya. "Pasalamat ka at hinahayaan kitang gawin ang gusto mo dito sa pamamahay ko." 



Napaurong ako sa sinabi nya.



"Gael, isip isipin mo rin yang mga sinasabi mo lalo na't nakatapak ka sa pagmamay-ari ko." Tinalikuran nya ako pero bago pa sya makaalis ay sinabi nyang, "Oo, kilala ko si Mark, si Mark na nakakakilala ng buong pagkatao mo, ng kabaitan mo at ng kabahuan mo. Si Mark na matalik mong kaibigan, si Mark na namatay sa aksidente. Oo, kilala ko sya."



Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya.



"At hindi ako papayag na namatay sya ng dahil wala syang nagawa para sa taong mahal nya."



____________________________________

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon