Chapter 36

108 7 0
                                    

***AUTHOR'S NOTE: Patapos na ang story, so magpapakita na ulit ako. Haha! So as usual, dahil hindi ako mahilig sa happy endings... hehez. Alam nyo na! Hahaha! Sorry kasi isang buwan ako di nag-update dito kasi busy sa school tsaka writer's block is eating me. HHAHA! So basta sa last chapters ng story ay nagpapakita na ako. And, expect short updates on the last chapters. Enjooooy~


Chapter 36


Lost




Kinagabihan, nagpasya kaming iwan na ang mansyon na ito. Inimpake ko na ang mga gamit ko, ganun din sya. Nakausap ko na si Sophia tungkol dito. Pumayag naman sya, at sasama sya samin. Sinabihan din nya yung ibang kooperatiba na nandito sa loob ng mansyon na ganun na nga ang balak at gusto nyang siguraduhin ang seguridad namin sa pag-alis.


Sinama ko sa bagahe ang mga sulat na ginawa ko, lahat nang iyon nilagay ko. Nang maglalabas na ako nang gamit ay napansin ito ni Paul...


"Buti nama't naisipan mo nang umalis." sabi nya.


Tumigil ako at hinarap sya, "Hindi ko na kasi kayang makita kang kinakakawawa at sinisiksik ang sarili sa taong di ka naman mahal."


Nagsmirk sya, "Napaparinggan mo ba ang sinasabi mo, Gael? Nagpapatawa ka ba? Kasi kung oo, natatawa talaga ako." 


"Tumawa ka ngayon Paul. Paniguradong iiyak ka din." tinalukuran ko na sya at naglakad palabas.


"Wag mo nang maisip isipang bumalik pa." pahabol nya.


Di na ako humarap pero nagsmirk ako. Talagang di na ako babalik dahil nakuha ko na si Hazel. Panigurado akong nasa labas na sya at si Sophia at nakalagpas na ng maze. Sinadya talaga naming magsabay paalis para di mahalata ni Paul. Sumakay na ako sa sasakyan at nagdrive papunta sa exit nung maze. 



Pagkarating ko doo'y nabigla ako dahil wala pa rin sila. Dapat andito na sila, pero bakit hanggang ngayon wala pa din? Kinabahan bigla ako, kaya bumaba ako ng sasakyan at pinasok ang maze. Nakakalito nga talaga ito. Pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa nakarinig ako ng irit ng isang babae. Kaya naman sinundan ko ang tunog na yun hanggang sa makita ko si Sophia at Hazel na hawak ng dalwang malalaking lalaki. Hawak nung lalaki si Sophia sa kanyang braso, ganun din si Hazel. Nagpupumiglas silang dalwa pero masyadong mahigpit ang hawak nung dalwang lalaki. Maya-maya pa'y sinugod ako ng isa pang lalaki at sinubukan akong suntukin, pero nakailag ako at nabawian ko sya sa pisngi.



Sinundan pa ito ng ilan pang mga lalaki. Yung iba may dalang pamalo, at napapalo ako sa likod, tyan o kaya sa binti. Pero hindi pa rin ako nagpapatalo. Kahit na ramdam ko na ang pagtulo ng dugo sa aking pisngi, kahit nalalasahan ko na ang sarili kong dugo, lumaban pa rin ako. Hanggang sa mapadapa na lamang ako at naramdaman ko ang pagsisipa sipa nila sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata at nanalangin...



"Lord, kung hanggang dito na lang po talaga ako, please pakiingatan si Hazel at si Sophia."

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon