Part 3 Chapter 30

125 9 0
                                    

Part 3
The Investigation

Chapter 30

Essence of being a man

Nakabalik ako sa Manila ng hating-gabi na. Naabutan ko ang anak ko na mahimbing na natutulog sa kanyang kwarto. Isang taon at anim na buwan na sya. Ang bilis ng panahon, at wala man lang ako sa tabi nya noong mga panahon na yon.

Hindi naman ako sumuko, kailangan ko lang bigyan ng time si Hazel. Biglaan kasi akong nagpakita, baka sobra syang nabigla at naramdaman agad yung ganoon sa akin. Siguro gugugulin ko muna ang oras ko dito sa anak ko at sa paghahanap ng culprit.

Pumunta ako sa aking kwarto at umupo sa gilid ng aking bed. Napatingin ako sa picture frame na nakapatong sa table, katabi ng bed ko. Picture namin ito ni Hazel. Yung mga panahong masaya pa kami, yung mga panahong nagmamahalan pa kami, yung mga panahong imposible pa kaming mapaghiwalay.

Kinuha ko ito at tinitigan ko nang may ngiti sa aking mga labi. Ang saya tignan ng picture na ito. Pero may bahagyang pagtusok sa aking dibdib. Parang nasasaktan din ako dahil iba na ngayon ang sitwasyon. May iba na syang mahal, pero kailangan kong tiisin, kahit sobrang sakit na.

Kinaumagahan, nabigla pa si aling Marie nang makita ako. Hindi nya din kasi alam na nakauwi na ako kaninang madaling araw.

"Sir, kelan pa po kayo nakauwi?"

"Kaning madaling araw lang po," sagot ko. "Kumusta na po si Ken?"

"Ayun, dumadaldal na tsaka nakulit na."

Napabuntong hininga ako.

"Kumusta na po ang paghahanap kay maam Hazel?" tanong nya.

Umupo ako sa dining table, "upo kayo aling Marie, sabayan nyo ako."

"Okay lang sir," nanatili syang nakatayo sa harap ko, iniintay ang aking sagot.

"Nahanap na sya," sagot ko.

"Talaga sir?"

"Opo."

"Eh bakit hindi mo sya kasama ngayon? Tsaka bakit mukhang malungkot ka pa din?" tanong nya.

"Nagka-amnesia sya, and worse, tinake advantage nung kumupkop sa kanya yung sakit nya." sagot ko.

Umupo si manang saking harapan, "anong ibig mong sabihin?"

"Ikakasal na sya sa iba, manang Marie."

"Ay juskopo, bakit naman nagkaganun?" halata din ang pamomoblema ni manang. "Eh bakit ka bumalik? Di ba dapat nasa tabi ka lang nya?"

"She's still in the state of shock. Biglaan kasi ang pagpapakita ko. Pero babalik naman ako doon. Ang kailangan ko lang gawin ay hanapin yung suspect,"

Maya maya lang di'y nakita ko si Ken na nakatayo na sa pintuan ng kanyang kwarto. Kakagising lang ng aking anghel. Ni-hindi ko man lang alam na kaya na nyang tumayo sa kanyang sarili.

"Ken, come here," binuhat ni manang Marie si baby Ken palapit sa akin.

Yung tingin nya sakin para tingin lang ni Hazel nung makita nya ako. Parang hindi nya ako kilala, madalas kasi akong wala sa tabi nya.

"Baby Ken, si daddy oh," sabi ni manang Marie.

Tumayo ako at lumapit kay manang Marie. Ganoon pa rin ang tingin ni baby Ken sa akin. Nakatitig lang, kung nakakapagsalita na siguro sya nang diretso, sasabihin din nyang, "sino ka?"

"Si daddy oh," pag-uulit ni manang Marie.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni baby Ken. Kung kanina'y hindi nya ako makilala, ngayon nama'y...

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon