Chapter 35

127 9 1
                                    

Chapter 35



Run away




Habang palapit na nang palapit ang kasal ni Hazel, lalo akong nalulungkot at nasasaktan. Hindi ko pa rin matanggal sa aking isipan yung sinabi nya nung gabing iyon. Bakit nya ako pinapaalis? Bakit sinabi nya na hindi na ako ligtas dito? Hindi na ako magpapatalo dahil ipaglalaban ko sya hanggang sa abot ng aking makakaya.



Dalawang linggo pa muli ang hihintayin bago ang mismong kasal nila. Habang pinapanood ko sila mula sa malayo, heto ako, hawak ang ballpen at kapiraso ng papel. Sinusulatan ko sya. Yung mga bagay na hindi ko masabi, magawa, sinusulat ko. Hindi naman mapigilan ng aking luha sa pagpatak. Bahagya ko na matapos ang isang sulat dahil sa luhang namumuo sa aking mga mata.



Dearest Hazel,


Hi. Ako nga pala si Gael, ang taong nagmahal, nagmamahal at minahal ka ng buong puso. Siguro kahit lito ka pa rin hanggang ngayon, gusto kong sabihin sayo sa pinakamadaling paraan ang pagmamahal ko sayo. Pero hindi kakayanin ng isang papel ang "pinakamadaling paraan" para ipaliwanag sayo. Pero dahil mahal kita, hindi lang isa ang isusulat ko sayo. Susulatan kita araw araw. At ngayon ang simula.


Lunes na. Kakatapos lang nung before party mo nung biyernes ng gabi. Sana nagawa ko nang umalis dito, pero hindi ko magawang iwan ka. Ito ngang nakakasama at nakikita kita, nasasaktan ako. Ano pa kaya kapag lumayo na ako sayo, diba? 


Mahal na mahal kita, Hazel. Hihintayin kita, ipaglalaban kita hanggang wakas. Kahit buhay ko pa ang kapalit. 


Sincerely,

Gael



Marahan ko itong tinupi at napaub-ob na lang ako sa lamesa. Naramdaman ko ang mainit na likidong naglalakbay pababa sa aking pisngi. Yung pakiramdam na dahan dahan na nga yung pagpatak nung luha mo, tapos nararamdaman mo din yung dahan dahang sakit ng reyalidad na tinutusok ako sa dibdib. Double kill. Mas masakit pa atang maranasan ang ganito kaysa mamatay eh. At least kapag namatay na ako, isang bagsakan na lang ang sakit, pagkatapos nun, wala na. Himlay na ang pahinga ko. Hindi yung ganitong parang na-crucio curse ako, tinotorture ako hanggang sa kaloob-looban ko. 



Dumaang ang martes, miyerkules, huwebes, biyernes at sabado, patuloy pa rin ako sa pagsusulat. Sinulat ko ang mga damdamin ko na parang sinasabi ko ang lahat kay Hazel, na parang kinakausap ko sya. Umiyak ako nang ilang beses, nasaktan ulit ako nang ilang beses. Sinabi ko sa sulat kung gaano kasakit ang makita syang masaya kay Paul. Kung gaano ako nakakaramdam ng pagkawala ng kwenta dahil wala man lang akong magawa. Pilit akong nalapit sa kanya, pero hindi ko magawa, dahil nandyan si Paul.



Akala ko'y hindi na magbabago ang takbo ng aking mga sulat, pero nagbago ang lahat nang sumapit ang Miyerkules. Pataas na sana ako sa kwarto nang tawagin ako ni Hazel at sinabing magusap kami sa maze. Sinundan ko sya, sinunod ko ang gusto nya. Nang tumigil sya sa bandang gitna ng maze ay hinarap na nya ako.



"Bakit hindi ka pa naalis?" tanong nya.


"To leave you is the least that I can do. This is where I belong, to you. At gagawin ko ang lahat para makuha kitang muli." 


Napapikit sya na tila ba nafufrustrate sya sa sinabi ko, "Hindi mo naiiintindihan kasi, Gael. Ilang beses ko ba sasabihin sayo na kailangan mo nang umalis dahil hindi ka na ligtas?"


"Mamatay na ako, pero hindi kita iiwan!" napatigil sya sa aking pagsigaw. "Sadya bang hindi mo matandaan pa rin ang lahat? Hazel, dinidiktahan ka man ng utak mo, alam kong ako pa rin ang sinisigaw ng puso mo. Alam kong pagmula nung makita mo ako dito sa hacienda, alam kong naalala ako ng puso mo. Hazel, minahal natin nang sobra ang isa't isa. Tapos papaalisin mo na ako? Hindi, Hazel. Hindi ako aalis." mariin kong sambit.'


"Bakit ba hindi ka na lang sumuko?" tumulo ang butil ng luha galing sa kanyang mga mata.


"Dahil mahal kita. Mahal na mahal kita,"


Umiwas sya nang tingin habang natulo ang kanyang mga luha.


"Naiyak ka, ibigsabihin, nasasaktan ka. Hazel, please. Tandaan mo na ako. Ako ang mahal mo, ikaw ang mahal ko. Ikakasal tayo at magiging isang buong pamilya kasama si Ken. Please."


"Gael," nang masabi nya ang pangalan ko, alam ko... alam kong nakilala nya ang puso ko, ang buong ako. Nakatingin sya sa aking mga mata kahit natulo ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.


Tumango ako, "Oo, Hazel. Ako nga." niyapos ko sya nang sobrang higpit at niyapos nya din ako.


"I'm sorry, Gael. I'm so sorry." iyak nya. 


"Hush now." I pulled off the hug then held her by her shoulders.


"Gael, sinusubukan kong umakto na parang normal lang, na hindi pa rin kita natatandaan. Ang hirap magpanggap na wala akong pakelam sayo. Sorry, hinayaan kitang masaktan. Pero unti unti nang nalalaman ni Paul na nabalik na ang alaala ko. At ayokong mapahamak ka." hinawakan nya ako sa aking pisngi. "Kaya pinapaalis kita kasi nilalayo na kita sa panganib na maaari mong makaharap. Ayokong masaktan ka." iyak nya.


"Mahal mo ako, diba?" tumango sya. "Run away with me."


"Huh?"


"Umalis na tayo dito. Poprotektahan kita. Magsimula tayo nang bago. Hm?"


Ngumiti sya saka tumango, "I'll go wherever you go."



_____________________________________________________

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon