Chapter 29

111 8 0
                                    

Chapter 29

Comeback

Alas singko ng umaga ay nagising ako. Nung nakaraang linggo pa ako nagigising ng madaling araw, tas nakatayo lang ako sa veranda, pinapanood ang pagtaas ng araw.

It was a usual thing for me, not until today. Nakita ko si Hazel na naiyak sa garden. Ayokong pabayaan lamang sya doon, ayokong panooring syang naiyak don kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Ha-Hazel,"

Napalingon sya sakin at pinunasan ang luha sa kanyang mga pisngi, "Ga-Gael, andyan ka pala," sinubukan nyang ayusin ang boses nya kahit naiyak.

"Okay ka lang? Ang aga mo ata gumising."

Hindi sya sumagot, nanatili syang nakatalikod sa akin pero patuloy din sya sa paghikbi.

"Hazel,"

"What are you?" Nilingon nya ako. "Who are you?" She asked with tears in her eyes.

"Ha-Hazel,"

"Simula nung mapunta kayo dito, palagi na akong ganito. Pakiramdam ko, may kulang sakin. Pakiramdam ko... may nawala sa akin. Ang sakit sa dibdib, Gael. Ang sakit." iyak nya.

"Hazel," hinawakan ko ang braso nya.

"Sino ka ba talaga?"

Napayuko ako. Gusto kong ipaliwanag sa kanya lahat, pero alam kong hindi nya makakaya, lalo na ngayon sa sitwasyon nya.

"Why do I feel like incomplete?"

Hindi ulit ako sumagot.

"Answer me," utos nya.

"Hazel, gusto kong iexplain pero hindi mo maiintindihan."

"Gael, umalis ka na lang, please."

Naramdaman ko ang pagtigil ng aking mundo. Tila natigil ang pagtibok ng aking puso sa kanyang sinabi.

"Mahal ko si Paul. Please lang. Pakiramdam ko, hindi maganda ang maidudulot mo sakin... sa amin. Kaya please lang, Gael. Leave us." Pagmamakaawa nya saka sya umalis.

Naiwan akong nakatayo at walang ekpresyon. Parang nawalan ng function ang utak ko. Hindi ko akalaing masasabi nya sakin ito. Alam kong dapat kong intindihin dahil sa kalagayan nya, pero puta, ang sakit.

Pagsapit ng tanghali ay kinausap ko si detective Sophia.

"I'll get going first,"

"Huh? Bakit?" Nabigla nyang sambit.

"Hindi ako nakakatulong sa pagrecover ni Hazel. Lalo syang nalilito, lalo syang nahihirapan."

"Gael, nasa paligid lang ang culprit. Maaari ka nyang mapatay kaya as soon as possible, wag ka sanang umalis dito."

I faintly smiled, "I won't make a great help to Hazel. She loves Paul. Tuluyan na nga atang nabura ng aksidenteng yun yung mga pangako namin sa isa't isa."

"Gael, look. That's not how you should see it. Ganan talaga. Makakaramdam talaga si Hazel ng ganun kasi yung body instinct nya ay nagrerespond sayo. Kahit na hindi ka nya maalala o yung mga nararamdaman nya, naramdaman nya ang pagkukulang sa kanyang sarili and Gael, that's the first step in Hazel's recovery. You can help her complete those incompleteness in her. That way, she can fully remember you." She cheered me up.

I bitterly smiled, "I'll be back when I catch the culprit."

"You'll be in great danger." She cautioned.

"I can handle myself, don't worry."

Matapos nung paguusap namin, dumeretso ako sa kwarto upang magimpake. Ngunit bago ko tuluyang lisanin ang bahay na ito ay kumuha ako ng papel at ballpen upang magsulat kay Hazel...

Dearest Hazel,

As soon as you are reading this, I know that for in a moment, you remember me. Of all the things I want you to remember is my love for you. I will never change my love for you, kung ano yun noon, ganun pa rin ngayon, mas lumalim lang.

After the incident, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan pa ako dapat tumakbo. But then I found myself walking towards you, it has always been you, Hazel. No one could ever make me feel this but you.

Nasasaktan ako ngayon dahil hindi kita kapiling. Nasasaktan ako ngayon dahil wala akong magawa upang makasama ka. At lalo akong nasasaktan na sa piling ng iba ka masaya. Masakit makita ang mga ngiting dati mong ibinigay sakin, na ngayon ay nasisilayan kong ipinapamahagi mo na rin sa iba dahil sakin mo lang binibigay ang mga ngiting ganyan noon. Masyado nga ata akong madamot. Kahit ngiti mo, pinagdadamot ko.

Kasama kitang nagplano ng ating kinabukasan diba? Hindi ba ang hiling mo pa noon ay magkaroon tayo ng tatlong anak, isang babae at isang lalaki. Tapos nagkasundo tayo nung sinabi kong bunso dapat yung babae. Ikaw ang bumubuo sa aking hinaharap, Hazel. Ikaw lang. Sayo nakasalalay ang aking buhay dahil kasama na ito sa aking paubaya sayo.

Am I at fault? Mali ba na mahalin kita kahit hindi mo ako minamahal? Naasa pa rin kasi ako na maibabalik natin yung dati. Masakit umasa pero hindi ko mapigilan. We were almost there, ikakasal na tayo eh. Everything was ready. Pero bakit biglang naglaho ng parang bula lahat? Unti-unting ginuho ng insidenteng iyon ang pangarap natin sa isa't isa.

Iniintay kita kahit alam kong hindi ka na babalik, iniiyakan kita kahit alam kong suot suot mo ang magaganda mong ngiti, minamahal kita kahit ang sakit sakit. Gusto kong mainis sayo dahil ikaw lang ang nagkaroon ng lakas ng loob na pasayahin ako at saktan din ako at the same time. Pero okay lang, basta ikaw, walang problema.

Maibabalik ko pa rin ba yung dati? Hahayaan mo ba akong ibalik yung nawala sa atin? Hazel kilala mo ako, hindi ako basta bastang sumusuko kapag alam kong may pag-asa pa. Alam kong may pag-asa pa tayo kaya hindi ako sumusuko. Kahit sabihan nila ako ng kung ano ano, wala akong pakelam. Sayo lang umiikot ang mundo ko. Mali, ikaw ang mundo ko, Hazel.

Kung maibabalik ko lang ang panahon mula sa gabing pinagtagpo tayo, gagawin ko. Itatama ko lahat ng pagkakamali ko, pupunan ko lahat ng pagkukulang ko, manatili ka lang sa tabi ko. Gagawin ko kahit lumuhod pa ako sa harap mo ngayon, wag ka lang mawala sa piling ko. Okay lang kahit mahalin mo sya, basta sakin ka uuwi. Kahit iparamdam mo saking hindi mo ako mahal, walang problema sakin dahil mahal kita, okay lang kahit ako yung nagpaparamdam.

Simula palang alam ko nang ikaw na kaya hindi agad kita papakawalan. Pinaghirapan ko ang panliligaw ko sayo, at hindi ko hahayaang mauwi lang iyon sa wala. Walang problema ang kayang makapagpabuwag ng pagmamahal ko sayo.

Manatili kang malusog at sundin mo ang pinapagawa sayo sa mga treatments mo para matandaan mo na ulit ako. Mahal na mahal kita, Hazel. Mahal na mahal kita sa bawat kinse minutos ng buhay mo.

Sincerely,

Gael

Bago ako tuluyang umalis ay nagpaalam ako kay Rose babalik muna akong Manila at si detectivr ang matitira dito upang maipagpatuloy ang protection program kay Hazel.

Hindi na naman ako napigilan ni detective. Mukha naman kasing wala na talaga syang magagawa dahil buo na ang loob ko. At alam kong hindi ito ang huling beses na makikita ko si Hazel.

Katulad nung sinabi ko sa sulat ko, hindi ako susuko. Maging malayo man ako, gagawin ko ang lahat para mahuli ang suspect sa aming aksidente. Babalik ako dito... babalikan ko si Hazel.

Gagawin ko ang lahat para ibalik sa dati ang lahat. Gagawin ko ang nararapat. Gagawin ko ang lahat para maibalik si Hazel sakin.

Iniwan ko ang sulat sa dresser ni Hazel. Kung matandaan na nya ako, gagawin ko ang lahat para makuha ulit sya.

I'll be back, Hazel. I'll come back for you.

__________________

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon