Chapter 27

121 9 0
                                    

Chapter 27



I won't be far





"I'm Paul Marasigan, fiance of Hazel."




Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa sa sinabi ni Paul. Hindi ko tinanggap ang kanyang kamay bilang pagpapakilala. Naiyukom ko ang aking mga kamay, gusto gusto kong sabihin sa kanya na akin si Hazel, na kinuha lang nya ito sa kanya. Halata naman ata ni Paul ang galit na pinipigilan ko pero ngumisi sya. Kaya naman lalo pa nyang hinila si Hazel palapit sa kanya.




"It's nice to have you here," sambit nya.




"Kilala mo sila?" tanong ni Hazel kay Paul.




Tumango si Paul, "Hm, detectives sila."




Halata kong nabigla si Hazel sa inuntag ni Paul, "Huh? Bakit magkakaroon ng detectives dito?"




"May hinahanap sila... na wala naman sa atin."




"Paul," napatingin sya nung tinawag ko sya. Matalim akong nakatingin sa kanya, habang nakangisi naman sya.




"You and I have to talk,"




"Sure,"




—-




"Have a seat, Gael." umupo ako sa harap nya. Nakangisi pa rin sya na parang may alam sya. "Ang sarap ng hangin dito sa balcony, di ba?"




"Saan mo nahanap si Hazel?" direkta kong tanong sa kanya. Ni-hindi ko ginagalaw ang kapeng nasa harap ko ngayon. Gusto ko ng mga sagot, kailangan ko ng mga sagot.




Umismid sya, "Alam kong fiance mo sya Gael... noon."

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon