Chapter 40 (EPILOGUE)

189 12 3
                                    

AUTHOR'S NOTE: SO HI! Hanggang dito na lang talaga ang Dearest Hazel! So mamaya sa acknowledgment ko sasabihin lahat. Hahaha! If I may know, may mga terms ba na nagagamit ko na di nyo alam? Kasi sabi ng bff ko, halata dawng batanguena ang nagsusulat dahil sa ibang words. hahaha! Just let me know, ha? And oo nga pala, yung Sanctuary and After All This Time na novels ko, please do support them both! Thank you! :* Sml


PS. The epilogue is meant to be short... well at least for me. HAHA!

Chapter 40


EPILOGUE


October 17, 2008. Ang araw kung kailan binalak kong tapusin na ang buhay ko dahil sa mga problemang di ko na makaya pa. Ang araw kung kelan buong buo na ang loob kong kitilin ang sarili kong buhay. Ang araw kung kelan pasan ko mundo. Ang araw kung kelan niyapos ko ang ideya ng kamatayan.


October 17, 2008. Ito rin ang araw kung kailan ko nalaman ang halaga ng pamumuhay. Sa araw na ito rin, nagkaroon pa ako ng pag-asang mabuhay. Nangyari din sa petsang ito ang pagkaramdam ko na may nagpapahalaga sa aking buhay.


October 17, 2008... nakilala ko sya kung kailan gusto ko nang magpakamatay. Nakilala ko sya sa huling segundo ng aking buhay. Nakilala ko sya... nakilala ko ang taong nagpahalaga sa akin. 


Estranghero? Pero kinilala sya ng aking puso. 


Naisip ko na lang...


Ano na lang kaya ang kakahinatnan ko kung tinuloy ko yun?


Oo, mamamatay ako. Pero pagsisisihan ko siguro yun kapag nasa impyerno na ako. Tama sya, kung nagpakamatay ako, hindi ko malalaman ang kagandahan ng buhay... hindi ko sya magugustuhan. Lalo't higit, hindi ko sya namahal nang sobra sobra tulad ng aking nadarama ngayon.


Marami kaming napagdaanan. Oo, mabigat, mahirap. Pero at least kasama ko syang nakikipaglaban. Dumating nga naman sa puntong nagmahal sya nang iba, pero sya pa rin ang inibig ko. 


Hindi pa rin ako makapaniwala na darating kami sa sitwasyong ito. Taimtim ako naghihintay sa loob ng simbahan, nandito ang iba kong kabarkada nung college at nung highschool. Siguro kung buhay pa si Mark... sya ang best man ko. 


Maya-maya di'y nakita ko ang babaeng minamahal ko na naglalakad papasok ng simbahan. Kinabahan ako at nasabik nang makita ang babaeng pinakamamahal ko habang suot suot ang napakagandang gown. 


Di ko akalaing sa dinami ng aming pinag-daanan, nandito na kami, kinakasal na. Di ko maiwasang mapaluha habang nakangiti syang nakatitig sakin habang naglalakad sya palapit.


Sya na talaga ang pinakamagandang bride na nakita ko sa tanang buhay ko.


Nang tuluyan syang makalapit sa akin ay nahalata ko ang luhang pumapatak galing sa kanyang mga mata. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at dahan dahang pinunas ito sa kanyang mukha. 


Hindi ko maiwas ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko, kapag tinanggal ko ang pagkakatingin ko sa kanya, mawawalan ng isang oras ang aking buhay. Kaya kahit sinabihan kami ni father tungkol sa aming vows, hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin sa kanya.


I was the happiest man alive when she finally said, "I do."


Hazel...


My Dearest Hazel... 


Thank you for enlightening my way when I was striding the dark side. You are the best thing that has ever happened to me. Hindi ko pinagsisisihang nakilala ka. Hindi man the best ang love story natin sa iba, pero para sakin, the best ang satin. Ilang beses nang muntik na tayong mamatay, pero tingnan mo naman, itutuloy na natin ang forever natin. 


I love you...


And I always will...


my dearest Hazel.




------THE END-----

Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon