Chapter 34

97 9 2
                                    

Chapter 34

The truth

I guess all of you are wondering, kung sino ang nasa likod ng lahat, kung sino ang gustong pumatay kay Gael, kung sino ang tutol sa kasal ni Gael. Wag kayong mag-alala, ang taong nagsasalita ngayon, ang taong nakapaloob sa isang chapter na ito... ako na ang matagal nyong hinahanap.

Hindi nyo ako masisisi, gusto kong maging pantay. Hindi pwedeng kay Gael lang lahat. Dahil may isa pa. Naghirap din sya, nagsakripisyo kaya di pwedeng kay Gael lang lahat.

Hindi nyo ako masisisi. Isa lang din akong ina. Kahit hindi ko totoong anak si Jiro, minahal at inaruga ko sya na parang isang totoong anak. Kung tutuusin, mas iniyakan nya ako nung maghiwalay kami ni Akihiro kaysa Gael. Kaya naman hindi ko hahayaang mabuhay sa kawalan si Jiro, kailangan kong gumawa ng paraan. At ang burahin sa mundo si Gael ay kailangan ko.

Call me delusional, pero mas minahal ko si Jiro kaysa kay Gael. Nung mga panahong hiwalay ako kay Akihiro, si Jiro lang ang nabalik sakin para kamustahin ako, sya pa yung handang maglaan ng oras sakin kaysa sa totoong anak ko.

Kaya naman nung makabalik ako sa mansion, natuwa ako dahil wala si Gael. Dahil tinuring na rin nya naman akong bula sa kanyang buhay, ganun na din ako sa kanya. Pinagtuunan ko ng pansin si Jiro, at inalagaan pa sya kahit na hindi ko tunay na anak.

Nagagalit ako lalo na kapag kinakampihan ni Akihiro si Gael. Pabor na pabor sya sa kanyang anak na inutil. Nanggagalaiti ako sa galit kapag si Jiro ang nalabas na masama, na kontrabida, well in fact, hindi naman talaga. Si Jiro ang naghirap, si Jiro ang nagsakripisyo, habang si Gael, walang ibang ginawa, nakuha pang maglayas.

Isa pang ikinagagalit ko kay Gael ay alam nya na may asawa pa ako. Oo, buhay pa ang asawa ko. Maliban kay Akihiro, ikinasal pa ako sa iba nung naghiwalay kami. Ang totoo nyan, hindi ko minahal si Akihiro. Sino bang mamahalin ang isang drug addict? Pinagsamantalahan nya ako kaya nagbunga si Gael, isa pang rason para kamuhian kong lubos si Gael. Sya ang bunga ng pansasamantala sa akin ni Akihiro.

Everytime na makikita ko si Gael, naaalala ko ang mapait kong karanasan noon bilang isang sekretarya kay Akihiro. Ang pagkaundlot ng pagmamahalan namin ni Harold, ang totoong mahal ko. Naguho lahat ng pangarap ko kay Harold simula nang mangyari ang pananamantala bi Akihiro... simula nung dumating si Gael.

Kaya wag na kayong magtaka kung bakit ako isang battered wife. Dahil hindi ako minahal ni Akihiro. Ang gusto lang nya'y magkaanak sa akin para may magmana ng kanyang kayamanan. Ganun din naman ang kahahantungan ko, pupulutin lang din ako sa basurahan kapag nakuha na ni Gael ang mana.

At hindi ako papayag.

Kaya kahit labag sa aking damdami'y bumalik ako sa mansion para kuhanin ang akin. Kinuha kong muli ang loob ni Akihiro na ngayo'y nakikipaglaban sa kanyang buhay. Kinuha kong muli ang loob ni Gael. Nasusuka ako sa tuwing nakikita ko sya, naiinis ako. Si Jiro lang ang nakakaalam ng aking sentimyento sa mansyong ito. Sya lang ang nakakaintindi.

Kapag nakuha ko ang yaman, magiging mayaman ako, kaya kong itaguyod ang pamilyang nabuo ko kasama si Harold. Kaya kong ampuning tuluyan si Jiro at angkinin bilang anak.

Ganti na rin ito sa pagmamalupit sa akin ni Akihiro. Hindi ko deserve ang ganitong buhay, at lalong hindi deserve ni Akihiro ang mabuhay pa. Pero inuunti unti ko sya. Gusto kong maghirap sya katulad ng pagpapahirap na ginagawa nya sakin noon. Lalo na ngayo't mahina sya at walang lakas, nagagawa ko lahat ng gusto kong gawin sa kanya.

Katulad kapag nagpapakuha sya tubig, hindi ko sya binibigyan, hinahayaan ko syang mauhaw. Kapag naman naiihi sya, hindi ko sya tinatayo, hinahayaan ko syang maihi sa kanyang kama. Kapag nagugutom sya, pinapakain ko ang mga tira tirang pagkain. Ngunit hindi sya nagsasalita kay Gael, dahil palagi ko sya pinapaalalahanang:

"Subukan mong magsumbong sa anak mong inutil, at papatayin ko sya at ang apo mo kasama si Hazel."

Labas si Jiro sa mga ginagawa ko dahil sya mismo, gusto nang makilagayos kay Akihiro nang tuluyan, pati na rin kay Gael. Pinipigilan ko sya sa kanyang ginagawa pero buo na ang kanyang loob upang makipagayos. Kaya tigilan nyo ang pamimintang sa kanya.

Alam ni Jiro ang planong pagpatay sa magkasintahan, pinipigilan nya ako pero hindi ako nagpatinag. Para rin naman ito sa kanya. Ang masaklap pa, hindi parehas namatay ang pakay ko. Nawala man si Hazel, buhay naman si Gael. Gustong gusto kong kitilan na ng buhay noon si Gael sa ICU, pero naisip kong mas magandang panoorin syang nagdudusa lalo na't wala si Hazel.

Ako ang nagpatago kay Hazel. Binigay ko sya sa hacienderong si Paul Marasigan na may-ari ng Hacienda de Marasigan. Nalaman kong nagkaroon ng amnesia si Hazel kaya naman sinabi ko ang dapat gawin ni Paul, ang pakasalan si Hazel. Tutal, gusto nya rin namang may magawa sa namatay nyang kaibigan, si Mark.

Isa pa yang Mark na yan. Kung di nya ako naparinggang nakikipagusap kay Jiro sa phone noong weeks bago mangyari ang aksidente, hindi dapat sya humantong sa ganito. Kaya naman tinapon ko ang sim card ko kung saan naganap yung aksidente, na iyon naman ang naging pruweba ng mga pulis laban kay Jiro.

Kay Jiro.

Bakit ba palaging si Jiro? Napakabait na bata ni Jiro, hindi nya ito deserve.

Hindi ako papayag na maagaw lahat ni Gael. Iisa isahin ko sila hanggang sa maubos sila.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon