Chapter 37

125 6 0
                                    

***AUTHOR'S NOTE: Hi! Commercial muna! hahahaha! Bigyan ko lang kayo ng trivia. haha! Nainspired ako gawin ang Dearest Hazel dahil sa Sensory Couple na kdrama. If you know that drama, you know my struggle. HAHAHA! Kidding! Maganda sya, as in. Yung crime, yung pagka-excute nung crime, yung suspect, sa way ng sensory couple inspired. HAHA! Panoorin nyo, magegets nyo sinasabi ko. hahaha! So ayun! Try kong tapusin na kasi ilang araw kami walang pasok kasi foundation day ng school namin. So, yeah! Expect short updates! Enjooooooy~



Chapter 37


Where are you now?



Hazel's POV



Pangatlong araw ko na dito sa hospital dahil sa ibang injuries na natamo ko. Ang laking ginhawa nung makabalik ako sa Manila, pakiramdam ko tapos na lahat. Pero ang totoo, hindi pa talaga. 


Tatlong araw na matapos ang insidenteng iyon, at hanggang ngayo'y di ko pa rin nakikita si Gael. May nakapagsabi sa akin na namatay na daw si Paul. Nalungkot ako nang malaman kong pati si Sophia ay namatay dahil nabaril sya. 


Gusto ko sanang pumunta sa wake nya, pero di ako pinapayagan ng doctor dahil may trauma pa rin ako at shock pa ang utak sa pangyayari. Umiyak ako nang umiyak nang malamang wala na si Sophia. Isa syang mabuting kaibigan, pero kinuha na agad sya. Kaya lalo akong kinakabahan dahil hindi ko pa nakikita si Gael. Wala pa akong balita. Hindi pa rin pinapayagan ang bisita dahil nga sa trauma na naabot ko, pero pakiramdam ko naman okay na ako. 


Kahit na patay na si Paul, hindi pa rin sya ang hinahanap na salarin sa trahedyang sinapit namin. Nagiging mailap pa samin ang tadhana dahil hindi pa namin iyon natatagpuan. Araw-araw akong may nakakausap na isang psychologist, isa syang babae, pangalan ay doctor Jane. Mabait sya, tsaka masayang kausap, to think na halos kaedad ko lang sya, kaya lalo akong naging komportable sa kanya.


3 PM ang usual na dalaw nya sakin, kaya ngayon ay dadalawin na nya ako. As if on cue, nagbukas ang pinto at nakita ko syang pumasok...


"Hi, Hazel." bati nya at sinarado nya ang pinto sa likod nya.


"Hello, doc." umupo sya sa tabi ng aking higaan at ngumiti.


"Parang much better ka na ngayon, ha? How are you feeling?"


"Okay naman na ako doc. Kayo lang talaga maarte at di nyo pa pinapayagan ang bisita dito." ngumuso ako. Gusto ko na kasi makita ang anak ko, pati sina mommy at daddy, ganun na din si ate at lalong lalo na si Gael.


Bahagya syang napangiti, "Hazel, kakabalik palang ng iyong alaala, tas gusto mong mabisita ka agad dito?"


"Oo, doc. Miss ko na kasi ang anak ko. Lalo na si Gael."


Natahimik sya at bahagyang napawi ang ngiti sa kanyang labi. 


"D-doc... okay ka lang ba?" 

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon