Chapter 9

259 7 0
                                    

Chapter 9

Cucumbers


"Ayan ang gusto mo? Sige, ako ang papalit sa pwesto mo bilang presidente ng club na ito!"

Ilang minuto ang tinagal ng katahimikan na bumalot sa silid. Lahat sila nakatingin sakin, may hindi makapaniwala, may mapanghusga na parang sinasabing hindi ko kaya, at may iba namang walang expression sa mukha, katulad ni Hazel.

"Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo, Gael?" Natatawang tanong Jiro.

"Anong sa tingin mo?"

"Talagang gagawin mo ang lahat para magpaimpress." Hindi makapaniwalang sambit ni Jiro.

"Exactly. Just like how you do anything to steal everything that I have." Napatikom sya sa sinabi ko. "Lastly, hindi ko ito ginagawa para magpaimpress," tumingin ako kay Hazel, "ginagawa ko ito, dahil gusto kong patunayan sayo," bumalik ulit ang tingin ko kay Jiro, "kung sino sa atin ang walang kwenta."

Napasmirk si Jiro, "Who would vote for someone like-"

"I vote for Gael," napatingin ako kay Hazel na nakataas ang kanang kamay.

"Seriously, Hazel? I was rooting for you." Sambit ni Jiro.

Wala akong inimik. Nakatingin lamang ako kay Hazel na diretsong nakatingin kay Jiro. Mukhang seryoso sya sa desisyon nya. Pero bakit hindi man lang sya natingin sa akin? Galit ba sya? May nagawa ba akong mali sa kanya? Come on! Hindi sya nagparamdam for two weeks, ganun din naman ako sa kanya, so bakit sya magagalit? Not unless, may iba pang rason.

"So, sino pa ang boboto kay Gael? Wala na? Si Hazel lang?" tanong ni Jiro sa iba pang members.

"Ako," tinaas ni Mark ang kanyang kanang kamay.

"Of course, you'll vote for him because you're friends." Sambit ni Jiro kay Mark in a "as-a-matter-of-fact" na tono.

"Isa na rin siguro yung magkaibigan kami, kaya ko sya binoboto. At gusto ko rin pong malaman mo, Mr. president, mas kilala ko si Gael, alam ko ang kakayahan nya. Alam ko pong kaya nya po kayong higitan." Sambit ni Mark.

"Well then," Jiro smirked, "we'll see."

"Ako din po bumoboto kay Gael," sabi nung isang member, at nung isa pa, hanggang sa lahat sila ay nagsi-botohan na sa akin.

Napatawa si Jiro, tawang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita, "You guys are absurd. Okay, since napagbotohan na din, pinapasa ko na ang tungkulin ko kay Gael. Malaki ang tiwala nyo sa kanya? Sige, tingnan natin kung hanggang saan yang tiwala nyo." He smirked, "good bye, club." Pumihit na sya at lumabas na ng room.

Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Mark sa aking balikat, "Okay ka lang?"

Tumango lamang ako bilang sagot. Napansin kong matalas pa din ang tingin sa akin ng ibang members.

"Unang una," panimula ni Ayessa, sobrang taas ng kilay nya ngayon kaysa sa itim na frame na kanyang salamin, "hindi porket binoto ka namin, ay nakuha mo na ang tiwala namin. Mali ka."

"Hindi ko naman iniisip yun," sambit ko.

"Pangalawa, wala kang makukuhang tulong mula sa akin o sa kahit kaninong miyembro ng club na ito." Mataray nyang sambit.

"Pwede ba yun? Ako na ang president nyo kaya gagawin at gagawin nyo ang sasabihin ko."

"That doesn't mean na madali kang makakakuha ng tulong samin," umirap pa sya, "pangatlo, wala pa rin kaming tiwala sa pinagsasasabi mo kay sir Jiro, dahil alam naman namin kung sino ang dapat panigan."

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon