Chapter 28

118 8 0
                                    

Chapter 28

Unbearable

Sinabi ko kay detective Sophia na hindi muna ako aalis dito sa Polilio hangga't hindi ko kasama pabalik si Hazel. Sinabi ko din na okay lang kung gusto na nyang umuwi, pero ayaw nya. Kailangan ko daw ng kasama.

"I can't just leave you," napatingin ako sa inuntag nya. "I-I mean, sinimulan na natin, tapusin natin. Sabay nating dadalhin si Hazel sa inyo."

Ngumiti ako, "sige."

Pumunta ako sa kusina upang magluto. Mawawalan na kasi ng kuryente mamaya. Ganito talaga dito sa Polilio, every 8 PM papatayin na ang kuryente sa buong isla para makatipid.

"Nasabi ko na sa headquarters na nahanap na natin si Hazel." Sabi ni detective Sophia.

"Hm,"

"They're coming here tomorrow para kunin si Hazel para sa imbestigasyon."

Napatigil ako at lumingon sa kanya, "no. You can't do that."

"Pero Gael-"

"I'll bring her myself. Gagawin ko ang lahat para makuha ang tiwala ni Hazel. Basta wag mo na silang patuluyin dito." Utos ko.

"Sige," kinuha nya ang phone nya at tinext yung lieutenant.

"Ang tuunan nila ng pansin ay si Jiro. Hindi pa tayo tapos sa kanya. Hindi ki sya hahayaang makalusot dito. Kailangan kong mapiga si Paul para malaman kung sino ang nasa likod nito. Kailangan kong mahanap ang nasa likod ng lahat na ito."

—-

Kinabukasan, pumunta muli kami sa hacienda de Marasigan. Nabigla pa sila nang makita nila kaming basta na lang pumasok sa kanyang mansyon.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Paul.

Pinakita ni detective Sophia ang ID nya bilang isang detective.

"Your fiancè is under our protection program. Despite her inability to recall from the past, she might be a witness in the accident." Paliwanag ni detective.

"Hindi nyo sya magagamit bilang witness hangga't walang approval na magmumula sa akin." Mariing sambit nya.

"We did not ask for your permission," sabi ni detective.

"Kanino?"

"Sa akin," napatingin sila sa hagdan at nakita si Rose na nandoon.

"Ate," hindi makapaniwalang sambit ni Paul. "A-ate why are you doing this?"

Bumaba sya sa hagdan at lumapit sa amin. "Hazel is in danger," sabi nya.

"Ako din," sabi ko naman kaya napatingin si Paul sa akin.

"Ano?"

Tinignan ko sya, "may balak pumatay sa amin, Paul." Tinignan ko sya na

parang pinaparating ko na alam ko ang mga galaw nya.

"Kaya wala kaming choice kundi dito muna mamalagi," sabi ni detective.

"Ano?!" Galit na tanong ni Paul.

"Gusto mo bang isama namin si Hazel?" Napatigil si Paul nang sabihin ko iyon.

"Good then. Saan ang room namin?" Nakangiting tanong ni detective at sinamahan sya ni Rose papunta sa kwarto nya.

Matalim akong tinignan ni Paul, "ganito ka ba ka-desperado?" Ngisi nya.

"Sabihin mo kung sinong nasa likod nito. Sinong nag-utos sayo." Utos ko.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon