Chapter 2

458 7 0
                                    

Chapter 2

The Bad Guy is Back

A week later...

Kusang tumatabi sa daan ang mga estudyante haban tinatahak ko ang aking daan sa hallway. Yung iba, napaparinggan kong nag-iiritan sa kilig, yung iba namna, takot na nakatitig sa sakin.

"Sya si Gael diba?" naparinggan kong kwentuhan nung mga babae.

"Yup! Hiro Gael Shiratori." sagot naman nung isa.

"Ang gwapo shet! Sure ka bang sya yun?" paninigurado nung isa.

"Oo! Paano ba hindi kakalat yun, suicide attempt yun, friend! Tas may kasama pa syang babae! OMG!" sagot nung isa pa.

So, kumalat pala? So my dad's been watching me. Kainis. By the way, ako yung pinag-uusapan nila, ako si Hiro Gael Shiratori. 20 years young, turning 21 this year. 4th year accountancy graduating student. Hindi ko nabanggit, pamilya ko ang may-ari ng school na pinapaskan ko, Shiratory University. Unbelievable right? Wala na si dad sa pwesto bilang president dahil adik na sya, pero ang alam ng buong school board ay may sakit syang malala kaya kailangan nyang ipasa ang pwesto kay Jiro, panganay kong kapatid na hindi ko kasundo.

Walang nakakaala sa tunay na baho ng pamilya ko. Basta ang alam ng lahat, ako ang black sheep sa pamilya, habang si Jiro naman ang tupa (daw). Simula nang mabuwag ang pamilya namin, umalis na ako sa puder ng Shiratori at naging independent. Wala rin namang pakelam sina dad at Jiro. Hindi ko naman matatakbuhan si mommy dahil may sarili na iyong pamilya at imposibleng tanggapin ako sa kanilang pamilya.

"Gael! That's my man!" sinalubong ako ni Yuki at tinapik ang aking balikat nang magtagpo kami.

"Buti naman, naisipan mo pang pumasok!" sambit ni Mark.

"Of course. Matatapos na rin naman, bakit hindi ko pa tapusin, diba?" ngumisi ako.

"Yown!" sigawan nila.

Hindi kami sikat, sadyang nakakaagaw lang ng pansin ang kagwapuhan namin. Kahapon magkakasama lang kaming pito pero kung makaasta kami, parang ang tagal na naming hindi nagkikita. Oo, pito talaga kami. Kami nina Mark at Yukiay nasa CBA, habang sina Alex at Blake, Ra at ac ay naghihirap sa engineering, pareparehas pang Civil engineer. Alex, Blake, Mark, Yuki, Ra and Zac, sila yung mga kaibigan ko na hinding hindi ako iniwan. You mess one from us, you deal with each of us.

"Alam mo bang kalat na sa buong school ang suicidal attempt mo last week?" panimula ni Ra nang makaupo kami sa aming seat sa room.

"Kulang na lang, i-Manila Bulletin yun eh." segunda ni Mark.

"Ayaw ba nila yun? Kapag natuluyan talaga ako, mawawalan ng klase ang buong Shiratori University." maangas kong sinambit.

"Ulol ka talaga." kumento ni Mark.

"Pero buti nalang at hindi natuloy. Kilala kita, Gael. Kapag nagdesisyon, final na. Pero anong nangyari at hindi mo naituloy?" tanong ni Yuki

Ngumisi ako, "Naisip ko kasi na madaming manghihinayang."

"Lalo ka lang yumabang eh." saad ni Yuki.

"Bading ka talaga." tumawa sila ni Mark.

Ngumiti na lang ako. Ayoko naman kasi amining dahil sa babae. Lalabas pa na babae lang pala ang katapat ko. Oo, mapride akong tao. Pero matapos nung nangyari sa aking noong nakaraang linggo, ilang ulit kong sinisi ang sarili ko dahil hindi ko man lang nalaman ang pangalan ng babaeng iyon.

Yep, I still have her bag pero hindi ko ito ginagalaw. Wala naman akong balak na galawin yun eh. Pero hanggang ngayon talaga ay isang malaking palaisipan sa akin ang pangalan ng babaeng iyon. Tanging mukha lang nya ang nasilayan ko. Maputi, mapungay na mata, magandang ilong, medyo pinkish na labi at ang kanyang buhok na lumalagpas lang ng kaunti sa kanyang balikat. Matangkad at payat sya. Malambing at puno ng positive vibes ang kanyang boses. Iyon lamang ang natatandaan kong iilang detalye sa kanyang pagkatao. Alam ko nga ang mukha nya pero ang pangalan nya, hindi.

Hindi ko sya magawang kalimutan dahil sa unang pagkakataon, may taong nagbigay ng rason upang mabuhay pa ng mahaba. Pinakita nya sakin kung ano ang halaga ng buhay at kung ano pa ang maaaring mangyari sa akin. Kaya naman hanggang ngayon, naasa pa rin akong makikita ko sya. Hindi man lang kasi ako nakapagpasalamat sa kanya nung gabing iyon. Hindi nya alam kung gaano nya nabuhay ang kaluluwa kong mamamatay na.

Matapos ang unang klase ay vacant kami dahil walang prof. Dumeretso ako sa labas ng school upang makabili ng yosi. Nang mabayaran ko na ang isang stick at sinindihan ito ay nakakita ako ng isang pamilyar na tao.

Mahaba ang buhok, katamtaman ang puti, simple manamit, kahit medyo malayo sya sakin, ay mukhang pamilyar sya. Dala nya yung sling bag nya na brown, kaparehas sa nanakaw ko sa kanya nung gabing iyon.

Tumawid agad ako sa kabilang kalsada upang malapitan ko sya. Naglalakad ako sa likod nya ngayon, wala sya kaalam alam na nasa likod nya ako. Hindi ko alam kung anong gagawin nya pero mukhang lalapit sya doon sa matandang nakaupo sa may seven eleven.

Kitang kita ko kung paano nya binigay ang suot ng Mcdo sa matanda. Inihayin pa nya ito sa kanya. Bakas na bakas ang kasiyahan ng matanda sa ginawang kabutihan ng babaeng ito. Binigyan pa nya ng pera yung matanda, hindi lang ako sigurado kung magkano.

"Pagpalain ka ineng." sambit ng matanda sa babaeng tumulong sa kanya.

"Hazel na lang po."

Hazel? Napakagandang pangalan. Bagay na bagay sa isang katulad nya, isang anghel. Pero teka, bakit parang naparinggan ko na ang pangalang iyon?

"Salamat Hazel. Pagpalain ka nawa ng Diyos."

"Wala po iyon lola. Kain na po kayo. Aalis po muna ako ha? May klase pa po kasi ako eh." paalam ni Hazel.

"Sige, ingat ka Hazel."

Tumayo si Hazel at pumihit upang tahakin ang daan papunta sa school. Nakangiti syang umalis sa matandahang iyon. Kahit hindi nya ako napansin, masaya pa rin ako.

Hilig nya siguro ang pagtulong sa kapwa. Kita ko sa mukha nyang masaya sya sa ginawa nya. Napangiti ako nang hindi ko alam, basta napangiti lang ako sa bagay na natutunan ko sa kanya. How could an evil find an angel? Andito lang pala ang anghel na hinahanap ko.

Masaya akong pumasok sa school. Ewan ko ba kung bakit bigla akong na-energized nang malamang dito din sya sa Shiratori nag-aaral. Masyado na nga yata akong nawalan ng pake sa mundo at hindi ko man lang nalaman may anghel na ipagkakaloob sa akin.

Paano ko kaya ulit sya mahahanap?

Ano kaya ang course nya?

Hazel? Bakit parang pamilyar sakin yun? Parang naparinggan ko na somewhere?

Sa sobrang saya ko, hindi ko na namalayang may taong nakaharang sakin. Buti nalang hindi ko sya nabangga.

Ngunit nawala ang ngiti ko nang makita ko kung sino ang taong ito...

"Gael." bati ni Jiro sa akin.

"Anong kailangan mo?"

___________________________

Gael on the media

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon