Chapter 38

132 8 0
                                    

AUTHOR'S NOTE: UWAAAAAH! We're so close to the end! Please do not forget to support my story, isang SPG story na pinamagatang: "Sanctuary". Kasama nito ang isa pang nobelang aking sinusulat: "After All This Time" na isang teacher x student story. Sana suportahan nyo ang bawat story ko katulad ng pagsuporta nyo dito sa Dearest Hazel! 

SPOILER ALERT: (I know you will hate me forever) Someone... will die... of course.

Chapter 38

All Done



Kinabukasan, nag-insist ako kay doc Jane na puntahan si Gael kung saan sya nakaadmit ngayon. Paulit ulit na sinabi ni doc na hindi pwede, na hindi pa ako ready. Pero pinilit ko sya at palagi kong sinasabing okay na ako, na hindi sya dapat mag-alala, dahil magiging okay lang ako.


Napag-alaman kong naka-admit din pala si Gael dito sa ospital na kinalalagian ko ngayon. Nasa 8th floor ang ICU kung san sya nakaratay. Kahit nasa elevator palang kami ni doc, kinakabahan na ako, ngunit hindi ko ito pinapahalata. Ngunit dahil isa sya psychologist, nahihinuha nya malamang na ako ay kinakabahan kaya naman hinawakan nya ang aking kamay.


"Just tell me if you want to go back." paalala nya.


Tumango ako. Maya-maya di'y nag-'ding!' ang elevator at lumabas na kami sa 8th floor. Tinahak namin ang daan papunta sa ICU. Sa sobrang tahimik ng ospital ay naging tama ito upang maparinggan ko ang sariling tibok ng aking puso dahil sa kaba. Bawat hakbang ko palapit kay Gael ay parang dinudurog unti unti ang aking puso. Pero kailangan kong magpakatatag... kailangan ko syang tulungang lumaban. 


Nang makita ko na ang pintuang nagsasaad ng "Intensive Care Unit", lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Ito na... Gael... masisilayan na kita.


Nang hawakan ko ang door knob ay hinawakan naman ako ni doc sa aking balikat kaya napatingin ako sa kanya.


"I'll come with you,"


Ngumiti ako, "Okay lang ako doc. I can manage myself." I assured her.


"Are you sure?"


Tumango ako at dahan dahan nyang inalis ang kamay nya sa aking balikat, "I won't be that far in this room, okay?"


Tumango muli ako bago sya naglakad. Binuksan ko ang pinto at nakita ang nakahigang si Gael. May mga nakapasak sa kanyang bibig, napaparinggan ko din ang tunog ng mga aparatong sumusuporta sa kanyang buhay. May puting benda din sya sa kanyang ulo, may pasa sa pisngi, may sugat sa labi at may mga galos at pasa pasa sa braso.


Napatakip ako ng bibig upang pigilan ang malakas na paghagulhol na maaari kong mailabas sa aking bibig. Otomatikong tumulo ang mga butil ng luha sa aking mga mata at nagtuloy tuloy na ito, walang humpay.


Gael... why do you have to be lying here?


Naiisip ko pa lang na maaari nya kaming iwan ay hindi ko makaya. Tinutusok ako nito sa aking puso, ramdam na ramdam ko. 


Dearest HazelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon