Chapter 23

119 7 0
                                    

Chapter 23

Betrayed

 

 

Tuluyan ko nang pinatigil ang paghahanap kay Hazel. Nabigla pa sila, siguro naisip nila na nahiya pa ako, hindi ko pa pinaabot ng isang taon ang paghahanap. Mag-iisang taon na ang trahedyang sinapit namin, isang taon na rin ang anak namin. Nakakatuwa lang makita na malusog sya at masayahin, katulad sya ni Hazel. Nakuha nya ang mata ni Hazel, habang sakin naman ang hugis ng mukha. Napagdesisyunan ko ding sakin na lang tumira si Ken, ako na lang ang mag-aalaga sa kanya. syempre, mahirap. Nireresearch ko pa yung ibang bagay na maaaring gawin sa bata.

Bumalik na rin ako sa kumpanya. Maraming natuwa, maraming nangamusta. Pero as soon as possible, ayokong pinaguusapan ang mga ganung bagay. Inuunti unti ko pa ang pagtanggap sa katotohanang wala na talaga.

Kahit na pinatigil ko na ang paghahanap kay Hazel, patuloy pa rin ang mga detectives sa pagiimbestiga sa aksidente namin. Lalo kasi silang nalito nang makita nila ang black box. Hindi nila makuha kung bakit ganun yung mga aksyon ni Mark bago nya kami banggain. Hindi pa rin naman nagiging malinaw yung sulat na iniwan nya sa sasakyan nya. Kaya hindi ko pa rin alam kung ano yung gusto nyang sabihin.

Balik tayo sa pagiging single dad ko. minsan, naidadala ko si Ken sa opisina dahil naiyak talaga sya kapag iniiwanan sa babysitter nya. Oo, may babysitter sya pero kapag may trabaho lang ako. Pero may mga instances talaga na ayaw ni Ken magpaiwan at naidadala ko sya sa opisina, kahit habang nagmimeeting kami ay dala dala ko sya.

Makalipas ang isang linggo, pasalamat naman ako't nakaalis ako ng bahay na tulog si Ken kaya hindi ko sya kasama ngayon. Sa kalagitnaan ng meeting ay may tumawag sa aking cellphone. Inexcuse ko ang aking sarili sa meeting para sagutin ito sa labas.

"Hello?"

"Sir, detective Nico po," isa sya sa mga nagiimbestiga ng aksidente namin.

"Oh, detective."

"This may seem strange, sir, pero nakakita po kami ng trace ni maam Hazel," lumakas ang tibok ng aking puso.

"A-ano? Saan?"

"Nakita po kami ng singsing around the accident area, pero hindi pa rin po nakikita ang kanyang katawan,"

Napabuntong hininga ako, "Sige, salamat detective,"

"Teka sir!"

"Oh bakit?"

"May pumunta sa police station. Sabi nya alam nya kung nasaan si maam Hazel."

Oo, sinabi ko na pinapatigil ko na ang paghahanap sa kanya dahil tinatanggap ko na. Pero bakit biglang magiging ganito ang sitwasyon? Ano, buhay pa sya?

"Andyan pa ba sya?" tanong ko.

"Yes sir. Hindi pa po namin pinapaalis dahil kailangan nyo poi tong malaman."

"Very well. I'll be there in 10 minutes." Binaba ko ang phone, pina-meeting adjourn na at saka pumunta sa police station.

Nabigla ako nang madatnan si Yuki sa interrogation room. kung natatandaan nyo pa, isa sya sa mga kaibigan ko nung college.

"Yu-Yuki,"

Tumingin sya sakin, "Gael," tumayo sya.

"Maupo ka," parehas naman kaming umupo, magkaharap kami ngayon sa table.

Pansin kong hindi sya makatingin nang diretso sakin. Parang nag-aalinlangan pa sya sa kanyang sasabihin.

"May nagsabi sakin na... alam mo kung nasaan si Hazel," panimula ko.

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon