Chapter 12

246 12 0
                                    

Chapter 12

Crime

RATED SPG: Sa words.

Ilang araw tumakbo sa isip ko ang chat namin ni Hazel nung gabing iyon. December na ngayon kaya naman pinaghahandaan na namin, December 19 na ngayon at sa 21 namin gagawin yung donation sa Gift of God Orphanage. Napagplanuhan naming magpagawa ng tree house sa likod ng orphanage. Malapit nang magawa ang tree house. Pintura na lang ang kulang, at iyon ang rason kung bakit pupunta ang club ngayon sa orphanage para tapusin ang pintura at yung ibang designs.

10 am ang usapan na kitaan sa school. 10:14 am lahat nakapunta at saka kami nakaalis, sakay ang school coaster bus. Sakto lang naman kami dito.

"Gael tabi na tayo," napatingin ako kay Hazel na nasa likod ko.

"Huh?" Nakita ko si Mark na nakatingin sa amin mula sa likod ni Hazel.

"Tabi na tayo," pag-uulit nya.

"Ah, kasi-" bago pa ako makasalita ay nagsalita ulit si Hazel.

"Pasok ka na dali! Tumigil ang linya oh!" Tinulak nya ako papasok ng coaster at sumunod naman sya sa likod ko. Umupo ako sa ika-tatlong seat sa may bintana, tumabi naman sakin si Hazel. Habang si Mark naman ay nakatapat ni Hazel sa kabilang side.

"Wow! Excited na akong makita yung pinaghirapan natin!" Sabik na sambit ni Hazel. "Diba, Gael?"

"Ha? Ah, oo,"

"Okay ka lang ba?" Tanong nya.

Tumango ako at ngumiti. Kung napapansin nyo, sinusubukan kong lumayo sa kanya. Ginagawa ko ang lahat para lumayo sa kanya para walang masira. Pero sya palagi yung nalapit, hindi ko alam kung bakit. Palagi syang nangiti sa harap ko, alam ko kung gaano kaganda yung ngiting yun pero pinipigilan ko ang sarili kong malunod sa ngiti nya, kasi bawat ngiti nya, lalo akong naiin love sa kanya.

Hangga't maaari, hindi ko rin inoopen yung chat namin nung isang buwan. Kahit na hindi ko pa matanggal sa isip ko yung chat na yun, pinili ko na lang na manahimik sa harap ni Hazel at magpanggap na wala lang yun. Gusto kong malaman yung nasa likod ng message nya sakin, pero parang ayoko din. Baka... ano... ewan.

Malamig ang simoy ng hanging ngayon dahil magpapasko na, hindi rin masyadong maaraw, katamtaman lang.

"Ang lamig," parinig kong sambit ni Hazel habang nakahalukipkip sya.

Napatingin ako sa kanya.

"Yung aircon kasi," sabi nya sakin.

Tinanggal ko pagkakatapat ng aircon sa kanya at binigay yung jacket ko sa kanya.

"Suot mo muna,"

"Ha? Wag na, ano ka ba? Okay lang. Ikaw pa malamigan. Tsaka may sweater akong suot."

"Manipis yang sweater mo, suotin mo na ito," I insist.

Dahan dahan syang tumango at sinuot ang jacket ko. Pero kahit na anong pilit kong lumayo sa kanya at pigilan yung nararamdaman ko, hindi ko magawa. Hindi ko maiwasang alagaan sya. Ang saya kasi sa pakiramdam. She looks so fragile. Ramdam ko ang pagtitig ko kay Hazel habang nanonood sya ng movie sa tv sa coaster. Hindi ko na inisip kung ano ang iisipin ni Mark.

Tama ba itong ginagawa ko? Tama bang pigilan ko ito? Tanong ko sa sarili ko. Kung tama, bakit ako nahihirapan? Bakit parang may kumikirot sa dibdib ko? Bakit pakiramdam ko kailangan kong ipaglaban si Hazel?

Napatingin si Hazel sa kamay ko.

"Woah, ang hahaba naman ng daliri mo," manghang mangha naman ang isang bata.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon