Chapter 11

245 8 0
                                    

Chapter 11

 Being there

 

"Congratulations sa success ng ating fund raising!" sigaw ko sa room ng charity club, pumalakpak naman ang ibang members.

"So far, ang ating earnings ay umabot ng 50,365 pesos, BUT! Hindi pa yan final dahil nagbibilangan pa. Maaaring mas lumaki pa ang nakita natin sa ating fund raising!" sigaw din ni Mark na katabi kong nakatayo sa unahan. Nagpalakpakang muli ang mga ka-miyembro namin.

Nagkaroon kami ng kaunting salu-salo, three days matapos ang fund raising. Masasabi kong madami talagang kinita ang fund raising namin at malaki ang maitutulong namin sa orphanage. Ganito pala yung pakiramdam, ano? Ang saya na may na-accomplish kang isang bagay na ikaw yung nagpakahirap, nagsikap, nagpatuloy at nagtapos.

Hindi ko nakita si Hazel after nung pagyapos nya sakin nung gabing yun, nang mayapos nya ako, tumakbo na rin sya paalis at pagkatapos nun, hindi ko na sya nakita ulit, hanggang ngayon. Hindi ko pa rin makalimutan yung pagyapos nya sakin nung gabing yun. Ang init ng yapos nya, ang higpit, parang syang batang naiwan ng magulang sa peryahan at nang makita na yung magulang nya, sobrang yapos nya.

Tinext ko naman sya tungkol dito sa salu-salong ito, pero wala naman akong natanggap na reply. Hindi ko alam kung nabasa nya o hindi nya hawak yung cellphone nya. Tinignan ko din naman sa yahoo kung online sya, palagi lang syang idle. Nagba-buzz ako sa kanya nang ilang beses pero hindi sya nagrereply. Baka wala sya ngayon sa bahay nya.

Sina Ayessa naman, humingi na ng paumanhin sakin matapos ang successful na fund raising. Madali naman ako magpatawad, hindi ako mahirap kausap pagdating sa ganan kasi tao lang din ako, nagkakamali, humihingi din ng tawad. Kaya naman sama-sama kaming nagpaplano para sa donations sa Gift of God orphanage.

At dahil din sa success na nagawa ko, sobrang naging proud si daddy sakin. Kaya naman mamaya ay didiretso ako sa mansion para bisitahin sila after 4 years na hindi pag-uwi sa bahay. Si Jiro naman, sobrang inis. Hindi ko lang alam, baka sya yung may pakana sa insidente nung fund raising. Pero hindi ko na iyon uungkatin pa kasi tapos na, at matagumpay naman.

Natapos na ang party, habang naglalakad ako palabas ng school ay hinabol ako ni Mark at sumabay sa akin sa paglalakad. Nagkakwentuhan kami sa mga bagay bagay na nangyari, humingi din sya ng paumanhin sa insidente nung fund raising. Sinabi kong okay lang, kasi nasolusyunan naman. Hanggang sa umabot ang usapan kay...

"Nakita mo ba si Hazel?" tanong nya nang makalabas kami ng school.

"Hindi,"

"Dude," nag-iba yung tono ng boses nya, tipong gusto ng seryosohan. "Gusto mo ba sya?"

"Ilang beses mo na yang tinatanong," natatawa kong sambit.

"Ilang beses ko na kasing nakikita yung kakaibang closeness nyo."

Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa aking bulsa, "alam mo, mabait si Hazel, masayahin, tsaka maganda," tumingin ako sa itaas, iniisip ang tamang sasabihin, "imposible ngang hindi ako magkagusto sa kanya."

Napatingin si Mark sa akin.

Tumingin din ako sa kanya, "Chill bro! patapusin mo muna ako sa pagsasalita ko, okay?"

Tumingin na ulit kami sa daan at naglakad,

"Oo, imposible hindi ako magkagusto sa kanya... pero pre, kilala mo ako. Kapag alam kong hindi para sakin yung babae, lalayuan ko. kaibigan ko lang talaga si Hazel, maniwala ka." I lied.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon