Chapter 3

432 6 4
                                    

Chapter 3

Uneasy

"So you're back." umupo sya sa swivel chair nya dito sa president's office nya. "Have a seat," anyaya nya sakin.

"Ano bang kailangan mo?" naiirita kong tanong.

Umayos sya ng upo, "Dad wants you back." saad nya.

Ngumisi ako, "prank mo ba ito?"

"Bakit naman ako magpaprank?" tanong nya. "Gusto ka nyang makasama." dagdag nya.

"Is he sane now?" tanong ko.

"Hindi ka nga pala informed. Nagparehab na sya, a month a go pa."

Good for him but, "ayaw kong bumalik." saad ko.

"Gael..."

"Jiro, wag ka nang magpanggap na gusto mo din akong bumalik sa bahay. Sigurado naman akong ginagawa mo yan dahil takot kang mawala jan sa inuupuan mo." mariin kong sambit,

"Hanggang ngayon pala hindi ka pa rin marunong rumespeto. Kapatid mo ako, Gael. Kapatid." pagpapaalala nya, alam kong napupuno na rin sya.

"Wala akong pakelam. Respeto?" ngumisi ako, "kung hinihingi mo sakin yan, wala kang mapipiga sakin." pumihit na ako at naglakad papunta sa pintuan ng office nya.

"May sakit si dad, and he felt bad nung nalaman nya ang suicidal attempt mo."

Napatigil ako sa inuntag nya.

"Na-realize nya kung gaano sya nagkulang sayo at gusto nyang mapunan yun kahit sa sandaling panahon lang,"

"Mas okay sakin ang pagiging malayo sa inyo." untag ko kahit hindi ako pumihit upang tumingin sa kanya. "Baka kapag andun ako, lalong mapaaga ang pagkamatay ko." pumihit na ako at ngumisi sa kanya. Ngunit ba ako umalis ay sinabi kong, "ayokong sumaya ka. Blacksheep nga ako diba? Magiging boring ang buhay mo kapag walang bwisit sayo." saka naglakad palabas ng opisina nya.

Saktong paglabas ko ay dumaan sa harap ko si Hazel. Hindi ko alam kung saan sya patungo kaya palihim ko syang sinundan. Hindi ko alam, pakiramdam ko mukha na akong aso na sunod nang sunod sa kanya. Buti na lang at hindi pa nya ako napapansin.

Ngunit bigla syang tumigil sa paglalakad kaya napatigil na rin ako. Bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa kaba. Wrong timig! Saan at paano ako makakapagtago?!

Nanatili syang nakatigil, habang ako naman, naghihintay ng sunod nyang gagawin. Napansin kong bumaling ang ulo nya sa kaliwa at nakita ang replaksyon namin sa isang transparent glass. Shit.

"Anong kailangan mo? Bakit mo ako sinusundan?" nagulantang ako dahil nakaharap na pala sya sakin.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya lalo na ngayon dahil kaharap ko na sya at kitang kita ko ang mukha nya. Nakatingin pa sya sa mga mata ko, hindi ko alam kung anong epekto meron ang tingin nyang iyon na nakapanghihina sa aking mga tuhod. T*ngina bakit ang bading ko?

Act cool, Gael. Act cool. "Ako? Sinusundan ka? Ayos rin ito ah." napangisi ako. "Miss, hindi kita sinusundan. Dito rin kasi ang daan sa pupuntahan ko." paliwanag ko.

Nabuhayan ang kanyang mga mata. Yung mga mata nyang nagdududa ay napaltan ng masayang mata. "So member ka rin sa charity namin?" naiimagine ko yung mata nya sa mga anime na napapanood ko, yung biglang nagiging star yung mata tas parang naliit yung boses.

Ano daw? "Charity?"

"Oo! Dito kasi yung room namin eh," tinuro nya yung pintuan sa kaliwa nya. Nakita ko yung nakapaskil na bond paper sa pinto na ang nakasulat ay Shiratori Charity Club.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon