Chapter 22

132 8 0
                                    

Chapter 22

Dearest Hazel

Matapos ang isang linggo ay nakalabas na ako ng ospital. May cast ang aking braso, tas may nakabalot sa aking noo. Sabi ng doctor ay okay na ako, nakarecover na daw ako sa physical injury. Pero kailangan pa naming makipagmeet sa isang psychologist para magpacheck up gawa ng trauma.

Three days after my recovery ay pumunta kami sa isang psychologist. Sabi lang nung doctor ay kailangan ko daw magrelax, tapos wag masyadong isipin yung bagay na nakakapagstress sa akin. Baka daw kasi ma-loose ko ang sarili ko at tuluyan akong mabaliw.

Pero pakiramdam ko talaga mababaliw na ako lalo na ngayo't hindi pa nakikita miski katawan ni Hazel. Mag-iisang buwan na syang nawawala. Hindi ko pinapatigil ang paghahanap sa kanya dahil alam kong makikita pa sya. Imposibleng hindi.

Hindi ko matuunan ng pansin ang anak kong si baby Ken na ngayon ay nangiti ngiti na tas nagapang gapang. Sa tuwing nakikita ko sya, naiiyak ako. Hindi pwedeng lumaki sya na walang ina. Hindi pwede yun.

Iniimbestigahan pa rin ng mga pulis ang trahedyang nangyari sa amin 2 months ago. Lumabas nga na ang sasakyan ni Mark ang bumangga sa aming sasakyan. At may nadiskubre ang mga detectives nang panoorin nila ang black tape ng sasakyan.

Nagkaroon ako ng chance na panoorin ito. Ang unang scene ay nasa driver's seat si Mark at nakapatong ang ulo nya sa manibela. Parang frustrated sya sa isang bagay, pero wala syang inimik. Ang sumunod ay habang nagdadrive naman sya. Hindi namin malaman sa video kung saan sya patungo, pero dahil araw ito nung bago kami maaksidente, papunta syang bagiuo dito.

Naglikdang na yung tape at naging gabi na, 10:15PM. Parang natatakot sya nung pumasok sya sa kotse nya. Tapos may nilabas syang papel na kinuha nya sa compartment sa passenger's seat at nagsulat sya. Naglikdang ulit ang video, sobrang dilim na pero kita pa rin namin ang bilis ng kanyang paghinga na para bang kinakabahan sya, pati na rin ang pagsara ng kanyang mga mata na para bang nananalangin sya. Maya-maya pa'y humarurot na ang sasakyan at bumangga ito sa sasakyang nasa harap nya, which is yung sasakyan namin.

Nakakalito lang ang kanyang mga actions sa gabing iyon. Parang may pinagsisisihan sya, parang may gusto syang gawin pero nawalan sya ng choice. One thing's certain, he doesn't want to hit us. Pero bakit nya ginawa?

A week after namin mapanood ang video ay napasakamay ko na ang sulat na sinulat ni Mark. Medyo basa na sya at madumi kaya hindi masyadong mabasa yung ibang words. Doon ko nalamang... binalak nya ito.

I'm sorry. I think this is the best way. This is a suicidal mission, but this is the easiest way to tell how sorry I am. Because I still can't accept it. But right now, all I want for them is to be happy. And if I die, please do something from my body useful to others. Gael, I'm sorry. Hazel, I'm sorry. But I have to---

Hindi na mabasa yung sumunod mga salita dahil sa dumi at basa. Kahit itapat ko ang liwanag, wala akong mabasa. Ano kaya yung kinailangan nyang gawin

"Wala pa rin ba kayong lead?" Tanong ko sa mga detectives.

Umiling sila.

Napabuntong hininga ako. Tatlong linggo na ang lumipas, magtatatlong buwan na ding nawawala si Hazel pero hindi pa rin sya nahahanap.

"Sir baka naman po talaga wala-" hindi na nya tinuloy yung sasabihin nya. Alam nya kasing magagalit ako kapag tinuloy pa nya.

"Kailangan nyong ipagpatuloy ang paghahanap. Hindi kayo binabayaran para magreklamo at magconclude ng mga bagay na hindi naman dapat." Sabi ko.

Umuwi ako sa penthouse. Wala akong kasama ngayon, si Ken ay nasa mansion. As soon as possible, hindi muna sya pinapalapit sa akin. Hindi ko pa rin sya matuunan ng pansin dahil busy ako sa kakahanap kay Hazel. Hindi pwedeng basta basta na lang akong sumuko. Mahahanap pa namin sya.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon