Part 2 Chapter 21

132 8 0
                                    

Part 2

The Present

Chapter 21

Tragedy

Kitang kita ko ang mga ngiti ni Hazel habang naglalakad sya palapit sa akin. Napakaganda nya sa puting gown nya. Sya na ang pinakamagandang bride na nakita ko.

Puti lang ang paligid, tanging kami lang ni Hazel ang nakikita ko. Dahan dahan syang naglalakad sa akin. Mag-iisa na kami, hindi na ako makapaghintay.

Sya na yung babaeng nagpapatibok ng puso ko, sya na yung babaeng papakasalan ko. At heto na nga, kinakasal na sya sa akin. Sa dinami ng aming pinagdaanan, heto na kami, magiging isa na.

Ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad nya'y bigla syang tumigil. Nagtaka ako, bakit sya tumigil? Nakatitig lang sya sa akin, ganoon din ako. Hindi na ata tama ito. Lalapitan ko sana sya, inihakbang ko na ang isang paa ko nang biglang binigyan nya ako ng tingin... tingin ng pagkalito.

She tilts her head to one side, tila ba nalilito sya kung anong ginagawa nya dito at kung sino ako. Napatigil ako sa ginawa nya.

Hazel, anong problema?

Binitawan nya ang bulalak na hawak nya ang tinalikuran ako. Nagsimula na syang maglakad. A-ano ito? Bakit nya ako tinalikuran?

Tumakbo ako palapit sa kanya at hinawakan sya sa braso nya. Napalingon sya sa ginawa ko. Binigyan nya ako ng tingin na nagtatanong ng pagkatao ko. Parang hinawakan sya ng isang estranghero. Parang estranghero ako sa mga mata nya ngayon.

"Hazel,"

"Si-sino ka?" Ramdam ko ang takot nya sa tono ng kanyang boses.

Nalito ako. Bakit... paano...

"Bitiwan mo ako!" Pilit nyang tinatanggal ang kamay ko sa kanyang braso.

"Hazel, ano bang nangyayari sayo?"

"Bakit ba? Sino ka ba para hawak-hawakan ako?! Tsaka bakit... paano mo nalaman ang pangalan ko?!"

"Hazel, ikakasal tayo! Bakit ka ba nagkakaganyan, ha?" Lalong humigpit ang hawak ko sa kanyang braso. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito si Hazel.

"Pare, sinabi na nung babae, bitiwan mo sya." May humawak sa aking braso, isang kamay ng lalaki. Napatingin ako, pero malabo ang mukha neto, hindi ko mamukhaan.

"Sino ka?" Tanong ko. Tuluyan nang natanggal ni Hazel ang pagkakahawak ako at nagtago sa likod ng lalaki.

"Her fiancè."

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko sa narinig ko. Anong fiancè? Ako ang mapapangasawa ni Hazel! Sino ba ang lalaking ito?!

Hindi na ako nakapagprotesta nang tinalikuran nila akong dalwa at magkahawak kamay naglakad palayo sa akin. Pinilit kong tumakbo, pero parang hindi ako nakakaalis sa aking kinakatayuan. Unti unti silang kinain ng puting ilaw.

"Hazel! Hazel lumingon ka!" Pero hindi sya lumingon. Ginawa ko ang lahat para mahabol sila pero hindi ko magawa. Tagaktak na ako sa pawis, lalo pang nabilis ang ribok ng puso ko.

"Hazel! Hazel wag mo akong iwan! Hazel!"

"Gael... Gael..." nakaramdam ako ng mahinang pag-uga sa akin. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nakahinga ako nang maluwag nang malamang panaginip lang ang lahat.

"Great goodness! You're awake! Call the doctor." Utos ni dad kay mom.

Doon ko lang narealize na may nakapasak sa aking bibig, at ang pumapaligid na amoy ng ospital. Nakaramdam ako ng parang nakabalot sa aking noo at naparinggan ang aparato na kung hindi ako nagkakamali ay sumusuporta sa aking buhay.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon