Chapter 5

358 10 0
                                    

Chapter 5

Mine

"Pasok ka." binuksan ni Hazel ang pintuan ng kanilang bahay. Hindi ito kasing-laki ng mansyon namin, hindi rin naman maliit katulad ng apartment na minsa'y tinirhan ko. Simple lang. Two storey, white painted house. May simpleng dark-brown na gate tapos may alaga syang isang siberian husky na sumalubong sa kanya nang buksan nya ang pinto.

What the fuck.

"Sa loob talaga natutulog ang aso mo?" tanong ko nang makapasok ako.

"Oo. Bakit? Hindi ka ba mahilig sa aso?"

I hate dogs. "Hindi masyado." sagot ko. Panandalian lang naman ito.

"Her name is Fara, 6 months old. Dito lang talaga sya sa bahay kasi natakot na akong mawala pa ulit sya. Hindi naman yan nangangagat, and hindi pa sya nagkaka-anak. She's friendly, trust me. Help yourself, make yourself comfortable. Aayusin ko lang tutulugan mo." saka sya umalis para ayusin yung room.

Ginala ko ang mata ko sa interior ng bahay. May 35 inch flat screen tv na nakapatong sa isang dark brown na table. May piano din sa left side ng bahay, hindi sya grand piano, simple lang. Sa taas ng pianong ito ay nakapatong ang ilang frames. Nilapitan ko iyon at tinignan ang mga litrato sa frame. Sa unang frame, andun ang picture ng isang babae. Maitim at umaabot lagpas-balikat ang kanyang buhok. May pagkakahawig sya kay Hazel. Ate nya siguro.

Nakita ko naman ang litrato ng kanilang pamilya. Lahat sila nakangiti, halatang masaya at buo ang pamilya nila noon. Then I realized, parehas lang kami ni Hazel ngayon. Ang sitwasyon ko lang ay buhay pa ang parents ko, yun nga lang, hiwalay. Sus, hindi rin pala nagkakalayo.

"Sina mommy at daddy yan." napatingin ako sa gilid ko at nakita si Hazel na nakikitingin na rin sa akin. "Grade 6 ako nyan, tas si ate ay 2nd year highschool. Actually, yang family picture na yan ay para sa project ko. Yan ang una at huli naming picture together kasama si mommy at daddy bago yung trahedya. Kaya naman, sobrang tinatago ko yan."

"Nasaan ang ate mo ngayon?" tanong ko.

"May ka-live in sya ngayon kaya hindi sya dito nakatira. Pero hindi naman nya ako pinapabayaan. Tsaka ikakasal na rin naman yun." sagot nya.

"It must be sad." I stated.

"What is?" tanong nya.

"Living here all alone."

"Why? Andito ka na." she flashed a smile.

Napatingin ako sa kanya, akala ko babawiin nya dahil joke lang, pero hindi nya ito binawi. I got this strange feeling in my stomach up to my brain. Parang hindi ito makapagfunction nang maayos. Yung pakiramdam ng taong nakasakay sa roller coaster. Nakakahilo, nakakasakit ng tyan.

"And syempre si Fara. Wala namang problema sakin kasi kaya ko namang mag-isa." dagdag nya. "Okay na yung tutulugan mo."

"Huh? Ah, sige. Salamat talaga ha?" sambit ko.

"Wala yun. Matulog ka na." she smiled.

"Sige. Good mornight." naglakad papunta doon sa room.

Nang makapasok na ako ay umupo ako sa bed. Hindi masikip ang room na ito. May wallpaper na pink rin ito. Medyo awkward lang sakin kasi lalaki ako tas biglang pink ang wallpaper, pero okay lang. Pink is for real men. Kailangan kong magising nang maaga mamaya para maipagluto si Hazel ng umagahan bilang kabayaran sa lahat ng ginawa nya. Alam kong hindi ito sapat, pero dito ko ito sisimulan.

Nag-alarm ang cellphone ko ng 6:00 am. Kahit aapat na oras lang ang naitulog ko, pakiramdam ko ang haba na ng naitulog ko. Lumabas ako ng room at nabigla nang makitang nagluluto na ng umagahan si Hazel. Early riser, huh? She's wearing a blue apron with pandas on it. Under it is her pajamas na penguin ang design tas white oversized shirt. Naka-clamp din ang kanyang buhok tas sa tingin ko'y naka-earphones sya dahil nasayaw sayaw pa sya.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon