Chapter 19

159 8 0
                                    

Chapter 19

The Bachelor's Party

 

 

Ang unang kalahating taon ng aking pamumuno sa Shiratori Kingdom ay stressful. Madami kasing mga proposals ang naiwan sa ere nung nawala si dad nang matagal kaya ako ang sumalo ng lahat. Siguro kung irerate ko, 5 out of 10 pa. Ilang beses din akong nakakapag-out of town dahil sa business purposes. At masakit man aminin, kakaunti na lang yung time na nabibigay ko kay Hazel.

Yung tipong kung kailan sya gising, doon naman ako natutulog, tas kung kailan sya tulog, dun naman ako gising na gising. Parang LDR na kami kung tutuusin, hindi lang talaga kami magkalayo ng bahay. Kung papalarin minsan, naaabutan ko sya sa madaling araw, nagbabasa ng libro. At dahil nga sa nangyayaring ganito sa amin, napagdesisyunan naming magsama sa iisang kwarto na lang para kahit paano, habang natutulog sya, tatabihan ko na lang sya.

Gusto kong magkaroon ng time sa kanya, pero hindi ko magawa dahil sa sobrang hectic ng schedule ko. Halos araw araw may problema sa kumpanya na isang linggo pa bago ko maresolba. Grabe din ang natatanggap kong pressure bilang bagong president ng company. Kung nalilito kayo, ang Shiratori Kingdom ay hindi lang basta bastang kumpanya. It is a group of organizations: school, hospital and clothing line. Lahat naman ng mga iyon ay successful, may mga empleyado lang talagang hindi nakukuntento at nagrarally pa. kesyo bulok daw akong presidente, ni-hindi ko daw mapataas ang kanilang sweldo.

Sa gitna ng aking pamomoblema, kumatok si Hazel sa aking study at pinasok ito. Nginitian ko sya. Ito ay isa sa mga araw na iilang oras lang ang pagsasama namin. Minsan, hindi na nya talaga ako iniistorbo dahil kitang kita nya kung gaano ako ka-stress. Gusto kong makatabi sya sa sofa, magkayapos at walang inaalala.

"Okay ka lang?" tanong nya habang hinahaplos ang aking balikat.

Napailing na lang ako habang minamasahe ang aking noo.

"Gael, kung sobra sobra ka nang nasstress, I don't want to be on your way," napatingin ako sa sinabi nya.

Anong ibig sabihin nya?

"You know, madami ka nang kinakaharap na pressure. Ayoko namang mapressure kita dahil... pansin kong... nawawalan ka na ng time sa akin."

Napatayo ako at hinawakan agad sya sa kanyang bewang, "Hazel,"

"Marriage can wait, pero sa ganitong sitwasyon, kailangan mong unahin yung mga bagay na kailangan mong unahin."

"Are you breaking up with me?"

"Hindi naman break up, break up. Ayoko lang dumagdag sa mga problema mo,"

Hinawakan ko ang mukha nya, "No, hindi kita pinoproblema. Hinding hindi ka nagpapabigat sa akin," sinandal ko ang noo ko sa kanya, "sayo lang ako humuhugot ng lakas sa  mga problemang kinakaharap ko. please, don't do this. Kung may nagawa akong kasalanan sayo, please patawarin mo na ako. Wag ka nang magalit, please." Pagmamakaawa ko.

"Gael, naiintindihan kita. Hindi ko naman ito ginagawa dahil nagagalit ako eh, hindi ako galit. Pero naiintindihan kita kung bakit hindi ka na nagkaka-oras para sa akin. Kaya ko ginagawa ito dahil naiintindihan ko ang sitwasyon mo."

"Mas mahihirapan ako kung wala ka. Kapag natatapos ang stressful na araw ko, maabutan ko lang ikaw sa kwarto natin, mahimbing ang tulog, nawawala na agad ang pagod ko. paano kung wala ka na? Edi lalo akong mahihirapan, di ba? Please, Hazel. Don't leave me."

Yumuko lang sya.

"Look, I'm sorry kung hindi na kita nabibigyan ng time. Hazel kaunti na lang, matatapos na ito. Tapos papakasalan na kita. Di ba yun yung pangarap natin sa isa't isa? Sabay nating tutuparin yun diba?"

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon